Chapter 11

272 20 6
                                    


ㅡㅡㅡ
Choco Butternut

Tuesday morning at katatapos ko lang gawin ang mga bagay na ginagawa sa umaga, kumain akong mag-isa at naligo akong mag-isa.

Ngayon nga ay kasalukuyan na akong naka harap sa salamin ng aparador habang may nakasabit na towel sa aking leeg at naka suot lamang ng puting boxer brief, nag papahid kasi ako ng body lotion sa aking katawan.

Nakatingin lang ako sa repleksyon ng salamin ng bigla ko nalang muling naalala ang hindi ko inaasahang emergency kahapon doon sa produksyon ng hayop.

Hindi talaga ako makapaniwala na ganoon ang emergency ang mararanasan ko rito sa hacienda. Buti nalang talaga at tama ang aking desisyon na dalhin ang portable tools na gamit ko sa ospital.

Hindi ko rin inaakala na may mag pi-feeling close na naman sa akin kahapon.

May isa kasing peste na akala mo close kami kung umasta, don't get me wrong pero hindi ako nag papunas sa kanya ng matagal.

Mabilis kong inalis ang aking mukha sa kanyang pagpupunas kahapon at doon siya sininghalan dahil sino ba siya para gawin sa akin iyon.

"Puro dugo itong mukha mo" wika ko sa harapan ng salamin patukoy doon sa wika ng peste kahapon.

"Puro dugo itong mukha mo, parang tanga" wika ko pa habang ginagaya ang boses ng pesteng iyon.

"Paduguin ko mukha niya eh" segunda ko pa habang tuloy lang sa paglalagay ng lotion sa katawan.

Wala akong pesteng nabungadan kaninang paglabas ko ng kwarto, tanging bag niyang itim lang na nakapatong sa sofa ang nabungadan ko.

Kung itatanong niyo kung saan natutulog yung lalaking 'yon, saan pa ba? Kung hindi sa sofa.

May dala naman 'ata siyang kumot at unan kaya hindi ko na siya kailangang alalahanin pa.

Hindi ko naman dapat siya alalahanin, dahil hindi naman ang pesteng iyon ang pinunta ko dito.

"I'm done" wika ko sa aking sarili matapos ang aking ginagawang pag lalagay ng lotion sa katawan.

Sunod kong kinuha ay ang brush sa buhok na nakapatong sa study table kung saan naririto parin ang aking mga medical books at ilang mga gamit ko sa sarili, nandito parin yung picture frame na itinaob ko.

Muli akong humakbang papunta sa harapan ng salamin para mag suklay ng aking buhok sa ulo.

Nakangiti lang ako habang nag ha-huming ng isang lullaby song 'Twinkle-Twinkle Little Star' na madalas kantahin sa akin ni Mamang noon.

"Up above the world the world so high" pagkanta ko habang nakangiting nag susuklay ng aking buhok "Like a diamond in the sky" segunda ko pa habang tuloy sa aking ginagawa.

"Twinkle Twinkle little---" hindi ko na naituloy ang aking pag-awit ng doon nagbukas ang pintuan ng kwarto.

Nakatingin lang ako sa repleksyon ng salamin kung saan doon iniluwa ang hugis star na peste sa buhay ko.

Literal na tumaas ang aking mga balahibo kasama na ang aking kilay at ang aking dugo.

"Hindi ka ba marunong kumatok!?" tila rinig hanggang mansyon at mga bahay tanggapan ang aking ginawang pag-sigaw.

You Look Good TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon