Chapter 33

12.8K 431 46
                                        

Aviel

"Baby Aviel come on!! Faster!!" Sigaw ni Calista sa baba.

"T-teka lang!!" Asan na ba kasi yon! Kanina kopa hinahanap ang vicks ko. Hindi ako mapapakali kapag hindi ko ito hawak.

"Baby, ano ba hinahanap mo??" Kunot-noo niyang tanong.

"Yung...ano... Vicks ko" Gusto ko kasi palagi yon inaamoy lalo na kapag kinakabahan ako.

Nakita kong kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.

"Buy a dosens pieces of Vicks NOW" Sabay patay niya ng phone at hinila na ako sa baba. Lakas naman niyang buntis.

"T-teka Misis ko dahan-dahan sa pagbaba baka ma--" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng tingnan niya ako ng masama. Tumahimik na ako baka bigla na lang akong itulak nito sa hagdan.

"Dada!!" Napatingin ako sa dalawang bata na nag-aantay sa baba. Talagang napakaganda nilang dalawa. Si Saff nakahoodie shirt, pants na black at white shoes, mana sakin si Saff ayaw namin pareho ng masyadong girly na damit or any girl stuff. Samantalang si Rayne ay naka floral pink dress at light brown sandals habang nakalugay ang brown hair niya.

Niyakap ko silang dalawa at hinalikan ang mga pisngi nila. Magkaiba ang naging reaksyon nila, si Saff sumimangot habang si Rayne ay tumatawa. Nanonood muna kami ng Tv dahil inaantay namin kumain. Si Calista naman ay tumabi samin at yumakap kay Rayne.

Napanguso ako ng maalala na kung gaano ako minamadali ni Calista sa pag-aayos, akala ko aalis na yun pala kakain muna dahil mamayang 10am pa alis namin.

Habang nanonood ay tinawag na kami ng isa sa katulong na kakain na. Pumunta na kami at kumain na. Si Saff muna ang inuuna kong pakainin dahil ayaw kumain dahil gulay ang ulam habang si Rayne ay sarap na sarap sa pagkain.

Napansin ata ni Saff na gusto ni Rayne ng gulay kaya huminto ito sa paglilikot at sumubo ng maliit hanggang sa nagustuhan na niya. Buti naman at makakain na ako.

"Ma'am nhandhito na pho ang phinabibili niyo hah" Napalingon ako sa taong hingal na hingal at puno ng pawis ang mukha. Mukhang minadali niya talaga.

Inabot naman ito ng isang katulong nila at nanlaki ang mata ko ng makita ito. Isang box!! As in!! Hanggang sa pagtanda ko siguro hindi ko pa yan ubos lahat. Narinig ko naman ang isang mabining tawa kaya napalingon ako dito.

"You may leave now. What baby?? You look so suprised" Natatawa niyang sambit. Ehh sino ba ang hindi magugulat kung isang box yun na malaki. Samantalang pinag-iipunan ko pa yan para makabili ng isang piraso.

Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Napaisip ako bigla na sobrang laki pala ng pagkakaiba namin lalo na sa yaman. Sobrang yaman niya nakukuha niya lahat ng gusto niya samantalang ako inaabot ng isang taon bago ko mabili ang gusto ko.

"Misis ko punta lang akong cr, naiihi na ako" Paalam ko dito. Mamaya pa naman ang flight dahil 9:15am pa lang kaya may oras pa para magbawas.

"I'll go with you"

"Wag na, sandali lang ako" Tiningnan ako nito ng mariin.

"Malapit lang yung cr dito, ayun lang oh" Turo ko sa gawing kanan namin. Malapit lang naman dito sa pwesto namin.

"Okay fine, just make it quick okay?" Tumango ako at hinalikan ito saglit sabay takbo na sa cr.

Hayy ang ginhawa talaga. Kanina pa ako naiihi habang nasa biyahe kami hindi ako makapagsabi dahil ang bilis ng takbo na parang may humahabol samin. Pero kanina pansin ko may sumusunod samin. Hindi ko na lang initindi dahil baka isa rin itong pasahero.

Sinara ko na ang zipper ko at lumabas na. Habang nahhuhugas ako ng kamay may biglang pumasok at napansin kong papalapit ito sa pwesto ko. Tinapos ko na ng mabilis ang paghugas at maglalakad pa lang sana ako papalabas ng may panyong nilagay sa ilong at bibig ko.

Pilit akong umaalis pero malakas ito pero inaabot ko pa rin ang pintuan kahit nanlalabo na ang paningin ko. Maaabot ko na sana ng may naramdaman akong itinusok nito sa leeg ko dahilan para lalo akong mahilo, ilang segundo lang ay nanghina na ako hanggang sa kinain na ako ng dilim.

____

Calista

10 minutes na simula ng magpaalam sakin si Aviel at hanggang ngayon wala pa siya. Nagpaalam ako kila Mommy na puntahan si Aviel baka nagl-lbm na naman or inatake ng social anxiety niya. Napakaraming tao pa naman dito.

When I go inside walang tao kaya kinabahan na ako. Sinilip ko lahat ng cubicle dito pero walang tao. I tried to called her but cannot be reached fuck!! I started to get panicked.

Pumunta agad ako kila Mommy at sinabi na nawawala ang asawa ko. Inutusan agad ni Dada ang mga tauhan niya libutin ang buong airport.

"Dapat talaga nag-private plane na lang tayo, kung hindi mo lang sana ipinahiram yon sa pinsan mong kidnapper edi sana hindi ito nangyayari" Singal ni Mommy kay Dada na nakayuko lang.

"I-I don't know na g-gagawin niya yon--SHIT!!" Hindi na natuloy ni Dada ang sinasabi niya ng may narinig kaming putukan. Agad kong pinuntahan ang mga anak ko at pinalayo namin kasama ang mga yaya nito. Buti na lang at naka-headphone ang mga ito kaya hindi nila narinig.

Pinuntahan namin ang putukan at.... Aviel... Asawa ko. Buhat siya ng isang lalaking nakamask habang nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Dada.

"Dada ang asawa ko!!" Agad naman kumilos si Dada ng makita niya ito kaya nagpaputok na rin siya pero tumakbo ito sa maraming tao na nagkakagulo kaya hindi nila ito mabaril dahil baka may madamay.

May mga pulis na tumulong samin pero nakasakay na ito ng itim na van. Gosh! Buntis ako! Pero para sa asawa ko tutulong ako.

"No!! Calista!! Hindi ka sasama!! You're pregnant baka mapasama kayo" Singhal ni Dada sakin pero sumakay lang ako ng sasakyan at kumuha ng baril isa sa mga tauhan namin.

Fuck! Kinuha nila asawa ko! Ayoko na ulit mawala siya sakin. 3 years is enough with me ayoko ng dagdagan pa! Baby just hold on.

Nang makapasok si Dada ay pilit niya akong pinaalis pero hindi ko pinapansin.

"Let's go" Malamig kong utos sa driver at agad na pina-andar.

"Still stubbron"

"Drive faster!!" Sigaw ko sa driver dahil bumibilis na ang takbo ng van.

"Kapag hindi mo binilisan papatayin kita!! Drive faster!" Galit kong sambit dito. Namutla naman ito at binilisan ng todo ang sasakyan.

"Where's Mom and my kids?" Tanong ko kay Dada.

"Pina-uwi ko muna kila Papa"

Tumango naman ako dito. Agad nag-init ang ulo ko ng makitang nakikipagbarilan ang tauhan namin sa van. Fuck! Baka masugatan ang asawa ko!

"Calm down Calista. Don't be mad so much baka iba ang magawa mo" Alalang sabi sakin ni Dada. Dada knows me well lalo na kapag galit ako.

Ilang minuto lang ay huminto ito isang tabi ng tubig at patakbo silang sumakay sa isang yacht. Shit!! Agad kong ikinasa ang baril at pinutukan ito. Ilang tao ang natamaan ko. Nagpapalitan na kami ng mga bala pero hindi ako sumusuko hangga't hindi ko nakukuha ang asawa ko.

Napatay na namin ang mga tauhan nila kaya tumakbo na ako naringin kopa na tinawag ako ni Dada pero napatuloy lang ako sa pagtakbo. Nahabol kila kaya nahablot ko ang buhok ng lalaki kaya nabitawan niua ang asawa ko.

Hahawakan ko na siya ng biglang may pumalo sa likod ko kaya nanghina ako pero bago ako malawan ng malay nakita ko ang itsura ng lalaki.

Nakita kong tinutukan ako nito ng baril at ipuputok na sana ng may sumigaw.

"Leave her!! Isakay mona siya dito!!" Hindi ako makakilos dahil panghihina at tuluyan na silang sumakay ng yacht.

B-baby.... I failed again

Wait for my revenge.... Edgar

=====



Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon