ㅡㅡㅡ
Just the Two of Us
2011 Ten Years Ago
"Anak siya ang mag hahatid at sundo sa 'yo papunta sa school pauwi rito sa mansyon, ichendes mercedes ha?" natatawang wika ni Mamang sa akin habang may ipinapakilala siyang lalaki sa harapan ko.
Suot ko na ang pang pasok ko paaralan gayundin ang lalaking nasa harapan ko, ibinalita sa akin ni Mamang na itong lalaking 'to ay siyang mag hahatid at sundo sa akin.
Nakatitig lang ako sa mukha niyang nakangiti na parang nakakagago.
"Tatay niya si Franco na kanang kamay ni Papang mo at inaanak niya rin itong si Omar" paglalahad pa ni Mamang sa lalaki.
"Mabait at mapagmahal itong si Omar Anak kaya ikaw na ang bahala kung mahuhulog ka sa kanya, pero tandaan mo na magpakita ka naman ng pagpapakipot at kung kayo man ang magkakatuluyan, ibibigay ko yung bahay natin doon sa gitna ng pinyahan at doon kayo tumira ni Omar para magawa niyo lahat ng gustuhin niyo" hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Mamang.
Basta ang masasabi ko lang sa kanya ay siya ang pinaka the best na Nanay sa buong mundo at bagay na bagay sa kanya ang 'Ulirang Ina Award'
Tanggap nila Papang at Mamang ang pagkatao ko at wala silang pag-aalinlangan na tanggapin kung ano at sino ako.
Ang suwerte ko sa kanila, lalo na kay Mamang dahil siya pa mismo ang nag udyok sa akin na maging ganito ako.
"Walang mali sa 'yo Anak dahil ikaw 'yan, buhay mo 'yan at wala kaming ibang gagawin ng Papang mo kung hindi ang suportahan ka namin" iyan ang wika ni Mamang sa akin noong oras na sabihin ko sa kanila kung ano ang sekswalidad ko.
Babaeng anak talaga ang gusto ni Mamang pero dahil nahirapan siya noon sa pagpapanganak sakin ay hindi na niya ako nasundan pa, kaya ang resulta ay pinipilit niyang iudyok sa akin na maging ganito ako.
"Sige na Anak umalis na kayo nitong si Omar dahil baka mahuli pa kayo sa klase" pagbasag ni Mamang sa pagkakatulala ko sa lalaki.
Naniniwala ba kayo sa love at first sight?
Kasi ako?
Oo ang sagot ko, naniniwala ako sa love at first sight dahil hindi ko alam kung bakit idinidigta ng isipan ko na ang lalaking nasa harapan ko ay ang lalaking makakatuluyan ko.
Nababaliw na ba ako kung sabihin ko sa inyong crush ko si Omar?
Si Omar na ngayon ko lang nakita rito sa Hacienda, si Omar na hindi ko pa lubos na kilala.
Well love at first sight, so it means sa una lang ang lahat. Parang first impression.
Tama nga dahil sa una lang pala ang pag kahanga ko sa kanya, nadala lang ako siguro ng mga ngiti niya at ng kulay ng kanyang morenong balat.
Sa una lang ang pagkahanga ko sa kanya dahil sa paglipas ng mga araw ay doon ko nakilala ang pag uugali ng isang Omar, ang tanging masasabi ko lang sa kanya ay isa siyang Peste.
He is such a bully at mahilig siyang ipahiya ako sa mga gago niyang kaibigan, palagi niya ring ipinagdidiinan sa akin na mali ang pagiging bakla at sa tuwing sasabihin niya iyon ay hindi ko nalang siya binibigyan pa ng pansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/232163230-288-k360201.jpg)
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romancemarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...