Chapter 13

106 9 0
                                    


ㅡㅡㅡ
Wedding Anniversary

Miyerkules ng tanghali at doon kaliwa't-kanan ang pagiging abala ng mga trabahador dito sa bahay tanggapan ng gulay. Ito rin ang huling araw ko rito sa kanilang area, dahil bukas at hanggang sa Sabado ay sa bahay tanggapan na ako ng prutas.

"Say ah" utos ko sa batang na hasarapn ko.

Ipinasok ko ang kelly forceps sa kanyang bunganga para roon kuhanin ang nakausling tinik na bumara sa kanyang lalamunan. "Mommy, pahawak ako ng kamay ni Maymay" utos sa ko sa nanay ng batang nasa harapan ko para ito'y pakalmahin.

"Say ah, Maymay" muli kong utos sa bata habang sinisipat ng forceps ang tinik na bumaon dito "Malapit na, kaunti nalang" pagpapagaan ko ng loob sa bata ng maclip ko na ang tinik sa kanyang lalamunan.

"Okay" wika ko ng matagumpay kong naalis ang tinik sa lalamunan ng bata "Diba, sabi ko sa 'yo na hindi naman masakit" segunda ko sa bata.

"Hindi nga po Doc, matapang kaya ako. Babae ako at matapang, hindi ako mahina tulad ng sinasabi ni Justine" bibong tugon ng batang ito kaya napangiti nalang ako.

"Tama ka Maymay, matapang ka hindi tulad ng sinasabi ni Justine" nakangiti kong wika sabay kuha ng ilang chocolate doon sa aking maleta "At dahil diyan, ito ang para sa 'yo" segunda ko sabay bigay ng ilang pakete ng tsokolate sa bata.

"Wow, salamat po Doc" masiglang wika nito.

"'Wag mong kakalimutan mag toothbrush after mong kumain niyan, baka mabulok ang ngipin mo kapag 'di ka nag toothbrush" habilin ko sa bata at ito'y tumango.

Kumuha naman ako ng ilang vitamins at gamot sa aking bag at doon inabot sa kanyang nanay "Mommy, ito po ang ilang vitamins na pwede niyong ipainom kay Maymay, nandito na rin po ang ilang gamot sa ubo at sakit" wika ko rito at masaya niya iyong inabot.

"Thank you po, Senyorito"

Nakangiti akong tumango "Kung may oras po kayo sa Sabado, punta po kayo sa bahay tanggapan ng prutas para mabigyan pa po namin kayo ng ilang supply ng gamot" huling habilin ko sa kanya bago sila umalis ng may pagpapasalamat.

Sila ang huling pasyente ko ngayong tanghali dahil maya-maya lang ay magsisimula ang kasiyahan na mangyayari sa labas ng bahay tangapan.

Tulad ng sinabi ni Ka Dureng kahapon ay ngayon ang selebrasyon para sa fifty years wedding anniversary nilang dalawa ni Mang Junel. Kaya tanaw na tanaw ko sa labas ng bahay tanggapan ang mahabang lamesa na doon magaganap ang boodle fight, maya-maya lang.

Tumayo ako sa pagkakaupo at doon inunat ang aking katawan. Hinubad ko ang suot kong doctor gown at ipinatong sa aking kinauupuan. Tanging gray shirt at black jeans ang suot ko habang puting-puti ang sapatos.

Humakbang ako sa papunta sa mga gamit kong nakapatapong dito sa lamesa at doon kinuha ang aking camera na dala-dala ko. Naisipan kong kumuha ng mga larawan dahil may nangyayaring kasiyahan.

"Hello po Senyorito" pagbati ng mga kabataang aking nadadaanan sa pagkuha ko ng mga larawan "Picture, Doc. Kuhanan mo kami ng picture" utos nila sa akin dahilan para mapangiti ako.

"Okay, smile" wika ko sa kanila at doon pa nagbilang bago kuhanan ng larawan.

"Thank you, Doc"

Doon ko iginala ang aking mga mata para kuhanan ng larawan ang busy na mga tao rito sa bahay tanggapan. Kaliwa't kanan ang pag-picture ko sa mga nakangiting bata, matanda at ilang mga kabataang busy sa kani-kanilang mundo.

Nahahagip din ng aking camera ang pesteng busy sa kabubuhat ng ilang mga kahoy na panggatong at pag-aayos ng lamesa roon sa kakainan sa labas.

Maya-maya pa ay kita kong papalapit ang pesteng iyon sa aking pwesto suot ang kanyang mukhang tangang pagkakangiti.

You Look Good TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon