Chapter 12

275 21 9
                                    

ㅡㅡㅡ
Makulit na Omar

"Alam mo ba Ian, naiinis ako roon sa operator ng mga pataba kanina, gustong bilisan ng operator ang pagbababa ng mga pataba eh sila naman yung hapon na dumating" masiglang pagkukwento sa akin ng lalaki sa harapan.

Pagtango ang aking naisagot sa kanya habang nakabaling ang tingin sa hawak kong cellphone.

Nandito kaming dalawa sa hapagkainan dahil pinilit ako nitong kumain ng gabihan, bukod sa kinain niya ang pinadalang pagkain ni Ka Dureng kanina ay nagluto ito ng chopsuey bilang ulam namin ngayon.

Handa na sana ako sa pagtulog dahil nakapaglinis na ako ng katawan, nakahiga na ako sa higaan ngunit binulabog ako nito ng katok sa kwarto at doon pinilit na kumain ng gabihan, kaya ito ako ngayon, nakaupo sa harapan niya habang para siyang tanga na kukwento..

"Muntikan na nga akong mabalian Ian, binigla ba naman ako ni Caloy na buhatin yung dalawang sako ng pataba eh napaka bigat niyon, kaunti lang kasi kami kanina kaya hirap din kami sa pagbaba ng mga pataba" rinig na rinig ko ang sigla ng kanyang pagkukwento sa akin.

Muli ay pagtango ang akin isinagot habang busy sa pagbabasa ng mga post.

Sinasadya kong hindi siya balingan ng tingin dahil sa kadahilanang ayoko siyang tingnan, naasar at naiinis lang kasi ako sa kanya sa tuwing nakikita ko itong nakangiti na parang tanga.

"Oo nga pala Ian, bukas ay ako na ulit ang mag hahatid sa 'yo roon, sinabihan din kasi ako ni Caloy na anniversary ng mga magulang niya kaya may kaunting salo-salo, alam mo na malakas akong kumain kaya ready na ready ako sa handaan" galak na galak na naman niyang wika sa harapan ko.

Pagtango muli ang aking isinagot sa kanya.

Binibilisan ko na rin ang aking pagsubo ng pagkain dahil nakakaramdam ako ng hindi maganda sa atmosperang kinauupuan ko, dahil bukod sa ayaw ko siyang makita ay nakabalandra ang hubad niyang katawan sa harapan ko.

"Ian, anong plano mo sa Sabado? Huling araw mo 'yon dito diba? Kung pwede sana ay makasama at ma-solo kita kahit isang araw lang bago ka muling bumalik doon sa Manila" dahil sa sinabi nito ay doon ako napatigil sa pagsubo ng pagkain.

Tila napantig ang aking tenga sa mga salitang hindi niya pinagisipang sabihin.

Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa at doon dahan-dahan na hinarap ang gagong lalaking ito.

"Anong pinagsasabi mo?" seryoso kong wika sa kanya habang doon siya nakangiti na parang tanga.

"Alin? Yung ready ako sa handaan? O yung kung pwede sana makasama kita kahit isang araw lang bago ka umalis----"

"Ang sabi ko anong pinagsasasabi mo?" pagputol ko sa kanya at doon siya tila nagulat sa sunod kong sinabi "Paano mo nasasabi 'yan sa harapan ko? Makasama sa isang araw? Excuse me? Alam mo ba 'yang mga salitang sinasabi mo? Yung sarili mo na naman ba ang iniisip mo? Hindi mo ba nararamdaman na hindi ako interesado?" dahil sa sunod-sunod kong pagtatanong ay doon ko nakita ang pag-awang ng bibig ng lalaking ito.

Nakatingin ako sa kanyang mga mata at doon binabasa ang emosyong gusto niyang ipakita.

Kahit ako ay nabigla rin sa mga sinabi ko, pero hindi ko iyon pinagsisihan.

You Look Good TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon