PROLOGUE

275 8 13
                                    

"Ahhhhh!" Napabalikwas ako ng bangon. Isa na namang panaginip, masamang panaginip. Pa-ulit-ulit na lang.

Tumayo ako sa aking kama at lumabas ng kwarto papuntang kusina. Binuksan ko ang refrigerator para kumuha ng tubig.

Ano ba ang ibig-sabihin ng mga 'yon? Itim na anino? Bakit lagi akong ginagambala sa panaginip?

Nilagok ko ang tubig. Ramdam ko kaginhawaan. "Lalaki?" bulong ko sa sarili. "Bakit may lalaki sa panaginip ko? At sino siya?" dagdag ko habang inilalapag ang basong hawak ko sa lamesa.

Muli akong umakyat pabalik sa aking silid. Hindi pa rin mawaglit sa 'king isipan ang lalaking lumitaw sa 'king panaginip.

Napatingin ako sa orasang nasa kanan ko. Napakunot ang noo ko nang makitang 4:39 na ng umaga. "Ilang oras na lang sisikat na ang araw," sabi ko sa 'king sarili.

Simula nang mapanaginipan ko ang isang itim na anino, ay naging hindi pangkaraniwan na ang takbo ng aking buhay. Hindi ko mawari kung isa ba itong sumpa o talento, ang makakita ng mga hindi pangkaraniwang nilalang.

Araw-araw may humihingi ng tulong. Araw-araw may gumagambala. Araw-araw may nakakagimbal. Hindi ko na alam paano pakisalamuhaan ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko.

Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang isang lalaking akala ko'y isang tulad ko.

~~~~~~~~~~~~~

Nasubukan mo na bang mainlove?

Mainlove sa akala mo'y tulad mong normal na taong humihinga?

Paano kong malaman mong ang minamahal mo ay isa pa lang multo?

Matatakot ka ba?

Anong gagawin mo?

Kung may nakatingin sa'yo habang natutulog ka?

Kung maalimpungatan ka dahil sa biglang paglakas ng hangin?

Kung ang inaakala mong totoo ay hindi pala?

Handa ka na bang matakot?

O

Matawa sa kwentong ito?

Ito ay kwento ng katatakutan na hindi naman nakakatakot. Ating tunghayan ang pag-iibigan ng isang tao at multo.

Oh my GHOST!

© April 2015
Story by PrinsesangMakuLit

Oh my GHOST![on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon