Chapter Four (Unedited)

74 8 1
                                    

KELLY'S POV

"Welcome to the land of Mango!" Sigaw ni Marie nang makarating kami sa manggahan.

Napatingin naman sa'min ang taong busy sa pang-aani.

"Ssshhh! Ano ka ba Marie. Hinaan mo nga yang boses mo. Nakakahiya ka talaga." Saway sa kanya ni Tofer.

"Pasensiya na, excited lang talaga ako." Aniya.

"Halikayo Ma'am Marie, ipapakita ko sa inyo yung mga naani na." Sabi ni Carla. Siya yung sinasabi ni Lola Ester na ipapasama niya sa'min dahil baka maligaw kami.

"Ano ka ba Carla. Wag mo na akong tawaging Ma'am, magkaedad lang kaya tayo tsaka Marie na lang. Ganun na rin yang mga kaibigan ko, wag ka ng mag-Ma'am parang ang tanda na namin niyan e." Sabi niya tapos kumindat.

"Nakakahiya naman po." Wika ni Carla.

Lumapit sa kanya si Ella at inakbayan siya.

"Wag ka ng mahiya, kaibigan ka namin kaya wag mo na kaming tawagin ng ganyan ha? G mo?" Giit ni Ella.

"G? Anong G?" Nagtatakang tanong niya.

Tumawa ako ng mahina, baka isipin niyang pinagtawanan ko siya.

"G as in Gets mo?" Paliwanag ni Ella.

"Ah! Ganun po ba? Opo, G ko po." Aniya.

"Drop the po and opo, mas lalong sasakit ang tuhod namin niyan e." Singit naman ni Elli.

Ngumiti naman si Carla sa'min sa inasal ng kambal. Masiyado naman kasing mataas tingin niya sa'min.

Gaya ng sabi niya, dinala niya kami sa parti ng mangga na kung saan naka-basket ang mga naani na. Ang dami. Siguro, mahigit sampung basket meron dito.

"Siya nga pala si Mang Ado, siya ang incharge sa mga naaning mangga. Mang Ado, si Marie po, apo ni Lola Ester tsaka mga kaibigan niya po." Pagpapakilala sa'min ni Carla kay Mang Ado. Agad namam kaming bumati sa kanya.

"Pwede rin ba kaming mang-ani ng mangga Carla?" Tanong ko kay Carla. Naiinggit kasi ako sa mga nang-aani. Parang gusto ko ring ma-experience ang harvesting nila.

"H-ha? Baka mapano ka? Mataas ang mga mangga kaya-"

"That's exciting! Gusto ko ring ma-experience ang pang-aani ng mangga." Putol ni Tofer kay Carla.

"Pero-"

"Me too! I'm excited!" Giggle naman ni Elli.

Walang nagawa si Carla kundi ang umuo sa request namin sa kanya. Marami siyang sinabi na hindi na namin pinansin.

This is exciting!

"Mag-ingat kayo ha?" Dagdag pa ni Carla.

Para kaming mga batang nagsitakbuhan sa isang puno ng mangga. Sabik na sabik kaming makakuha ng bunga nito.

"Wow! This is amazing!" Tili ni Marie sa di kalayuan.

"Paramihan tayo ng kuha!" Sigaw ko sa kanila.

"Ang may pinakamaliit na ani ng mangga ay manlilibre sa Stop Uber!" Dagdag ko pa.

Ang Stop Uber ay isang snack house na paborito naming tambayan na apat. Ang sasarap kasi ng shake nila at mga dessert. Nakakatakam tuloy

"Sure! No problemo!" Sigaw ni Ella.

"Paano? Start na!" Sigaw naman ni Tofer.

Natawa na lang sa'min ang mga nang-aani dahil sa kalokohan namin.

Tumakbo ako palayo sa kanila, kasi kung magkalapit lang kami, mag-aalaskahan lang kami ng mga nakuha namin. Mas mabuti na yung malayo ako sa kanila.

Oh my GHOST![on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon