ㅡㅡㅡ
Their Home
2021, Alas-singko imedya ng hapon.
Kinakain na ng dilim ang kalangitan dahilan para dumilim na ang kapaligiran.
Kung paano dumidilim ang langit ay ganoon din dumidilim ang paningin ko sa lalaking kasama ko.
Kanina pa siya salita ng salita mag mula noong naglalakad kami mula sa mansyon papunta rito sa aming pupuntahan, feeling close siya sa kung paano umasta mag mula pa kanina.
Epal, papansin, feeling at kupal ang mga salitang mag lalarawan sa kanya.
Epal means a person who goes into situation where in his presence is not needed or in a place he does not belong. This person maybe annoying or in that instance.
Kupal used to describe an annoying, stupid, dumb or a foolish person.
"Kung mapapansin mo Ian malinis na itong bahay, naglinis pa kasi ako ng kaunti rito kahapon bago kita sunduin doon sa Ospital" wika ng papansing peste sa aking unahan nang makapasok kami rito sa loob ng bahay.
Pagkapasok at pagkabukas palang ng ilaw ay doon ko na mabilis na iginala ang aking mga mata para roon bigyang pansin ang mga bawat sulok sa loob ng bahay.
"Nagpatulong din ako kila Caloy at Jerico sa pagpipintura at pagkukumpuni ng ilang mga nasirang gamit dito" dagdag pa ng peste habang bitbit parin ang aking itim na maleta.
Hindi ko siya tinatapunan ng tingin at doon lang ako nakatingin sa bawat gamit dito sa sala.
"Yung t.v mo ay pinaayos ko lang doon sa mangagawa noong isang Linggo kasi nginatngat na ng daga yung ilang kable pero ayos parin naman kahit matagal nang nakatambak dito. Tapos yung sofa na binili natin dati ay nilabhan ko rin noong isang Linggo, ang dami na kasing alikabok eh" wika pa niya at doon ako napatingin sa mga bagay na tinutukoy niya.
Ang flat screen kong t.v na nakapatong sa lamesang stante at ang kulay tsokolateng sofa na kasya lamang ang dalawang tao.
Napapikit ako ng mabilis dahil pinipigilan kong alalahanin ang mga alaalang meron kami rito sa sofa.
Muli akong nagmulat ng magtagumpay ako sa pagpigil sa traydor na alaala.
Pansin ko lang na sa lahat ng nakita kong pagbabago rito sa Hacienda ay itong bahay namin dati nila Mamang ang tila walang pagbabago, mukhang ganoon parin noong lumisan ako rito.
Iginagala ko pa ang aking paningin sa aming sala ng doon na naman nagpapansin ang peste na kasama ko.
"Grabe Ian! Kung nakita mo lang yung paglilinis namin dito nila Jerico aba'y masusuka ka! Kasi grabe yung mga ipis at ilang anay na nanirahan dito sa bahay, wala na rin kasing tumira dito noong umalis ka eh" dahil sa huling salitang kanyang sinabi ay doon ako napatingin sa kanya.
Seryoso lang ang tingin na ibinibigay ko sa kanya, samantalang para siyang tanga sa malawak niyang pagkakangiti sa akin.
Sinusuklian ko lang siya ng tingin na nagsasabing "Oh ano ngayon? Kasalan ko kung bakit puro ipis at anay?" iyan ang sinasabi ng paningin ko.
Batid kong alam niya ang aking sasabihin kaya nakita ko nalang siyang may kinukuha sa kanyang bulsa.
"Pakita ko sa 'yo yung mga ipis at anay Ian, kinuhanan ko kasi ng picture eh" galak niyang wika habang doon siya pumipindot sa kanyang telepono.
Nakatingin lang ako sa kanya at doon inabot nang ilang segundo bago niya bitawan ang pagkakahawak niya sa aking maleta at doon siya humakbang papalapit sa akin para roon ipakita ang gusto niyang ipakita.
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romancemarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...