Chapter 12 (Unedited)

52 5 1
                                    

KELLY'S POV

"Bakit? Anong nangyari kay Lola Ester?" nagtatakang tanong ko bago pumasok sa kwarto kung nasaan kami si Lola Ester kasama ang nurse nitong si Ate Mia.

"Kellay, anong nangyari sa kaibigan mo?" tanong ni Lola Ester.

"I'll call you later Marie, andito kasi si Lola Ester," ani ko sa kabilang linya. Nasa tenga ko pa rin ang cellphone.

"No Kellay, you have to lis-"

"Talk to you later, bye!" sabi ko saka ibinaba ang cellphone. Humarap ako kay Lola Ester saka ngumiti. "Nalipasan lang po ng gutom lola. Sina Marie po nasa ospital. Inataki kasi ng hika si Elli," pagsisinungaling ko. Ayokong matakot din sila kapag sinabi ko ang totoo.

Naramdaman ko ang paghawak ng malamig na kamay ni Tofer sa 'kin. Nilingon ko siyang namumutla. Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Lola Ester na parang walang emosyon.

"Kellay..." sambit ni Faith na waring natatakot. Oh! That was cool. Natatakot din pala ang mga multo. Awesome!

"Maiwan na muna kita iha, ikaw na ang bahala sa kaibigan mo," ani Lola Ester. Agad naman siyang inalalayan ni ate Mia.

"Kellay, natatakot na ako dito," bulong ni Tofer sa 'kin ng makalabas sina lola Ester. Gusto ko ring sabihin na kahit ako mismo natatakot na rin.

"Ikukuha muna kita ng maiinom. Dito ka lang." Akma akong tatayo nang hinawakan ako ni Tofer. He's asking not to leave. "Tofee, babalik ako agad, okay? Just stay here. Nothing's gonna happen to you," I assured him. Hindi na ako nagpapigil pa at lumabas na ng kwarto.

Halos mapasigaw ako ng bumungad sa harapan ko si July. Shit! Basta na lang kasi sumusulpot. Nasapo ko na lamang ang aking dibdib.

"Ano ka ba naman July. Tigilan mo nga yang panggugulat mo!" bulyaw ko. Nakakainis na kasi eh, mabuti na lang hindi ako tulad ng kambal na masakitin.

"I have to tell you something," bulong niya. Oh ghad! Ang husky ng boses niya. Para akong kinukuryente ngunit napakaseryoso.

Napakunot ako ng noo. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko. A text from Marie.

I am ready to read the message nang bigla akong ginulat ni Faith dahilan para mabitawan ko ang hawak kong cellphone. "Ano ba naman Faith! Huwag mo nga akong ginugulat." Napailing-iling na lamang ako habang pinupulot ang cellphone.

"Sinong Faith?" nagtatakang tanong ni July.

Oh my Ghost! Anong sasabihin ko?

3RD PERSON'S POV

Nanatiling nakahiga si Tofer sa kama, pinilit niyang huwag matakot kahit na nahahagip ng mga mata niya ang kaluluwang nakatingin sa kanya. "Our Father who are in heaven..." bulong niya sa sarili. Hindi mapapantayan ang takot na nararamdaman nito.

"Holy be your name, your kingdom come your will be done on earth as it is in heaven..." nanatili siyang nagdadasal habang ang mga nakikita niyang kaluluwa ay lumalapit na sa kanya.

Ipinikit nito ang mga mata habang nagdadasal, sa isip-isip nito ay ayaw pa niyang mamatay dahil sa takot. Paulit-ulit din siyang nagsa-sign of the cross.

"Give us this day our daily bread and forgive us our--Aaaaahhhhh!" tili niya nang hawakan ng isang kaluluwa ang paa niya. Natataranta siya, natatakot. Hindi malaman anong gagawin.

Tumakbo siya at humalikipkip sa isang sulok at patuloy na sumisigaw.

Nasaan ka na ba Kellay! laman ng isipan niya.

Inilibot ni Tofer ang mga mata niya at nakitang parami nang parami ang mga multong papalapit sa kanya. Wala siyang magawa kundi magdasal nang magdasal. Ipinikit nito ang mga mata.

Maya-maya'y biglang tumahimik. Pinakiramdaman niya ang nasa paligid habang nakapikit. Nanlalamig ang mga kamay nitong nakahawak sa isang unan na yakap-yakap niya.

Nang maramdamang walang kahit na anong presensya sa paligid ay unti-unti nitong iminulat ang mga mata at walang nakita na kahit ano. Nilingon niya ang bawat sulok ng kwarto at nakahinga ng maluwag nang walang makita.

Tatayo na sana siya para lumabas ng biglang...

"Hustisya..." bulong sa kanya sa kaliwang tenga niya dahilan para mapatili siya ng pagkalakas-lakas sa sobrang takot.

~~~

"Si Tofer!" sigaw ni Kellay at nagmadaling tumakbo papunta sa kwarto kung saan niya iniwanan ang kaibigan. Natatakot siya para sa sapitin nito.

"Sandali lang Kellay!" tawag sa kanya ni July pero hindi niya na ito nilingon pa.

Nang makarating sa tapat ng kwarto ay agad nitong pinihit ang seradura at tumambad sa kanya si Tofer na napapalibutan ng mga multo. Tumakbo siya sa kinaroroonan ng kaibigan sabay wasiwas sa mga nakapalibot dito.

"Lubayan niyo ang kaibigan ko!" matapang na sigaw ni Kellay. Lumapit siya agad kay Tofer at inalalayang makatayo. "You have to hurry, aalis tayo dito," bulong nito.

"Kellay, natatakot ako." Mangiyak-ngiyak na si Tofer. Hindi niya alam anong gagawin.

"Ssshhh... lalabas tayo rito ngayon din," sagot naman ni Kellay na pilit na pinapatayo si Tofer.

Nang makatayo ay nakita naman niya ang mga kaluluwa. Lumakas ang tibok ng puso nito dahil sa takot. Pareho lang sila ni Tofer na takot na takot.

Naglakad sila palabas. Nasa pintuan na sila nang biglang sumara ng malakas ang pinto. Tumingin si Kellay sa likod at nakita ang mga multong papalapit na sa kanila.

"Faith! July! Buksan niyo ang pinto!" katok niya sa pintuan habang nakatingin sa likuran. Patuloy lang siya sa pagkalabog ng pinto pero walang bumubukas. "Shit!" ani niya sa sarili.

They have no choice but to face those ghost. Sa isip ni Kellay ay hindi naman sila sasaktan nito. "What do you want?!" matapang na tanong niya sa kanila.

"Sabihin niyo ano ang gusto niyo!" nagtatapang-tapangan na lamang siya kahit na ang totoo'y takot na takot na siya.

"Kailangan namin ng hustisya..." walang emosyong sabi ng isang multo. Lahat sila ay nakatingin lamang sa kanilang dalawa ni Tofer.

Hustisya? tanong nito sa sarili. Napakunot siya ng noo. Naguguluhan siya. Hindi malaman paano mabibigyan ng hustisya ng mga multong ito!

Pareho silang nakatunganga ni Tofee nang biglang bumukas ang pinto at sabay silang napalingon kasabay naman ng paglaho ng mga kaluluwang gumambala sa kanila. Nakahinga sila ng maluwag.

"Anong hustisya ang tinutukoy nila Kellay?" wala sa loob na tanong ni Tofer na hindi pa rin humuhupa ang takot.

Umiling si Kellay, kahit na siya mismo ay hindi alam ang tinutukoy nilang hustisya. May mga katanungang namumuo sa kanyang isipan.

Magtatanong pa sanang muli si Tofer nang may marinig silang yapak ng mga paa palapit sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa bago nilingon ang pintuan. Parehong hinahanda ang sarili.

Nakatuon lang amg kanilang paningin sa pinto hanggang sa....

"Aaaaahhhhhh!" magkasabay nilang sigaw.

~~~~




Thank you for reading.

Votes and Comments

Enjoy ❤

Oh my GHOST![on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon