ㅡㅡㅡ
Masarap na AdoboLinggo ng umaga at hinding-hindi ko maitatanggi na sobrang sarap gumising dito sa probinsya dahil bukod sa halos limang taon akong hindi umuwi rito ay muli kong nalalasap ang malamig na klima, preskong hangin at ang mga ingay na nagmumula sa hayop na sa probinsya mo lamang maririnig.
Nakahiga ako ng diretso sa kama habang nakabaling ang aking paningin roon sa paanang bahagi dahil pinagmamasdan kong muli ang mga larawan na nakasabit sa pader.
Hindi ko maiwasang maalala yung mga sinabi ng peste kagabi "Because I want you back, Ian. Gusto ko ulit maging tayo Ian. Gusto kong ibalik yung tayo, gusto kong maging masaya ulit tayong dalawa at gusto kong ibalik yung dati nating pagsasama"
Inis at pagkabastos ang naramdaman ko sa kanya kagabi dahil sa mga inilahad nito. Hindi ko maisip na may kakapalan siya ng mukha para sabihin niya sa harap-harapan ko ang mga salitang iyon.
Hindi mawala sa isipan ko na maling-mali ang pagpayag kong makasama ang lalaking peste sa buhay ko.
Dahil hindi ko itatanggi na sa loob ng isang Linggo ay may posibilad na mahulog ako sa mga patibong niya, tulad sa mga pelikulang napapanood ko.
Titibayan at pipigilan ko nalang ang aking damdamin para makaiwas sa mga patibong niya na kahit na alam kong tatraydurin ako ng aking puso.
Oo na, ako na yung marupok. Marupok ako at alam nila Regina at Ernest ang bagay na iyon. Sagana lang ako minsan sa salita ngunit sa huli naman ay tinatraydor lang ako ng aking puso.
Napapikit nalang ako dahil may nalalanghap akong pamilyar na aroma.
"Roses" wika ko at doon ako nagmulat.
Mabilis akong bumalikwas nang bangon at napatingin sa kanang bahagi ng kwarto kung saan nandoon ang study table.
Awtomatikong napangiti ang aking labi ng makita kong may tatlong puting rosas ang nakapatong sa ibabaw ng aking mga librong pang medikal.
Umalis ako sa ibabaw ng kama at doon tinumbok ang study table para roon kuhanin ang tatlong bulalaklak. Pumikit ako at inamoy ang mga ito "Bango" napangiti ako at doon nagmulat.
Nang bumaling ako ng tingin sa aking mga gamit rito sa lamesa ay doon umagaw ng aking atensyon ang isang 'di pamilyar na picture frame na nakatayo rito.
May dilaw na sticker paper ang nakadikit sa picture frame kaya ito ay aking kinuha.Inilapag kong muli ang mga rosas sa ibabaw ng libro at doon binasa ang nakasulat sa papel.
"Good morning" pagbasa ko at doon pa may simbolo ng puso sa huling salita.
Napalunok nalang ako at umiling bago inilagay ang sticker paper sa isang pahina ng aking libro, hindi na naman ako mag-iisip pa ng iba dahil alam kong sa kanya ito galing.
Kahapon, noong gumising ako na may tatlong rosas ang sumalubong sa akin. Alam kong sa kanya rin iyon galing.
Pagkatapos kong isingit ang sticker paper sa aking libro ay binalingan ko na nang tingin ang picture frame na nakatayo rito sa lamesa, wala naman ito kagabi noong inayos ko ang mga gamit ko rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/232163230-288-k360201.jpg)
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Storie d'amoremarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...