Warning: 🔞🔞
Aviel
"And that's for all today, thank you everyone" Ngumiti silang lahat habang pumapalakpak. Nakahinga ako ng maluwag dahil natapos ko na rin ang pag-present ng project ko.
Binati nila akong lahat bago lumabas ng conference room. Nag-aayod ako ng gamit ko ng may yumakap sa bewang ko sa likod. Napangiti agad ako dahil kilala ko na ito, amoy pa lang niya.
"Congatulations baby, I love you" Humarap ako dito. Pinalupot ko ang braso ko sa bewang nito, kusa naman tumaas ang kamay niya at sa leeg kona ito nakayakap.
"Thank you and i love you too" Hinalikan ko ito. Hihiwalay na sana ako nang higitin nito ang batok ko.
20 years na kaming mag-asawa at may limang anak na. Gusto pa niyang dagdagan na agad kong tinutulan, hindi naman sa ayaw kong magka-anak ulit kami pero kasi mahihirapan na siya. Kita kong hirap niya ng ipanganak ang kambal namin dahil nasa 40's na siya.
Nasa 40's na siya pero parang nasa 30 pa lang dahil alagang-alaga ito sa katawan.
Nagulat ako nang bumaba ang kamay nito sa pantalon ko. Napahiwalay ako dito at tinanggal ang kamay nito, baka kasi may pumasok bigla.
"2 rounds baby" Hindi talaga siya nagbabago. Hinila ko na ito sa office ko baka halayin pa ako dun.
"Kakatapos lang natin kaninang umaga tsaka paika-ika ka pa maglakad ngayon" Sa swivel chair ako umupo at siya naman sa sofa.
"Oh come on sasakit na nga lang ba't di na natin lubusin" Nakangisi nitong sabi, napailing na lang ako. Tumayo ito at mabagal naglakad papunta sakin.
"Engineer Aviel Keith Acosta. The Ceo of Val Corporation" Basa nito sa mabahang bagay sa may lamesa ko kung saan nakasulat ang pangalan ko.
Nakalapit na ito sakin at umupo sa kandungan ko. Hinawakan ko ito agad sa bewang mahirap na't malikot ito.
"Hilutin mo nga sentido ko please" Ngumit ito at sinimulan nang imasahe ang sentido ko. Napapikit agad ako sa sarap ng nararamdaman. Hindi kasi kumpleto ang tulog ko sa dami ng gawain dito.
Pagkatapos manganak ni Calista sa pangatlo namin at nang mag-isang taon na si Victorina nag-enroll na ako sa school. Hindi nga lang medtech kinuha ko kundi Engineering na.
Gusto ni Calista na medtech kunin ko dahil pangarap ko daw maging doctor pero pagiging engineer na ang gusto ko. Hindi naman niya ako tinutulan sa gusto ko mag-aral.
"Birthday ngayon ng papa mo, we're having a dinner at your parents house" Oo nga pala.
Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok don si Saff na may kasamang katabaang babae pero maganda. Nakangiti si Saff na lumapit ito samin, hindi pa rin umaalis si Calista sa kandungan ko.
"Mommy, Dada, Meet Evelyn Savannah Kinsley my girlfriend" Namula ang pisngi nang babae at yumuko na lang samantalang ang isa napakalaki ng ngiti.
Tumayo si Calista at dahil hawak niya ang kamay ko napatangay ako sa kanya palapit sa dalawa.
"Nice to meet you hija, I'm Calista and this is my wife/husband Aviel" Nag-angat ng tingin ang babae at nahihiyanh bumati.
"H-hello po" Ngumiti kami dito at pina-upo muna. Uutusan ko sana ang secretary ko na bumili ng pagkain nang pigilan kami ni Saff.
"No need Dada hindi rin kami magtatagal. May date kami ngayon gusto ko lang ipakilala sa inyo ang girlfriend ko, bye Mommy dada" Humalik ito sa pisngi namin. Tinulak pa nito ang kasintahan ng mahina para humalik din sa pisngi namin.
BINABASA MO ANG
Devil's Obsession
RomanceCalista Mavine Lawson and Aviel Keith Acosta story. (Obsessive series#1)
