ㅡㅡㅡ
The Doctor of Hacienda"Mga kabaryo, kasama, kapamilya, kapuso at kapatid malugod kong ipinapakilala sa inyo ang butihin at nag-iisa kong anak na si Ian" tila proud na proud na pagpapakilala sa akin ni Papang sa harapan ng hindi naman karamihang tao.
Nasa labas kami ng mansyon kung saan may munting programa ang kanilang ipinagdiriwang ngayon dahil sa aking muling pagbabalik dito sa Rambo Hacienda.
Nandito kami ni Papang sa harapan nila kung saan nakatayo sa maliit na entablado dahil nga ako'y ipinapakilala ni Papang sa kanila.
Hawak-hawak ni Papang sa kaliwang kamay ang itim na mikropono habang sa kanan naman ay ang kanyang kahoy na tungkod, hirap na kasing maglakad si Papang dahil na din sa kanyang katandaan.
Ngunit ang hindi ko mawari ay kung bakit may pesteng nakatayo sa likod namin ni Papang. Daig pa niya ang security guard, hindi ko nalang iyon binabalingan ng pansin.
Ngiting-ngiti ako sa harapan ng iba't-ibang tao habang nakasuot ako ng puting polo at black pants sa pang-baba kung saan pinapatungan iyon ng Doctor Gown.
Nasa harapan namin ni Papang ang iba't-ibang tagapangala ng Hacienda, tandang-tanda ko pa ang iba sa kanila dahil dito din naman ako lumaki.
Doon ko kita sa harapan si Mang Junel na tagapamahala sa pangangalaga ng iba't-ibang hayop ni Papang dito sa Hacienda.
Mayroong mga kabayo, baboy, baka, manok at iba pang hayop dito na kung saan inaangkat ng iba't-ibang industriya roon sa Maynila.
Doon ko rin kita sa harapan si Ka Dureng na tagapamahala naman sa pangangalaga ng iba't-ibang gulay dito sa aming Hacienda, kung tatanungin niyo kung anong mga tanim na gulay dito sa amin ay kumpleto ang Haciendang ito sa mga gulay doon sa kantang Bahay Kubo.
Nandito rin si Mang Andoy na tagapangasiwa ng iba't-ibang prutas. Pinya ang pangunahing pananim namin dito sa Hacienda.
Si Mang Andoy ang sumunod na namumuno sa pangangalaga ng prutas dahil ang nangunguna talaga roon ay si Tito Franco na ama ng pesteng nasa likuran ko.
Tulad ng isiniwalat sa akin ni Papang na patay na raw si Tito Franco na kanang kamay niya rito sa Hacienda, gulat na gulat naman ako dahil hindi ko iyon nabalitaan noong nasa ibang bansa pa ako.
Ibig sabihin nag-iisa nalang sa buhay ang peste ng buhay ko?
Bukod sa mga nangunguna sa tagapangalaga ng iba't-ibang produkto namin dito sa Hacienda ay nakikita ko rin sa harapan ang ilan sa mga tauhan na hindi pamilyar sa akin dahil mga bago siguro sila rito.
May hinahanap ang aking mga mata ngunit hindi ko sila makita.
"Batid kong kilala niyo na itong si Ian dahil dine na naman iyan lumaki sa Rambo" tuloy lang si Papang sa pagbibigay ng introduksyon sa akin.
"Halos mag aanim na tao na ring hindi umuuwi ang Anak ko dine sa Hacienda kaya ang ilan sa inyo ay hindi siya kilala" tuloy lang si Papang sa kanyang pagsasalita at doon lang ako naka-alalay sa kanyang likuran habang ngiting-ngiti sa aming harapan.
"Oh siya sige, ang anak ko na ang bahalang mag pakilala sa inyo para malaman niyo rin kung anong misyon ng anak ko dine sa Hacienda" huling wika ni Papang bago niya ibigay sa akin ang mikropono.

BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romancemarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...