Aviel
"Hoy Aki! Tulala ka na naman" Lantang tumingin ako kay Sweet.
"Pinagod ata ng asawa hahaha" Napanguso ako sa sinabe ni Mayi. Paano niya nalaman?
"Mag-eexpect ulit kami ng baby number 3 nyan, maybe tomorrow or next day" Ngising sabi ni Ke.
Simula nang umuwi kami dito sa City walang araw o gabi kaming hindi nagtatalik ni Calista, wala siyang awa sakin. Hanggang ngayon inaantok pa rin ako kase kaninang madaling-araw nagsimula na naman siya kaya eto sobrang lanta.
Nakilala ko na rin ang mga kaibigan ko dahil pumunta sila sa bahay kahapon. May kanya-kanyang pamilya na sila kaya wala silang masyadong alam sa nangyayari sakin.
"How's Ayrin?" Oo nga pala, isang buwan na akong nandito. Naalala kopa nung bago ako umalis, umiiyak ito at nagmamakaawa na wag ko siyang iwan buti na lang hinawakan siya ng magulang niya kaya nakaalis ako.
"Pumunta silang ibang bansa dahil alam nila na hahanapin ako ni Ayrin" Sabi ko. Nakausap ko parents ni Ayrin, balak pala nitong sundan ako dito at kunin ulit kaya nagdesisyon sila na umalis ng Pilipinas.
"How to be you po?" Pang-aasar sakin ni Cass. Palagi nila akong inaasar dahil marami daw babaeng nagkakagusto sakin lalo na obsessed.
"Ano ba pinakain mo sa asawa mo't patay na patay sayo?" Wala naman hehehe.
"Ewan"
"Hayyss una si Ayrin, Emily, Calista, Chandria, tapos Amara. Iba ka, ang gaganda ng mga 'yon na pinag-aagawan ka hahaha kaso si Emily asawa na ng kaibigan natin" Napatingin kami kay Sweet na namumula na.
"B--bakit ba?"
"Siguro ginayuma mo si Emily dahil nung nawala si Aki sayo naman siya nabaliw" Nanlaki naman ang mata si Sweet sa sinabi ni Ke habang kami ay natawa.
"Hoy!! Grabe ka!! Hindi no, sa cute kong 'to manggagayuma pa ako hah" Confident nitong sabi. Sabagay totoo naman cute naman siya.
"Kamusta na pala kayo ni Chandria? Cass" Nag-iwas agad ito ng tingin samin.
Si Cass naman ang kinababaliwan ni Chandria dahil naka-one nightstand niya ito. Lalo't na first pa 'yon ni Chandria kaya ayun nabaliw sa kanya. Hanggang sa naikasal ang dalawa dahil nagsumbong si Chandria sa Papa niya na ayaw siyang panagutan ni Cass. Hahaha kawawa naman.
"Palagi nga akong ginagahasa, sobrang manyak" Sus kunwari pa ehh kasal naman sila kaya walang problema.
"Oo nga pala Aki, posible pa bang bumalik ang alala mo?" Umiiling ako dito.
"Sabi ng Doctor kung maaga daw natingnan ang ulo posibleng makaalala pa ako, pero hindi ako nagpatingin sa Doctor ehh kaya impossible na" Nalungkot naman sila dahil doon.
"Hayaan mona, gagawa ulit tayo ng masasayang memories na magkakaibigan" Nakangiting sinag-ayunan namin 'yon.
Nagkwentuhan pa kami habang nakain dito sa Mcdo kase puno sa paborito kong kainan. Marami silang kinwento sakin lahat ng past memories namin. Pagkatapos ay umuwi na kami dahil pinapa-uwi na kami ng mga asawa namin.
My wifey:
Come to my office now. I love you.Me:
Okie. I love you too.Pagkarating ko sa kompanya niya nilapitan agad ako ng secretary niya.
"Ma'am pwede bang puntahan niyo agad asawa mo, kasi nagnawawala po sa office niya" Kahit kinakabahan tumuloy ako.
Lumunok muna ako bago kumatok at binuksan ang pinto. Pagbukas ko pa lang ng pinto agad nang may tumama na unan sa mukha ko buti unan lang. Hahagisan pa sana ako nito ng laptop niya ng agad ko ng pinigilan.
![](https://img.wattpad.com/cover/303041332-288-k853633.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil's Obsession
RomanceCalista Mavine Lawson and Aviel Keith Acosta story. (Obsessive series#1)