KELLAY
"Sus! Nakabusangot ka na naman fren? Hello? First day na first day ng school humahaba 'yang nguso mo," sita sa 'kin ni Tofee na naglalagay ng kung ano sa mukha niya.
Yes, pasukan na. Mabilis ang pagdaan ng araw. Parang kailan lang nasa bakasyon kami sa probinsya ng lola ni Marie happened to be a ghost pala. Daig pa namin ang nag-ghost hunting do'n eh.
"Heto! Gutom lang 'yan sis." Inabot sa 'kin ni Ella ang isang bote ng vitamilk. Kararating lang nilang kambal.
"Hindi ka pa ba nakakamove on sa July na iyon? Hayy naku girl! Marami pa naman boylet diyan eh!" puna naman ni Elli na inaabot sa 'kin ang isang siopao. Kinuha ko ito at nilamon.
"Huwag ka nga diyan kambal! Alam mo namang first love niya si July eh. Ang masama pa niyan, noong umalis tayo sa Santa Catalina eh hindi man lang nagpakita sa kanya para mag-say byebye. Ehdi hurt ang beauty niya,! pang-aasar ni Tofee saka humalakhak kaya tiningnan ko siya ng masama.
Hindi naman talaga iyon ang issue ko eh. Paano ba naman kasi, ayaw nina mommy na pumayag na umalis ako sa dorm. Eh ayoko do'n. Ayoko nang maulit pa ang nangyari sa Santa Catalina.
"Who knows, baka nga multo rin iyong July na iyon 'no! Hindi nga natin nakita eh," dagdag ni Ella.
Multo? Si July? Nahhh. Imposible! Ang gwapo niya naman para maging multo. "Kilabutan nga kayo sa mga sinasabi niyo! Tigilan niyo nga ako! Isa pa, hindi multo si July. Busy lang iyon sa buhay!" pagtatanggol ko sa lalaking minamahal ko.
Tumahimik silang tatlo pero kitang-kita ko sa mga mata nila ang pang-aasar. Hindi ko na lamang sila pinansin, sa halip ay nilantakan ko na lamang ang siopao ko.
"Nasaan nga pala si Mariebells?" Napahinto ako sa pagkain at napalingon kay Ella. 'Yun nga rin ang gusto kong itanong kanina ngunit masiyado akong natakam sa kinakain ko kaya nawala sa utak ko.
"Hindi na siya nagdodorm 'di ba?" tanong ni Elli. Isa pa iyon! Naiinggit nga ako kasi naman umalis na siya sa dorm. Nagboboarding house na lamang siya.
"Nagboboarding house na siya. Gusto ko nga ring umalis sa dorm kaso hindi ako payagan ni mommy." Sumimangot ako. Nakakainis talaga si mommy eh.
"Sus! Maganda naman sa dorm ah! Bukod sa safe ka na, hindi mo na kailangang mamroblema sa kakainin mo," wala sa loob na sambit ni Ella.
Sabagay may point siya. Hindi ko na kailangan i-hassle ang buhay ko kapag nasa dorm ako although mahal but I can't say any single work ng pagrereklamo. Okay! Hindi na ako aalis sa dorm kahit na napaka-creppy.
"Lets go na girls, time na," aya ni Tofee sa 'min nang marinig ang bell ng school hudyat bilang pag-umpisa ng klase.
"Mauna na kayo, idadaan ko muna sa locker itong ilang gamit ko." Tumango naman sila at naglakad palayo sa 'kin. Ako naman ay naiwang inaayos ang mga libro. Aish! Kakaumpisa pa lang ng klase pero may mga dala-dala na akong mga libro. Buhay nga naman oh..
Nahirapan akong ipasok ang mga bitbit ko sa locker. Ano ba kasing nakain ko kanina at hinakot ko ito sa bookshelves ko sa kwarto ko sa dorm? Ako rin naghahassle sa buhay ko eh.
Inilapag ko sa sahig ang mga dala-dala ko saka kinapa ang susi sa bulsa ng uniform ko. Isa pa ito, first day of class kailangan nakauniform. Ano ba iyan!
Nang mabuksan ang locker ko ay isa-isa kong ipinasok ang mga libro ko. I was about to close to it when something fell on the floor. I frowned and get curious so I pick the piece of paper.
Miss me? basa ko sa pirasong papel? Nge? Bigla akong kinilabutan.
"Please huwag niyo na akong guluhin. Please tigilan niyo na ako," I keep on murmuring to myself. I'm still aware for being a clairvoyant. I thought everything will be fine but I'm wrong. Nagiging worse pa nga ngayin eh. Crap!
BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormalLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...