Aviel/Mazi
Simula nang dumating dito si Miss Calista palagi ako nitong ginugulo na madalas nang-aakit. Tapos lagi niyang sinasabe na asawa niya ako at may anak kami. Aaminin kong may kakayahan akong makabuntis pero hindi ko talaga siya maalala.
Ang sabi sakin ni Ayrin naaksidente daw ako habang nagmamaneho tapos napuruhan ang utak ko kaya nawala ang memorya ko. Napansin ko din na may singsing ako sa kaliwang kamay ko at sabi niya wedding ring namin 'yon.
Wala akong maalala kaya pinaniwalaan ko ito at naging responsableng asawa kaso hindi ko ito mabigyan ng anak dahil sa tuwing mapupunta na sa ganoong pangyayari may biglang pumapasok sa isip ko na isang babae at nakakaramdam ako ng takot kahit wala itong sinasabi at wala ring mukha kaya palaging nauudlot.
Maganda, maalaga, matalino at maputi si Ayrin pero parang may kulang kase na hindi ko malaman. Sa tuwing tinatanong ko ito kung nasan ang magulang ko iniiba niya ang usapan.
Pero aaminin ko na may epekto ang pang-aakit sakin ni Miss Calista, nung hinalikan niya ako nakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko naramdaman kapag hinahalikan ako ni Ayrin. Parang may nagrarambulan sa tiyan ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. Hala ano 'yon.
Hindi kaya naging parte ng buhay ko si Miss Calista? Baka ex ko siya tapos may anak pala kami, impossible 'yon dahil taga-City siya. Isa pa napakaganda niya kaya.
"Hon, nakikinig kaba?" Napalingon ako kay Ayrin na kanina pa ata nagsasalita, kase naman nagugulo na isip ko dahil kay Calista.
"Sorry, ano ba yon?"
"I said mamaya, cancel all of your sched, okay?" Nagtataka man tumango ako.
"Bakit?"
"I...I just missed you, ilang araw kitang hindi nakasama" Hmm okay.
"Hon, gusto na ng apo nila Papa. Kailan ka ba magiging ready? Maraming beses mo na akong nire-reject, we always do a make-out. I want you hon" Hindi ko sa malaman na dahilan kinilabutan ako at hindi ako komportable sa sinabe niya.
Pero diba mag-asawa naman kami, normal lang siguro sa mag-asawa 'yon. Ilang beses ko na siyang tinatanggihan sa gusto niya. Sa tingin ko pwede ko na siyang pagbigyan.
Nabalik ako sa katinuan ng may naramdaman akong malambot sa labi ko na tinugunan ko naman. Naging malalim ang halik niya sakin na parang sabik na sabik siya, hindi ko siya masabayan dahil masyado nang mapusok at hindi na ako nakakahinga kaya humiwalay na ako.
"Don't forget later" Hinalikan ako nito saglit tsaka umalis. Nakahinga agad ako ng maluwag dahil doon.
Sa pagsasama namin minsan nakakaramdam ako na parang may tinatago siya o sila sakin. Pansin ko sa singsing na suot ko may letter na nakasulat, C.M.L's yan ang nakalagay. Impossible naman may Ayrin kase A ang first letter ng name niya. Ayrin Jayne Hernandez full name niya ang layo naman. Hayaan ko na nga.
Lumabas na ako ng kwarto namin at naglakad-lakad muna. Laking pasasalamat ko na walang Calista na nanggugulo, 3 days ko na siyang iniiwasan yung tipong magsasalubong kami agad na akong tatakbo pabalik sa kwarto o kahit saan.
Habang naglalakad may nakita akong nagtatakbuhan na mga bata. Parang gusto ko na rin ng anak. Tahimik ko silang pinanonood nang napatingin sakin ang isang bata na nanlaki ang mata. Huminto ito sa paglalaro at hinawakan ang kasama niya, tingin ko magkapatid ito.
"Dada?.... Dada!!" Tumakbo ito palapit...sakin? Buhat na niya ang isang bata habang tumatakbong palapit sa pwesto ko.
"Dada!!" Nakangiting huminto ito sa harap ko. Teka ako ba kausap ng batang to? Pero tinatawag niya akong Dada. Tumingin ako sa paligid baka nandito magulang nito pero ang tanging ang babaeng gumugulo sakin ang nandoon habang....nakangiti??
BINABASA MO ANG
Devil's Obsession
RomanceCalista Mavine Lawson and Aviel Keith Acosta story. (Obsessive series#1)
