Chapter 41

11.4K 421 56
                                    

WARNING: 🔞🔞

Keith/Mazi

"Anak here, kain kapa"

"This too anak"

Papatayin naba ako mamaya? Masyado nila akong binubusog. Kanina pa silang ganyan at alam din nila ang bawal sakin na pagkain. Ang mga nagpapakain sakin ay ang magulang ko daw

Patuloy pa rin silang pagsubo sakin na akala mo'y pilay ang mga braso ko. Hindi ako nakakaramdam ng inis kundi tuwa na parang matagal ko ng gustong maramdaman. 28 years old na ako pero gustong kong magpa-baby kay Calist--este sa magulang ko.

Tungkol naman sa pag-uusap namin ay tumuloy ako sa pagpunta sa kwarto niya na kasama si Sir Steve dahil alam kong mamanyakin na naman ako nito. At tama nga ang hinala ko dahil pagbukas ng pinto niya naka-robe pero kita ang cleavage nito.

Nagalit pa ito sakin dahil bakit ko daw sinama si Sir Steve. Napilitang magbihis ito dahil nalalaswaan si Sir Steve sa kanya. Naging maayos naman ang usap namin at nakita ko rin ang resulta ng DNA test, at tama ito pati mga pictures namin.

Marami siya ipinakita na ebidensiya na mag-asawa nga kami dahil may isang video siyang pinanood sakin, hindi ko alam kung mahihiya o magagalit ako dahil..ano...may video kami.... N--nagse-sex. Sinabi niya sakin na pinanonood niya ito kapag miss niya ako lalo na kapag stress siya. Grabe ang babaeng 'to.


Kinabukasan pinatawag ako ni Sir Steve sa bahay dahil may gusto daw akong makausap, yung mga magulang ko daw. Pagkapasok ko pa lang sa opisina agad nila akong niyakap habang umiiyak 'yong babae. At 'yun kaya heto kami ngayon kumakain ng tanghalian.

Naririnig ko pa ang tawa ni Calista dahil sa ginagawa ng magulang ko sakin. Akala mo walang ginagawang kahalayan sakin na 'yung paa niya naglalakbay sa ibabang parte ko hindi ko naman magawang bawalin 'to dahil nakakahiya.

"Anak, bukas uuwi na tayo okay?" Napahinto ako sa pagkain at umiiling. Nilunok ko muna ang pagkain bago magsalita.

"Hindi po pwede. Nandito po asawa ko"

"Anak talagang sasama ang asawa mo sa atin"

"Nakausap niyo na po si Ayrin?"

"Who's Ayrin?" Napaigik ako ng may tumapak sa paa ko buti na lang pinigilan kong sumigaw.

"Asawa ko po" Hindi ito makapaniwalang nakatingin sakin. Ehh totoo naman ahh asawa ko si Ayrin.

"Aviel hindi totoo yan, si Calista ang asawa mo" Sabi ni *ehem* Papa.

"Pero sabi niya sakin at may singsing kami" Pinakita ko sa kanya ang singsing. Kinuha naman ito ni Papa at may tiningnan.

"Look Aviel, may nakasulat dito na C.M.L's and it means kay Calista ito" Nagtataka akong tumingin dito.

"Calista Mavine Lawson-Acosta my full name. That's our wedding ring, and I have mine also that have your name here" Pinakita rin niya sakin ang singsing at meron nga nakasulat na A.K.A's.

Kailangan kong makausap si Ayrin tungkol dito. Bakit siya nagsinungaling sakin. Tinext ko si Ayrin kung nasa bahay siya at sumagot naman ito na nasa bahay ito kaya pupunta ako ngayon.


"Ahm, excuse me po... Uuwi muna po ako sa bahay" Paalam ko pagkatapos kumain. Tumayo na ako at aalis na sana ng may humawak sa braso ko.

"I'll go with you" Calista.

"Hindi na. Kakausapin ko lang si Ayrin sa bahay" Pilit kong tinatanggal ang pagkahawak nito kaso lalong humigpit.

"No, sasama ako. No buts" Hinila na ako nito papunta sa sasakyan nito at umalis na agad.


Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon