ㅡㅡㅡ
Last Day2012 Nine Years Ago
“Pagdating ng araw ang iyong buhok ay puputi na rin, sabay tayong mangangarap ng nakaraan natin. Ang nakalipas ay ibabalik natin, ipapaalala ko sa ‘yo ang aking pangako na ang pag-ibig ko’y lagi sa ‘yo, kahit maputi na ang buhok at bulbol ko” hindi ko alam kung matatawa o kikiligin ako sa lalaking katabi ko.
Nandito kami ngayon sa bagong tambayan namin dito sa ilalim ng puno ng mangga na kung saan ay nasa harapan namin ang isang sapa na sobrang linaw ang rumaragasang tubig. Ilang minuto lang ang layo nito mula sa bahay na tinutuluyan namin.
Ipinagmamayabang ng lalaking ito sa akin na may tula raw siyang ginawa na alam ko namang kinuha niya lang sa internet ang lyrics ng kantang ito.
Patuloy lang ako sa pagkain ng pakwan habang natatawa na akong nakabaling ng tingin sa tila seryosong lalaking tumutula habang hawak-hawak ang puting papel.
Naring niya ang mahina kong pagbungisngis kaya bumaling ito sa akin “Tinatawanan mo ba ako, Bal?” seryosong wika niya.
Tumango ako habang kinakain ang isang slice ng pakwan.
“Bakit mo ako tinatawanan?” wika pa niya sa seryosong boses.
Nilunok ko muna ang pakwan bago ako nagsalita “Ikaw ba talaga ang gumawa ng tulang ‘yan? Hindi ba’t paboritong kanta ni Mamang ang tinutula mo, baka multuhin ka niya mamaya dahil binabastos mo ang paborito niyang kanta” ang wika ko sa kanya.
Inabot ng ilang segundo bago nagproseso sa utak niya ang aking sinabi. Ngumiti ito bago doon nilukot at binato sa likuran ang papel na naglalaman ng lirikong kantang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.
“Parang ang sarap ng pakwan na kinakain mo, Bal. Subuan mo nga ako” patay malisya niyang wika at doon niya inalapit ang kanyang mukha sa akin para ito’y subuan ko ng pakwan.
Napangiti nalang ako at doon umiling “Pasaway ka talagang lalaki ka” natatawa kong wika sa kanya bago ko isinubo ang isang slice ng pakwan na kinuha niya roon sa taniman kanina.
“Bal” pagtawag niya sa akin at doon umayos ng upo sa aking tabi.
“Bakit?” tugon ko habang nakatingin sa sapa na nasa harapan namin.
“Hindi ko nasigurado sa ‘yo yung isang tanong na gusto kong masagot mo” ang tila seryosong wika nito.
Bumaling ako sa kanya ng tingin “Ano naman ‘yan?” tugon ko sa kanya.
Nasaksihan ko ang kanyang pagngiti ng matamis “Bal, sa mga susunod na panahon, gusto mo bang magkaroon tayo ng anak?” wika niya.
Tumango naman ako “Sino bang hindi gusto? Siyempre naman, Bal. Gusto kong magkaroon ng anak” tugon ko sa kanya at mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti.
“Ilan ang gusto mo?” wika niya.
“Siyempre, isa muna, Bal. Sa ‘yo palang ay hirap na hirap na ako, paano pa kaya kapag dose-dosena ang anak natin? Kaya isa lang muna” tugon ko sa kanya na ikinatawa nito.
“Grabe ka naman sakin, Bal. Tuwing nagkakasakit lang naman ako mahirap pakisamahan, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit parang nagbabago ang ugali ko kapag nilalagnat ako” tugon niya “Kaya nga ang swerte ko kasi may isang Ian na nagtitiis sa ugali ko, hindi ko na alam kapag nawala ka tapos nagkaroon ako ng sakit” segunda naman niya at doon ko iginayak ang aking braso para siya ay yakapin.
“Sino bang may sabing iiwanan kita? Hanggat hindi mo sakin sinasabi na hindi mo na ako mahal at hindi mo na ako kailangan ay hindi ako aalis sa tabi mo” pagpapagaan ko sa kanya ng loob.
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romansamarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...