Chapter 14

20.1K 546 235
                                        

Aviel

"Aray!! Bakit ka ba nambabatok?" Ang sakit kaya niya mambatok lalo na't volleyball player siya.

"Ang talino mo pagdating sa chemistry pero pagdating sa nararamdaman mo hindi mo alam!! Seriously?!!" Singhal sakin ni Cass.

Pagkadating ko sa classroom siya agad ang kinausap ko dahil matino itong kausap. Magsasalita na sana siya ng dumating na ang iba kong kaklass kasunod ang teacher namin kaya umalis na si Cass at nagsimula na kaming magklase.

*Ring bell*

Recess na yey!! Lumabas na agad ako ng room at hinanap na ang mga kaibigan ko.

"Pangs dito!" Napatingin agad ako sa tumawag sakin. Grabe sila porket maliit ilong ko pangs ang tawag sakin.

Bumili na ako ng kanin at fried chicken pagkatapos ay pumunta na ako sa kanila.

"Pangs magsabi ka nga ng totoo. Ano meron sa inyo ni Miss Vergara" Agad na tanong ni Mayi na sinang-ayunan ng tatlo.

"W-wala" Wala naman talagang kami diba?

"Teka pangs. Hickey ba yang nasa leeg mo?" Sabat ni Ke.

"Hala shitt ka pangs. Sino nakasex mo ha!! At talagang inunahan pa niya ako!" Nagulat naman ako sa sinabing iyon si sweet.

Tinakpan ko na agad ang leeg ko para tumigil na sila pero hindi iyon ang nangyari dahil lalo pa nila akong inasar. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Hi keith"

Napatingin naman ako sa tumwag sakin. Si Emily pala. Isa siyang miyembro ng cheerleader at siya rin ang pinakamaganda kaya ginawa itong muse ng school at hindi naman ako tatanggi doon dahil talagang maganda siya.

"M-miss Emily may kailangan p-po kayo?" Tanong ko agad. First time kasi nitong tinawag ako. Isa kasi akong nobody dito sa school.

"Ahm I just want to invite you in my house. Is it okay with you?" Nakangiting tanong niya pero bakit parang iba ang ngiti niya. Pero teka iniimbitahan niya ako sa bahay nila para saan?

"B-bakit po?" Kaya ako nangongopo dahil 3rd year college na siya. Isa siyang tourism student na bagay sa kanya.

"I wanna give you something ehh and nasa house ko iyon. I will fetch later in 5pm. Bye" Aangal na sana kaso umalis na siya. Nagitla ako ng marakarinig ng tilian at napatingin ako doon. Mga kaibigan ko pala.

"Grabe ka pangs. Ano ba meron sayo at ang daming nagkakagusto sayo" Hindi iyon patanong. Pero sakin nagkakagusto? Sa itsura kong ito magugustuhan nila? Napatawa na lang ako.

"Hindi ka naman maganda at sexy pero puro magaganda, sexy at mayaman ang mismong lumalapit sayo" Sabat naman ni Ke. Grabe sila makalait.

"I agree. Una si Ate Amara sunod sila Ate Ayrin, Miss Calista at iyan si Emily baka may susunod pa" Natatawang sambit ni Mayi.

Napailing na lang ako ag kumain na lang. Nang matapos ay pumunta na ako sa library dahil may assignment ako sa chemistry.

Naglalakad na ako sa hallway nang may pumatid sakin kaya napasubsob ako. Napauntog pa ang noo ko sa semento sobrang sakit non. Nakarinig ako ng mga tawanan. Kahit nahihilo ay tumayo pa rin ako at tiningnan ang may gawa.

Sila Gilbert pala. Palagi niya akong binubully dahil sakin niya sinisisi na kaya siya hiniwalayan ng girlfriend niya. Umamin sakin ang ex-girlfriend niya after nilang maghiwalay. Galit na galit siya sakin kaya palagi niya akong binubully. About naman sa ex niya si Rissa sinabi ko sa kanya na kaibigan lang turing ko sa kanya. Nagmakaawa pa siya sakin na maging girlfriend ko siya pero ayaw ko namang pilitin ang sarili ko.

Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon