Chapter 28

10.5K 430 228
                                    

Aviel

Nakarating na kami sa bahay namin. Nagunat pa ako ng braso ko dahil nakatulog ako sa haba ng biyahe. Karga ko si Rayne dahil ayaw pang bumaba kasi nahihiya daw siya, kaya eto nakasiksik ang mukha sa leeg ko at ang higpit ng yakap.

"Mommy!!" Napalingon ako sa boses na yon. Tumakbo ito palapit kay Calista at niyakap ito. Napatingin ako sa mukha nito at may pagkahawig kami, siya kaya ang anak namin?

Lumingon naman agad ang batang babae at nanlaki ang mga mata sabagy takbo palapit din sakin pero napahinto ito ng mapansing may karga akong bata.

"Hey pasok muna tayo" Aya ni Calista. Habang naglalakad kami pasulyap-sulyap sakin ang bata. Ang mga gamit namin ay nasa mga tauhan niya.

Pagpasok namin ay nandoon ang pamilya niya. Kumpleto sila at may kasamang apat na matanda.

"I thought magtatagal ka pa doon" Sabi ni Mommy Cel na nakalapit na pala samin at niyakap kami. Naramdaman ko namang humigpit ang yakap sakin ni Rayne nang yumakap sakin si Mommy.

"D-dada u-uwi na t-tayo, phlish" Bulong sakin ng anak ko.

"No Mom, buti at nagkita agad kami... And kasama niya pala ang anak niya si Rayne" Nagulat naman ang apat na matanda at ang papa ni Calista.

"What?!!" Nagulat ako sa pagsigaw ng matandang lalaki. Galit itong tumingin sakin kaya napaatras ako sa takot. Naramdaman siguro ni Calista na natakot kaya hinawakan niya ang kamay ko.

Magsasalita pa sana sila ng umiiyak ng malakas ang si Rayne. Nag-alala naman agad ako kaya tiningnan ko ito.

"Anak, bakit ka naiyak? Tell to Dada" Hindi ito sumagot pero nanginginig ito marahil natakot siya sa pagsigaw ng matanda.

"Aray!! Corazon masakit!!"

"Natakot tuloy ang bata dahil sayo! Bwisit ka!" Nakita kong hinahampas ng matandang babae ang lalaki.

"Tara na muna sa room, let's go Saf. Mom, Dada sa taas muna kami" Tumango naman ito at pumunta na kami sa taas. Umiiyak pa rin si Rayne.

"I'm sorry about kanina, nabigla lang si Lolo Arvi dahil ang alam niya isa lang apo niya sakin" Napatangon naman ako. Ibababa ko sana si Rayne kaso lalong humigpit ang yakap nito sakin.

"Hey baby Rayne, it's okay, baba ka muna nangangalay na si Dada oh" Sabi ni Calista kaya lumuwag na ang kapit nito at naiupo ko na sa kama. Habang inaayos ko ang damit ni Rayne may yumakap sakin sa bewang kaya napatingin ako dito.

"She's our daughter, Saffron Vail is her name" Tama nga ako, anak nga namin siya.

"Dada" Nakalabi nitong tawag. Sa sobrang saya niyakap ko agad ito at hinalik-halikan ang mukha nito na ikinatawa niya. Pinaupo ko ito sa lap at humarap kay Rayne na nakatingin lang sa anak ko.

"Rayne Malari this is your Ate Saffron Vail, your sister" Pakilala ko sa kanya.

"Hi, I'm Saffron but call me Saff" Masayang sabi ni Saf. Nahiya naman si Rayne kaya nagtago ito sa likod ni Calista. Close agad silang dalawa kahit ilang araw pa lang sila magkasama.

Napatawa naman kami ni Calista. Binuhat naman niya si Rayne at umupo sa tabi ko.

"She is your Ate Saff and simula ngayon dito na kayo titira ng Dada mo dahil mag-asawa kami" Sabi ni Calista kaya tumingin naman si Rayne kay Saff.

"A-ate Saff" Nahihiyang sabi nito.

"Your so beautiful Rayne" Napatingin naman agad ako kay Saff na nagniningning ang mga mata na nakatingin kay Rayne. Parang iba ang tingin niya katulad ng kay Calista everytime na nilalandi niya ako.

Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon