Chapter 16

19.2K 552 83
                                        

Aviel

"Inom tayo mga kaibigan" Napatingin kaming apat kay Ke.

Tiningnan ko ang iniinom niya na coke madami pa yun tapos inom daw kami. Inabot ko na lang ang tubig ko sa kanya baka kase tubig gusto niya. Narinig ko ang tawanan ng mga kasama ko. Kunot-noo akong napatingin sa kanila.

Nababaliw naba sila?

"Bakit kayo tumatawa?" Tumawa pa sila ng malakas kaya napapatingin na samin ang ibang students dito sa canteen.

"Langya ka pangs hahaha ang sakit na ng tiyan ko" Napahawak pa siya sa tiyan niya. Alam na pag may ibang amoy akong naamoy.

"Besh hahaha wait hin--pfftt hahaha" Nakakainis na sila ha.

"Besh ang tinutukoy ni Ke is yung iinom tayo ng ALAK hindi tubig" Ahh hindi kase nililinaw ni Ke ang sinsabi niya ehh. Malay ko ba.

"Bakit? Sino may birthday?" Sabi kasi nila sakin tuwing may birthday lang kami pwede uminom.

"Hahaha wala. Gusto ko lang uminom pero ikaw juice ka lang mahina tolerance mo sa alak" Napasimangot naman ako dun. Mabilis akong malasing kahit tanduay ice lang ma 7%alcohol nalalasing ako.

"Sige na inom tayo" Pangugulit ni Ke.

"Ayaw namin, pilitin mo muna kami" Sabat ni Mayi.

"Tsaka may report pa ako bukas kaya pass" Malungkot na sabi ni Sweet.

Tumingin kami kay Cass. Lasenggera din toh ehh.

"Ako pa ba. Arat na" Kita niyo.

"Pwede akong sumama?" Tanong ko.

"Syempre naman basta juice lang sayo" Natatawang sagot ni Cass.

Napasimangot ako dahil don. Ahh basta iinom ako ng alak mamaya kahit konti lang. Wala naman masama diba. Try lang naman.

Napag-usapan namin sa Daylight bar kami magkikita. Daylight pero sa gabi nagbubukas hahaha. Lakas ng tama nung may-ari nun.

Nang marinig ang bell ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Sana naman hindi ko makasalubong si Emily kakatakot siya nung isang araw.

Nakarating na ako sa room ko ng ligtas pero hindi inaasahang makita siya sa loob ng room ko at nakaupo sa upuan ko. Kahit kinakabahan pumunta na ako sa upuan ko.

"B-bakit ka nandito?" Kunot-noo kong tanong sa kanya pero ngumiti lang siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Napatingin tuloy ako sa itsura ko baka may dumi. Narinig ko ang mahinhin niyang tawa kaya napatingin ako sa kanya.

"I want to give a food that I made" Inabot niya sakin ang baunan na may pagkain. Kahit may takip naamoy ko na at mukhang masarap.

"A-ahm s-salamat sa pagkain" Ngumiti naman ako. Sakto dahil kakainin ko ito mamayang miryenda.

"Okay love I go for now. I have a class. Bye" Hinalikan pa niya ako sa pisngi at umalis na.

Buti naman umalis na siya. Hindi talaga maganda kutob ko sa kanya. Pagka-alis niya ay ang pagdating naman ng teacher namin.

Nang matapos na ang dalawang oras na pagdudusa sa Analytical chemistry at dalawang oras sa Environmental science ay uwian na. Nakakasakit talaga ng ulo idagdag mo pa ang mga teacher na ang hilig magbigay ng maraming activities.

Naglalakad na ako pauwi dapat ipapasundo ako ni Calista pero sabi ko wag na dahil pupunta ako sa bahay nila Sweet malapit lang naman yun sa school. Habang naglalakad may biglang huminto sa tabi ko na sasakyan. Maya-maya pa ay bumaba si... Ate Ayrin?

"Hi Aviel hatid na kita" Sabay lapit sakin.

"Ahm hindi na Ate pupunta pa kasi ako sa bahay ng kaibigan ko" Nalungkot naman ito kaya medyo naguilt ako pero napalitan ito ng seryosong mukha.

"Is it true?" Huh?

"Ang alin po?"

" That Calista is your wife?" Asawa agad?

"Ahm..hindi pa po Ate ikakasal pa lang po kami" Ngiti kong sagot dito.

"G-gusto mo ba s-siya?" Nauutal niyang tanong.

"A-an--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumunog ang phone ko. Si Calista pala.

"Hello baby where are you now?

"Papunta pa lang ako kila Sweet, bakit?"

"Okay just text me when you're done"

"Sige"

"I love you baby" Naghum lang ako sa kanya at nagpaalam na. Nakatingin pa rin pala sakin si Ate Ayrin pero bakit parang iiyak siya?

"Ate ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

"You know how much I love you right?" Napatamihik naman ako sa sinabi niya.

"If you refuse about your marriage just call me okay? Ilalayo kita" Hindi naman ako nakakaramdam ng alinlangan sa kasal namin.

Nagpaalam na ako sa kanya at bago siya umalis niyakap at hinalikan niya ako sa pisngi. Napailing na lang at pinagpatuloy ang paglalakad.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ako. Natanaw ko na agad sila sa may terrace at nag-iinuman? Lumapit na ako sa kanila.

"Akala ko hindi kana dadating ehh" Bungad sakin ni Sweet.

"Oh inom na tayo" Binigyan ako ni Ke ng tanduay ice at pinaupo na.

Habang umiinom ay nagkekwentuhan kami ng kung ano-ano nang tumunog ang phone ko.

Calista:
Baby look at my picture. I'm pretty sure that you will love it.

Napasamid ako ng todo at may pumasok pa ata sa ilong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napasamid ako ng todo at may pumasok pa ata sa ilong ko.

"Hala besh ayos ka lang?" Hindi ako nakakahinga ng maayos at ang sakit ng ilong ko.

"Ano ba nangyari sayo at napasamid ka bigla?" Alalang tanong ni Mayi.

Titingnam pa sana nila ang phone ko nang tinago ko agad to.

"May bold ka noh" Tanong ni Ke na nakasmirk.

"W-wala"

Buti na lang hindi na sila nagtanong pa. Kainis naman si Calista. Sakit tuloy ng ilong ko.

=====





Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon