KELLY'S POV
Nakasuot siya ngayon ng kulay asul na t-shirt at naka-denims short. Bakit ang cool niya tingnan?
"Nakita ko yang mga tinging iyan noong una tayong magkita." Sabi niya nang hindi man lang lumalapit sa'kin.
Sinulyapan ko siya. Ngumiti lang siya sa'kin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nagpapaypay sa barbeque.
"Wala na ba akong karapatan para pumunta dito?" Pagbabalik niya ng tanong sa'kin.
"Hindi naman sa ganun kasi big-"
"Aalis na muna ako." Putol niya sa sasabihin ko.
Nilingon ko siya pero wala na siya sa kinatatayuan niua kanina sa halip ay nakita ko si Marie na papunta sa kinaroroonan ko.
"Oh? You look weird Kea." Wika ni Ella.
"Papasok na ako. Kayo na ang bahala dito." Sigaw ni lola at sumunod naman ang si ate Mia. Hindi talaga mawala sa isip ko tungkol sa panaginip ko sa kanya. Anong ibig sabihin nun?
"Bukas nga pala, maliligo tayo sa Lawa." Bulong sa'kin ni Kea.
"Bakit ka ba bumubulong?" Ani ko.
"Ssshhh.. sabi kasi nung isang katulong na minsan lang pumunta dito ay bawal raw pumunta sa luha kasi.." Pambibitin niya.
"Kasi..?" Tanong ko.
"Kasi.. haunted raw ang lawang iyon."
"Oh? Tapos pupunta pa tayo doon? Eh bawal pala." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagpapaluto ng barbeque. Kinuha ko ang ilang barbeque na luto na.
"Eh sabi-sabi lang daw iyon sabi ni Marie." Bulong pa niya.
Naglakad na kami papunta sa lamesa kung saan kompleto na ang hapunan namin. Sayang nga lang wala si Lola Ester.
"Kainan na!" Sigaw ni Tofer.
Aakmang susubo na ako ng makita kong may katabing batang lalaki si Tofer na nakatingin sa kanya. Ang matindi pa'y naglalaway ito na parang nagsusumamo na makatikim sa kinakain ni Tofer.
Ngeee? Multo ba yan? Saka naman may lumapit sa kanyang isang babae at piningot siya sa tenga habang kinakaladkad papunta sa kung saan at sabay na naglaho.
"Kea? Okay ka lang?" Tanong agad ni Marie sa'kin.
Tumango naman ako. Pinilit ko na lang na maging casual sa kanila. Wala silang kaalam-alam sa mga nakikita ko maliban kay Marie.
Sinubo ko na lang ang naantalang pagkain nang may naramdaman akong malamig na hangin sa likod ko. Hindi ko nalang ito pinansin sa halip ay nagpatuloy sa pagkain.
"Good night guys!" Sigaw ng kambal na humihikab.
"Remember bukas ha? Mas maaga mas maganda." Sabi naman ni Tofer.
"Good night guys!" Sabi ko sa kanila.
Isa-isa na silang nagsipasukan sa kani-kanilang mga kwarto. Kasama ko sa kwarto si Marie, dapat kasi dun ako sa kambal pero nagrequest si Marie na dun na lang sa kwarto niya.
"Hindi ka pa ba papasok?" Naghihikab na tanong ni Marie sa'kin.
Umiling ako. "Hindi pa ako inaantok. Doon na muna ako sa veranda." Sabi ko.
"Sigurado ka? Baka kasi kung ano na naman yang makita mo." Nag-aalalang tanong niya sa'kin.
"Don't worry. Sanay na rin ako sa ganyan."
"Sanay pero natatakot ka pa rin." Aniyang papasok sa kwarto.
"I'll sleep na Kea ha? Antok na ako." Saka naglakad papuntang kama.
![](https://img.wattpad.com/cover/37695198-288-k302140.jpg)
BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormalLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...