Chapter 5

238 14 3
                                        


ㅡㅡㅡ
The Broken Promises

2016 Six Years Ago

Nandiyan si Omar sa tabi ko kapag malungkot ako, nandiyan siya kapag masaya ako at mayroon akong natatawag na Omar kapag may kailangan ako.

Ganoon din naman ako sa kanya dahil nasa tabi niya rin ako kapag masaya siya, kapag may kailangan siya at kapag malungkot siya lalo na noong namatay ang kanyang may sakit na Ina.

May sakit din kasi si Tita Helen at hindi na kinaya pa ng katawan niya, kaya nakakalungkot mang isipin ay bumigay na rin siya.

Noong namatay si Tita Helen ay doon mas naging pasayaw si Omar.

Sa paglipas ng panahon doon ko pa mas nakilala ang tunay na ugali niya, kung gaano kalaki ang pagkagusto ko sa kanya ay ganoon din ang katumbas kung bakit ako nakararamdam ng galit sa kanya.

"Kung hindi pa sakin sinabi ni Jerico na nandoon ka sa bar edi hindi ka talaga uuwi?" inis kong wika sa lalaking nasa likuran ko.

"Kung hindi ka umalis, edi hindi mangyayari 'to!" tugon nito habang nakasunod sa akin.

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi sa bahay naming dalawa, alas-dose na ng madaling araw at buhay na buhay pa ang mga diwa naming dalawa.

Nasa gitna na kami ng pinyahan kung saan malapit na rin kaming makadating sa bahay.

Napatigil ako sa aking paglalakad at doon ko siya hinarap, hindi naman siya lasing kaya hindi na niya kailangan pang alalayan.

Inis na inis ako sa kanya dahil ginising pa ako ni Jerico para sabihing nag-iinom na naman si Omar.

"Sabi ko naman diba sa 'yo na kailangan kong mag review, dahil finals na namin next week. Kailangan ko ng katahimikan kaya umuwi muna ako roon sa mansyon!" inis kong wika sa kanya at doon ko nalang nakita ang kanyang pagngisi.

"Finals-finals ang sabihin mo wala ka nang oras sakin" tatanga-tanga nitong wika sa akin kaya mas lalo akong nainis.

"Anong pinagsasabi mo?" inis at seyosong tugon ko sa kanya at doon ko nakita ang kanyang pag-iling habang nakatingin din sa akin.

"Tsss.." pag-ngisi niya sa akin.

Inis akong napailing "Omar, dalawang araw lang yung hiningi kong pabor sa 'yo na uuwi muna ako roon sa mansyon dahil ang ingay-ingay niyo sa bahay" paano ba naman kasi ako makakapag-review kung palagi silang nag-iingay ng mga gago niyang barkada roon sa bahay.

Pana'y inuman, tawanan at kwentuhan ng mga bagay na hindi naman dapat pinag-kukwentuhan.

Hindi ako bobo o bulag para hindi mapansin ang pagbabago ni Omar sa akin, mag mula noong namatay si Tita Helen noong isang buwan ay doon na nagsimula ang lahat.

Naging tahimik at hindi ma-kwento sa akin si Omar kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

Naging pasaway siya dahil kapag inuutusan ko ito ay hindi niya ako sinusunod at ganun din siya sa kanyang Ama.

Kapag may nagagawa siyang mali ay hindi niya ito inaamin at minsang itinitikom nalang ang bibig.

Palagi niyang kasama ang mga kabarkada niyang lulong sa bisyo kaya isang araw ay nahuli ko si Omar na naninigarilyo roon sa likod bahay and that time ay galit na galit ako sa kanya.

You Look Good TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon