Chapter 18

91 12 4
                                    


ㅡㅡㅡ
Batanes

2012 Nine Years Ago

Alas-otso palang ng umaga ay lantad na lantad na ang paghaharutan at landian naming dalawa ni Omar.

Katatapos lang namin kumain ng umagahan at nandito na kami ngayon sa sofa habang nag-uusap ng kung ano-anong mga bagay.

Puro pagmamayabang ang kanyang ikunukwento na kung paano siya hindi umiyak noong tinulian siya, sa edad na sampu ay tuli na raw siya at matured.

Wala akong ibang ginawa kundi tawanan ang kanyang kayabangan sa katawan at pananalita, sanay na sanay na ang aking tenga sa mga kayabangan niya sa buhay na kahit sukat ng aming mga ari ay pinagtatalo niya, na kesyo mas malaki at mataba raw ang kanya.

“Pero bukod sa mga plano natin sa future, gusto ko munang mag road trip tayo at saan tayo pupunta? Saan pa kung hindi sa dream destination and vacation mo Bal!”  dahil sa kanyang sinabi ay mabilis ko siyang niyapos habang nakaupo kami sa sofa.

“Yown! Tama! Pupuntahan natin ang dream vacation ko, ang dream destination ko!” galak na galak kong wika sa kanya. 

“Saan ang dream vacation mo, Bal? Edi sa Korea!” dahil sa kanyang sinabi ay mabilis kong inalas ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Ay?” umagwat ako ng upo sa kanya papuntang kanan dahil mali ang kanyang sinabi.

“Joke lang, biro lang. Siyempre sa Thailand!” dahil mali parin ang kanyang sinabi ay binalingan ko siya ng matalim na paningin.

Tumawa ito bago muling lumapit sa akin at sapilitang niyakap “Alam ko naman talaga, Bal. Binibiro lang kita” ang wika niya habang hinahalikan ang aking ulo “Ang layo ko masyado, eh ang gusto mo lang naman na puntahan natin ay nandito lang sa Pilipinas. Sa Batanes, Basco Batanes!” dahil sa kanyang huling wika ay napangiti ako.

Sinuklian ko naman ang kanyang pagkakayapos at doon nagwika “Tama pupunta tayo sa Batanes. Pagmamasdan natin ang dulong bahagi ng Pilipinas ang malawak na karagatan, ang famous honesty store at ang Basco lighthouse” iwinawagayway ko ang aking kamay sa ere na tila doon iniimagine ang aming gagawin sa Batanes.

Rinig ko ang mahinang halikhik ni Omar habang patuloy na hinahalikan ang aking ulo.

“Kaya ngayon palang, Bal. Pag-iipunan na nating dalawa at dapat hati tayo sa ticket na bibilhin natin papuntang Batanes. Hindi tayo kukuha ng sponsor, dapat galing sa bulsa at pinaghirapan natin ang pambili natin sa ticket” ang nakangiti kong wika at doon ito umiling.

“Hindi Bal, ako na ang bahala sa ticket. Gusto ko ako ang unang taong magdadala sa ‘yo sa Batanes” pagmamayabang na naman niyang wika.

“Ang yabang mo na naman, pero okay sige. Gusto ko surpresahin mo ako na may ticket ka na papuntang Batanes ha, yung bukas agad para masaya at thrilling!” suhestiyon ko sa kanya at doon namin niyakap ng matindi ang isa’t-isa.

“I love you, Bal” ang bulong nito sa aking tenga.

“I love you too, Bal” tugon ko naman rito at binigyan ng mabilis na halik sa kanyang labi.

“Bal, wag mo akong iiwan mag-isa ha”

ㅡㅡㅡ

2021, Alas-dyis na ng gabi sa bahay nila Omar at Ian.

“Basco, Batanes Airport” nakaupo ako sa sofa habang hawak-hawak ang dalawang papel. Ilang minuto ko nang pinagmamasdan at patuloy na binabasa ang dalawang ticket na ito kung saan nakaschedule ang flight bukas o sa Linggo “Ano bang plano ng pesteng ito? Nahihirapan na ako” inilapag ko ang dalawang ticket sa lamesita at doon ko sinapo ang aking noo dahil tila ako’y nakararamdam na ng pagod.

You Look Good TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon