Chapter 11

16.6K 541 74
                                    

Aviel

Isang linggo na akong nakatira sa bahay niya pero palagi niya sa aking sinasabi na "bahay namin" yon. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso hindi dahil sa takot kundi sa komportable ako sa kanya.

Sa isang linggo na 'yun ay naulit ng maraming beses ang nangyayari samin. Naawa na nga ako minsan sa kanya dahil paika-ikaw siyang maglakad. Pumapasok parin siya sa trabaho niya. Palagi niya rin akong hinahatid at sinusundo sa school kaya puro pang-aasar ang nakukuha ko sa mga kaibigan ko.

"Hey keith"

Nagulat ako ng may tumawag sakin paglingon ko ay si Ate Amara. Crush ko siya simula nang nakita ko siya sa isang pageant dito, hinila lang ako ng mga kaibigan ko para manood ng pageant. 2 years ko na siyang gusto pero alam kong kapatid lang ang turing niya sa akin kaya tinatago ko na lang sa sarili ko ito.

"A-ate Amara k-kailan ka pa nakauwi?" Umalis kasi siya para pumunta sa U.K dahil nagkaproblema sa business nila doon.

Lumapit ito sakin at yumakap ng mahigpit na parang isang dekada kaming hindi nagkita pero sobrang saya ko dahil nandito siya.

"It's been a 6 months love. I miss you so much"

Hinahalik-halikan pa niya ang buong mukha ko kaya 'di ko mapigilang kiligin. Pero ang nararamdaman ko sa kanya hindi na tulad noon na gustong-gusto ko siya kumbaga crush na lang.

"Let's eat lunch with your favorite Jollibee" Lumiwanag ang mukha ko dahil doon. Paborito ko talaga ang kumain sa Jollibee alam na alam niya talaga.

Hindi na ako tumutol at sumama na ako. Uwian na rin naman sa school. Pauwi na sana ako at nagugutom ako buti na lang dumating si Ate Amara. Habang umoorder si Ate Amara may nararamdaman akong may sumusunod sakin kanina pa 'yun sa biyahe namin.

Sa pakiramdam na 'yon tumitingin-tingin ako sa paligid at may nakita akong pamilyar na tao. Nakaupo siya sa dulo sa may aircon sana all. Lalaki ito na bodyguard uniform na pinatungan lang ng black jacket. Ano pangalan niya? Siya kase yung kadalasang nagbabantay kay Calista pati na rin sakin minsan. Teka pinababantayan ba niya ako? Pero malay ko na talagang dito lang niya gustong kumain di ba.

"Hey love sino tinitingnan mo?" Nakanuot-nuo itong nakatingin sakin. Umiiling lang ako.

Umupo na siya sa harap ko at kasabay nun ay ang pagdating ng order niya at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang inorder niya. Napakarami nito kaya 'di ko makapaniwalang tiningnan siya.

"What? I know na all of this are your favorite and ang tagal ko kayang nawala so pambawi ko sayo" Nakangiting sabi niya sa akin.

"P-pero a--"

"Eat them love and kapag hindi mo naubos we can take out this"

Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Namiss kong kumain dito. Minsan na lang ako makakain dito dahil konti lang pera ko.

Nang natapos na kami tinake out na lang ni Ate lahat at iuuwi ko daw. Kaya pala marami ang inorder niya dahil napansin niyang pumayat ako. Sinermuhan pa niya ako dahil sinabi ko na nakakalimutan kong kumain at dahil don ihahatid niya ako, kokontrahin ko sana kaso ang sama na ng tingin niya.

Sinabi ko na lang sa kanya ang address, muntik ko ng maibigay ang sa apartment ko naalala ko lang yung babala sakin ni Calista kaya sa bahay niya yung sinabi kong address.

Umidlip na muna ako dahil konti lang naging tulog ko kaninang umaga dahil sa kaharutan ni Calista. Nagising ako ng madaling araw na inaangkin na niya ako at 'yun may nangyari ulit samin.

"Love we're here na" Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko.

"Napakaganda pala ng bahay mo, you didn't tell me na mayaman ka na pala" Napayuko na lang ako.

Lumabas na kami pareho sa kotse niya.

"H-hindi po s-sakin yan"

Magtatanong pa sana siya ng may nagsalita sa likod ko. Bigla akong nakaramdam agad ako ng takot.

"Who's with you baby?" Marahan lang pero ramdam ko ang diin ng salita niya.

Humarap na ako sa kanya at sobrang sama ng tingin niya sa akin lalo na sa kasama kong babae.

=====

Magiging threesom---este kontrabida kaya si Amara?

Hehehe behave muna tayo.

Happy 2.86k readers. Thank you all💜💜💜


Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon