Keith
Buong klase akong tulala at walang focus sa pinagaaralan dahil sa babaeng yun. Napakaganda niya alam ko naman na maraming magaganda dito pero iba siya, kulang pa yata ang salitang sobrang ganda sa kanya. Kaso mukhang masungit pero pwede na rin crush lang naman haha. Ano kaya panga-
"Arayyy" daing ko habang sapo ang ilong kong namumula yata. Bwisit na ito hindi na nga katangusan ilong ko pipitikin pa.
"Kanina pa kasi kita inaaya sa canteen ayaw mo kong pansinin kaya pinagtripan ko yang cute mong ilong" Maarteng sambit ni Mayi. Porket lang matangos ang kanya ginaganto niya ilong ko.
"Busog ako, punta lang akong library" pagsisinungaling ko. Dahil sa totoo lang gutom na gutom na ako. Hindi kase ako masyadong nakakain kaninang umaga dahil hindi ako komportable sa titig ni Ate Ayrin.
"Magtigil ka, hindi ka naman nabubusog sa library atsaka alam kong matutulog ka lang doon. Feeling matalino ka" Napanguso ako sa panlalait niya. Pero totoo naman mga sinabi niya
"Libre kitang tubig you want??" Dagdag niya. Kuripot talaga.
"Joke lang, halika ka na daliii" Sabay hila sakin sa canteen at ng makabili kumain na agad kami.
Apat lang kaibigan ko dito sa school ayaw kong maraming kaibigan, hindi naman kase ako mahilig makipagcommunicate sa iba. Si Daisuke Crisostomo criminology student, half japaneses half pilipino, mabait naman yan kapag may pagkain ka. Si Mayi Villeza tourism student, siya palagi ang nanglilibre sakin kapag umayaw ako hindi ako papansin for 1 week with irap kapag nagkakatinginan pa. Sunod si Sweet Turquiza Educ student mukhang tahimik pero mukha lang at ang panghuli si Cassandra David engineer student, mukhang masungit pero defense mechanism lang niya yun dahil pagtitripan ka lang niya.
Sila ang tumulong sakin na magpatuloy sa pag aaral dahil mayayaman sila. Minsan tinanong ko sila bakit nila ako gustong maging kaibigan, ang sagot lang nila dahil mukha naman daw akong mapagkakatiwalaan.
"Mga flat nakita niyo ba yung babae kanina?? Sobrang ganda niya. I think I'm inlove" kumikinang pa nga mata nyang sambit. Tsk sawang sawa na kaming marinig yang I think I'm inlove niya. Sa 20 exes niya yan palagi bukang bibig niya.
"Ayy oo kanina hapòn nakita ko nga, tingin ko nga nabaliko ako ng 30 seconds hahaha" kinikilig na sambit ni Mayi with hampas sakin. Sakit ha.
Patuloy lang silang nag uusap tungkol doon. Habang ako inaantay ang dalawa para makaalis na ako dito.
Patuloy lang sa pagkain ng biglang nagtitilian ang mga students dito pati ang dalawang kong kaibigan, kaya napatingin ako sa likod ko.
"Shiitt ang ganda talaga niya"
"Ano pong sabon niyo Miss"
"May boyfriend kana po ba?"
Rinig kong mga sigaw ng mga students dito. Pagkita ko sa babae parang siya yung nakabungguan ko kanina. Parang ginawa niyang runaway model itong canteen dahil sa sobrang ganda ang tangkad din nito, tingin ko 5'9 or 5'8 siya samantalang ako 5'4. Napansin ko na parang may hinahanap siya nang magtama ang mga mata namin doon lang siya ngumit pero parang iba ang ngiti niya at naglakad papunta sa amin.
Nagslow motion ata ang patingin ko sa kanya dahil habang lumalakad siya at papalapit sa pwesto namin kitang kita ko ang pagsway ng balakang at buhok niya higit sa lahat ang dibdib niya. Parang nauuhaw ako. Habang busy ako sa pagpantasya sa dibdib niya diko napansin na nakalapit na siya kaya tinigil ko na baka pagsabihan pa akong manyak.
"There you are, Aviel Keith Banzon right?" Tanong niya.
"Ahh o-opo ako nga po" Nahihiyang sagot ko. Kase naman nakakakaba yung titig niya.
"Dean wants to talk to you in his office now" Paotoridad niyang sambit.
"S-sige po ahm p-punta na p-po ako" May ginawa ba akong labag sa school. Nakakakaba masungit pa naman yung Dean dito.
Akala ko aalis na siya pagkatapos pero nandito pa rin siya at parang may inaantay. Ako kaya inaantay niya sa ganda niyang yan aantayin ako??
"Ahm m-may kailangan p-pa po ba kayo Miss?"
"Calista Mavine Vergara, that my name" pagpapakilala niya.
"And to your answer your question, I'm still waiting you to come in his office with me" mataray niyang sambit. Kaya bago pa ako masungitan sumunod na ako sa kanya.
Bakit pa kailangan siyang kasama? Asisstant ba siya ng Dean? Or anak? Pero impossibleng asisstant siya kase sobrang ganda niya. Hala baka girlfriend siya ni Dean, sayang naman.
Type mo?? Oo este hindi
Nandito na kami ngayon sa harap ng office papasok na sana ako ng hawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kanya. Sobrang lapit ng mukha niya at nararamdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso kaya napahawak ako dito, hindi naman ako umiinom ng kape.
Nang mapatingin ako sa mukha niya unang kong tinitigan ang brown niyang mata pababa sa matangos niyang ilong Sana all hanggang sa napatitig ako sa labi niyang mapupula na parang ang sarap panggigilan. Habang napatitig ako sa labi niya biglang itong ngumiti?? Pero diba kapag ngiti buong labi ang nacurve?? Yung kaseng sa kanya isang side lang.
Ehh creepy
"Stop doing that Baby, if you're not I will take you to my home and start to eating your lips or your whole mouth" pang aakit niyang sambit. Wala sa sariling napatakip ako ng bibig at dali daling pumasok na sa office.
Shiit ano yun??
![](https://img.wattpad.com/cover/303041332-288-k853633.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil's Obsession
RomanceCalista Mavine Lawson and Aviel Keith Acosta story. (Obsessive series#1)