Aviel
"Hala sino siya?"
"Ang gwapo bii!"
"Transferee ba siya? Ano kaya name niya?"
"Gaga babae yan!"
"Kahit na! Gwapong babae ahh!!! Buntis--hmm ano ba bakla"
"Yang bunganga mo ang baho"
Yan ang naririnig ko kanina pa simula nang pagpasok ko. Naiilang na rin ako dahil hindi ako sanay na maraming tumitingin sakin. Kaya tumungo na lang ako at mabilis na naglakad sa room.
Pumasok na agad ako sa room at umupo pero naririnig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Tumingin ako saglit sa kanila pero kinindatan ako ng iba mostly babae. Kinilabutan ako bigla kaya dumukdok na lang ako.
"Hoy Aki kilala mo ba yung gwapong babaeng transferee daw?" Si Mayi ata ito. Tumingin ako sa kanya pero napatulala na lang siya.
Pinitik ko ang noo nito kaya napasigaw ito bigla. Nang matauhan tumabi siya sakin ng upo at tiningnan ang buong mukha ko maya-maya ay napatapik pa siya ng bibig.
"Oh my gosh Aki?! Ikaw ba yan?! Putek ang pogi mo!" Napatakip ako ng tenga sa lakas ng boses niya. Niyugyog pa niya ang balikat ko.
"Ano ba Mayi! Nahihilo ako!"
"Kasi naman nagiging pogi kana. Ganyan ba ang epekto ng isang Calista Mavine Ver--este Lawson Banzon yiiee" Sinusundot pa nito ang tagiliran ko.
"Pero Aki may transferee daw talaga, babae napakaganda shit!! Kinikilig ako" Oookkkaayy.
"Pero parang type ka ehh" Huh?
"Kasi kanina nasa Registrar ako tapos tinanong niya kung may kilala akong Keith Banzon napatango ako kase nadala ako sa ganda niya bii" Todo ngiti pa siya habang nagsasalita.
"Kung gusto mo siyang makita nasa Tourism buliding siya" Hindi naman ako interesado.
"Ayoko"
"Ayy oo nga pala masama magalit asawa mo pero kung gusto mo siyang punt--Ouch!! Ba't kaba nanapok ka tamis!"
"Tinuturuan mo pa yang mangabit gusto mong matikman ang sabunot ng asawa niya?" Napasimangot siya dahil don. Napatawa na lang kami sa kanya.
Dumating na din sila Cass sa room ko at tinanong kung bakit ako nagpagupit, ikinuwento ko na lang sa kanila lahat.
"Pero Mayi ano name nung transfer na girl?"
"Cha--oopss nanjan na teacher niyo byee"
Dumating na pala teacher namin kaya umalis na sila at nagsimula na ang klase. Nasa kalagitnaan kami ng klase nang may kumatok sa pintuan namin.
"Good morning Ma'am, sorry for interrupt but Dean wants to talk Aviel Keith Banzon" Napatingin naman ako dun.
"Miss Banzon" Tawag sakin ng teacher ko. Tumayo na ako nagpaalam na. Nang makalabas ako napansin kong hindi pa lumalakad yung babaeng tumawag sakin kaya tinignan ko ito.
"Miss, ayos ka lang?" Tanong ko dito.
"She have a deep voice" Bulong niya na hindi ko masyado naintindihan.
"I mean let's go" Tumango lang ako at sumunod na kanya. Habang naglalakad kami tumunog ang phone ko, kinuha at tinignan kung sino.
Ate Amara:
Keith can you come here at my house?
Me:
Bakit po?
Ate Amara:
I'm sick ehh wala rito sila manang kaya wala akong kasama dito, please Keith.
BINABASA MO ANG
Devil's Obsession
RomanceCalista Mavine Lawson and Aviel Keith Acosta story. (Obsessive series#1)
