KELLAY
"Kellay? Kellay!" boses ni Marie ang nakagisingan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ng bestfriend ko.
Dahan-dahan akong umupo at hinilot ang sentido. Wala akong matandaan sa nangyari.
"Dahan-dahan lang," aniya habang inalalayan ako.
"What happened?" nanghihinang tanong ko. Para akong nanggaling sa kung saan lugar. Naramdaman kong basa ang damit ko. Ano ba kasing nangyari? Bakit wala akong matandaan?
"H-hindi ko alam Kea, nakita na lang kitang nakahandusay dito sa sahig. Nasaan pala si Tofee?" Napalingon ako kay Marie. Nagtaka ako. Para namang nawala ang sakit ng ulo ko nang marinig ang tanong niya.
"Ako lang nakita mo rito?" naguguluhang tanong ko.
"Oo. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Kea, I have to tell you some-''
"Where is Tofee?" putol ko sa sasabihin niya. Shit! This can't be happening. Ang huling natatandaan ko ay may multong galit na galit sa likod ni Tofer at may bitbit itong kutsilyo pero ang nakapagtataka, nasa likod din ng multong iyon si July na nakatayo lamang. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mukha niya.
"Kellay! Listen..." sambit ni Marie. Tumayo ako at nagpalinga-linga. Nasaan si Tofee? Si July?
"Tofer! July!" sigaw ko. Siguro naman nagtago sila dahil may multo. Tinawag ko silang muli ngunit walang ni isang anino nilang dalawa ang nagpakita. Where are they?
"Nandito si July?" nagtatakang tanong ni Marie. Nilingon ko siya at tumango.
"Kanina..." I paused. Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang sasabihin ko, "nakita ko siya kanina rito. Ang huling naalala ko ay may multo sa likod ni Tofee, may dala itong kutsilyo. Bakas sa mukha nito ang galit tapos... tapos... nakita ko si July 'di kalayuan sa 'min, probably sa likod ng multo. Ang ipinagtataka ko..." tiningnan ko si Marie. Nakakunot ang noo nitong nakatitig sa 'kin at nakikinig. "Tinitingnan lang kami ni July. Tapos... nawalan ako ng malay." Biglang bumaybay ang mga luha sa mata ko. Anong ibig sabihin no'n?
"Kea, may dapat kang malaman," mahinang saad ni Marie dahilan para mapatitig ako sa kanya. "Kasi-"
"Ahhhhhh!" Sabay kaming napalingon ni Marie mula sa labas. Boses ni Tofee iyon. Agad kaming tumayo at tumakbo palabas ng kwarto.
"Tofee! Nasaan ka?" sigaw naming pareho ni Marie.
"Ahhhhhh! Help! Kellay help!" sigaw pa muli ni Tofee.
Pinakinggan ko ang boses niya kung saan nagmumula. Inisa-isa namin ang bawat kwarto ngunit walang Tofee.
"Tofee!" sigaw ko.
"Kellay! Kellay! Tulong! Ang dilim!" Nataranta kami pareho ni Marie.
"Nasaan ka?" sigaw ni Marie.
"Nasa isang kwarto. Ang dilim! Wala akong makita!" sigaw niya pabalik sa 'min.
Nahagip ng mga mata ko ang isang kwarto sa pasilyo. Ito 'yong kwartong may nahuhulog na kung ano sa loob. Iyong kwartong bumukas na wala man lang lumabas. (A/N: I mentioned this room before kaso nakalimutan ko anong chapter. Peace yow! Yong bigla na lang hinila ni July si Kellay bebe. Ahihi!)
Patakbo ang akong lumapit dito. "Tofee! Andiyan ka ba?" Halos wala ako sa sariling kinakalabog ang pinto ngunit ayaw mabuksan.
"Kellay, please help! Help please!" sigaw muli ni Tofee. Mas lalo kaming nataranta ni Marie. Inilibot ko ang mata ko at nakita ang isang de kahoy na bangko. Kinuha ko ito at buong lakas na hinampas ang doorknob dahilan para masira ito at mabuksan.

BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormalLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...