Chapter 38

10.7K 391 17
                                        

Calista

"Ma'am nandito po kayo" Bumaba na ako ng sasakyan at pinasadahan ng tingin ang isla. Well not bad, sariwa ang hangin at malinis ang paligid.

"Calista, hey!" Napatingin ako sa tumawag at si Steve pala. He's my friend back in highschool and he's gay.

"Oh my gosh girl you're so hot beautiful parang hindi nanganak"

"I know that" Tumawa lang siya at inaya na ako sa resort niya. Pinakilala niya sakin ang lahat ng staff niya dito and they nice naman.

After niyang ipakilala sakin ang lahat ng staff and crew dito, nagpaalam muna ako na magpapahinga sa room ko. Humiga na agad ako pagkapasok pa lang. I'm so tired. It's 9am in the morning pa lang kaya natulog muna ako.

*Toktok*

Nagising ako mg may kumakatok, umupo muna ako at tiningnan ang orasan napahaba pala tulog ko

"Girl it's dinner time na!!"

"Coming" Narinig ang yabag nito na papalayo. Tumayo na ako ay nag-ayos ng konti then lumabas na. Habang kumakain kwento ng kwento si Steve na may isang tao daw dito na gwapo. Halatang may gusto to.

"You know girl hindi ko alam kung lalaki ba or babae cuz that person is so handsome but Lolo said she's a girl"

"So you like that girl?" Ngumiwi naman ito at umiiling.

"Crush lang but her face is familiar, parang nakita ko na siya somewhere. By the way her name is Mazi if you interested to her ipapakilala kita" Ayan na naman siya palagi niya akong pinapa-blind date sa kung sino sino simula nang malaman niya patay na ang asawa ko.

"I'm not. Thanks na lang"

"Ano kaba girl 32 years old kana gosh, kailangan mo din madiligan--" Huminto ito ng tiningnan ko ng masama. Akala ko matatakot pero tinawanan lang ako.

"K fine but her age is 28, isa siya sa mga nagbabantay sa mga turista dito. 5am nandito na siya and I'm 100% sure na mamumukadkad ang iyong bulakla--AHH!! GOSH!!" Napatili ito ng buhusan ko ng tubig.

Susugudin sana ako nito ng tumunog ang phone niya. Umalis muna ito dahil mukang importante kaya lumabas muna ako at naglakad-lakad. Tapos naman kami kumain kaya magpapababa muna ako ng kinain.

It's so refreshing here, wala kang malalanghap na usok. Just pure fresh wind that I want, sa susunod isasama ko dito ang mga anak ko I'm sure they will like here. Habang naglalakad may nakita akong bangka na papalapit at bumaba ang isa para hilahin ito papunta sa daungan.

I think kakatapos lang nila manghuli ng isda. Isa sa nakakuha ng atensyon ko ang isang tao na inaayos ang mga isda sa net. Parang kilala ko siya, lalapitan ko sana ng dumating si Steve.

"Girl nandito ka lang pala aka---Mazi!! Oh my gosh!!" Niyakap pa nito at hinila papunta sakin. Parang nahihiya pa ata isa dahil nagpupumiglas na makawala kay Steve. Natawa ako dahil ayaw niya talaga pero dahil sa malaki ang katawan ni Steve kaya natangay siya nito.

"Calista, this is Mazi. Mazi this is your future wife Calista" Napailing na lang ako sa sinabi nito. Hindi pa ito nag-aangat ng tingin kaya nilapitan ko ito at inaangat ang mukha.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko. Her black eyes but impossible wala na siya. Pero I can feel it na siya ito, bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng tumingin siya sakin. I can't see her full face dahil nakatakip ang kalahati nitong mukha ng damit.

"Mazi" Tanging nasabi ko dahil sa nararamdaman ko. Tatanggalin ko sana ang nakaharang sa mukha nito nang tumunog ang phone ko. Hindi ako lumayo at kinuha ang phone. It's Mommy.

"Hey anak, nanjan kana ba? Hindi kita makontact kanina kaya nag-aalala na ako baka may nangya--"

"Mom, I'm okay, nalowbat lang ako kanina and nakatulog din kaya hindi ko kayo natawagan"

Aalis na sana si Mazi nang higitin ko ito ulit, narinig ko pa ang tawa ni Steve ang he mouthed to me goodbye. Naririnig ko ring umuungot ang taong yakap ko dito. Mas maliit kase siya sakin like hanggang panga ko lang same height with my Aviel.

"Mabuti naman anak. So how's the resort? You like it?"

"Yes Mom. Maganda ang resort and malinis. I'm gonna buy it. Pwede rin kayong pumunta dito agad I'm sure magugustuhan niyo ito lalo na ang mga anak ko" Naramdaman kong napahinto ang paglilikot ni Mazi.

"Sure anak, we're going there soon" Napatawa na lang ako kay Mommy sa excited niya. Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil tulog naman ang mga anak ko. I miss them so much. Binalik ko na ang phone ko sa bulsa then tumingin sa taong yakap ko.

"May I see your face?" Umiiling ito at buong lakas na umalis sa pagkayakap ko.

"Gabi na po, kailangan ko na po umuwi" Umalis na ito agad habang ako hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. That voice the I miss for 5 years. Pero patay na siya diba? Nakompirma pa ito ng mga Doctor.

Hating gabi na at gising pa rin ako. Kanina ko pa iniisip na baka siya 'yun. Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko so Dada.

"Calista why? Is there a problem?" Naistorbo ko ata siya but it doesn't matter now.

"Dada I'm sorry if I wake you up"

"It's okay anak, bakit ka napatawag?"

"Dada pwede niyo bang ipahukay ang katawan ng asawa ko and do a test again....in private Doctor"

"What? Anak diba I told you na--"

"Dada please, I think buhay siya. Is there a person here na kaboses niya and her eyes, kilalang-kilala ko. Dada please" Narinig ko pagbuntong-hininga niya at alam kong nanalo ako.

"Okay..okay ipapagawa ko na ngayon para agad na maidala sa tita mo" Napangiti ako dahil doon.

"Thank you Dada. Sleep well po" Pinatay ko na ang phone at humiga na.

I wish na sana tama ang hinala ko.

=====






Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon