Chapter 9 (Unedited)

53 7 0
                                    

KELLY'S POV


Maaga akong nagising, nabungaran ko si Lola Ester na nagbabasa ng newspaper sa sala. Nasa tabi niya lang si Ate Mia.

"Good morning lola, good morning ate Mia." I greeted them parang wala silang narinig. I sighed. Nakalimutan ko, mahina pala pandinig ni Lola pero pati rin ba si Ate Mia nabibingi? I sighed again.

Hindi na ako lumapit pa sa kanila, parang busy ata si lola sa pagbabasa while si Ate Mia may malalim na iniisip. Weird huh!

Dumiretso ako sa likod ng bahay. Sa kusina na ako dumaan, maaga akong nagising today dahil I want to make pawis sa self ko. Medyo nadedevelop na kasi ang mga baby fats ko.

"Good morning!" Halos talunin ko ang hagdan palabas ng bahay nang marinig ang boses na yun.

And there! I saw an angel who will make my day complete. He is wearing a plain white t-shirt at maong short na hanggang tuhod with matching slippers. He is really cool. Ang gwapo niya. He is smiling at me. My ghad! Para na akong gaga sa pagpapantasiya ng kagwapuhan niya.

"Good morning." I smiled back.

"Saan ka pupunta? Ang aga mo namang magising." Sabi niya.

"Gusto ko lang magpainit. They said kasi may vitamins ka raw na makukuha kapag nalalanghap mo ang init early in the morning." Sabi ko habang naglalakad.

Maganda ang ambiance dito sa likod bahay. Kitang-kita ang nagtatayugang mga puno ng mangga.

"Halika." Hinila niya ako sa kung saan man at nagpatianod na lang ako dahil parang nakukuryente ako sa hawak niya. Parang nagiging slow motion ang lahat. Nge? Naalala ko, ang sabi ni Ella, kapag mafeel mo ang pagslow motion ng paligid, at para kang nakukuryente, pag-ibig daw yun. So posible kayang I'm inlove? Umiling iling ako.

"Okay ka lang?" Ngayon ko lang napansin na nakahinto na pala kami. Nasa talahiban kami ngayon, kung saan niya ako dinala nung nakaraang gabi.

"What are we doing here?" Agad kong tanong sa kanya.

Pinagmasdan ko ang paligid. Mas maganda pala ito kapag umaga. Biglang umihip ang hangin. Naramdaman ko ang malamig na hanging humahaplos sa balat ko.

"Maganda dito. Nakakapagrelax." Aniya.

"Yeah!" Sang-ayon ko. Yeah, its true. Nakakapagrelax nga dito.

"Mahigit isang linggo na kayong namamalagi dito a." Aniya. Bumaling ako sa kanya.

"Kailan kayo aalis?" Tanong niya.

"Matagal pa. Siguro next month." Ani ko.

"Makakasama pa pala kita ng matagal." Bulong niya pero hindi ko masiyadong naintindihan.

"Anong sabi mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala. Ang sabi ko, maganda ang sikat araw. Halika. Maganda sa lawa ngayon." Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang salitang lake. Kinilabutan tuloy ako.

Naalala ko ang tungkol sa panaginip ko nung isang gabi. Yung nasa Lake at there are hundreds of souls na nandun sa ilalim ng lawa.

"Bakit Kea?" Tumingin ako sa kanya.

"Ayokong pumunta sa lawa. Natatakot ako dun." Niyakap ko ang sarili ko.

"Nakita ko kayong pumunta sa lawa nung nakaraang araw." Aniya.

"Bakit hindi ka lumapit?"

"Ayoko kayong gambalain sa kasiyahan niyong magkakaibigan." Paliwanag niya.

"Sana lumapit ka para napakilala kita sa mga kaibigan ko." Mahinang sambit ko.

"Bakit mo naman ako ipapakilala?" Nakangiting tanong niya.

Oh my GHOST![on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon