Chapter 32

9.2K 361 108
                                    

Aviel

"Sige na Misis ko, alis na tayo dito" Nagmamakaawa kong sabi kay Calista.

"What's your problem ba kasi?" Kunot-noo nitong sambit. Simula nung sinabi sakin ni Rayne na nakita niya si Amara hindi na ako magkanda-ugaga dito. Gusto kong lumipat muna kami para hindi na niya kami magulo.

"Ahmm... Ano..." Nauutal kong sabi na sumama bigla ang tingin niya sakin.

"May babae kaba dito ha??!! Kaya ka nagkakaganyan!! Tell me who's that whore of yours, I'm gonna cut her into pieces" Madiin nitong sambit.

"H-hindi yon.... May... Ano kase-NanditosiNaSiAmaraNatahajfjrako--Aray ko!! Misis ko, bakit moko sinampal huhu?" Naluluha kong sambit dito. Ang lakas ng sampal niya dagdag mopa na tumunog pa yung batok ko.

"Hindi kita maintindihan. Can you talk slowly para maintindihan ko"

"A-ano--"

"Mautal kapa hihilahin ko yang dila mo" Napalunok ako ng matindin dahil don.

"N-nandito si A-amara, nakita siya n-ni Rayne k-kanina sa l-labas ng bahay" Nakayuko kong sambit. Naramdaman kong niyakap niya ako at hinalikan ang pisngi ko.

"Don't worry baby, hindi niya kayo makukuha sakin. We have so many guards in our village. Calm down baby" Mahinahon nitong sambit.

Hinigpitan ko lang ang yakap sa kanya. Napakabango talaga at ang lambot niya. Pakiramdam ko safe na safe ako sa kanya kahit na nilagyan niya ng dugs ang gatas na pinainom niya sakin. Wala akong naramdaman na galit sa kanya o kahit anong negatibong feelings.

Mabait naman si Calista kapag tulog hahaha pag-gising kase nakakatakot dagdag mo pa ang mukha nitong maldita.

"Baby, Dada is here. She wants to talk with us" Tumango na lang ako lumabas na kami ng kwarto. Tulog na ang mga bata dahil gabi na. Ngayon na pala malalaman amg resulta sa DNA ni Rayne, anak ko man o hindi si Rayne tatanggapin ko pa rin siya.

Pumunta na kami sa sala at nakita namin sila Dada at Mommy na seryoso ang mga mukha.

"Hey Dada, Mommy" Humalik si Calista sa magulang noya habang ako nag-mano. Ayaw kasi ni Calista na humahalik ako sa iba kahit sa magulang niya.

"Sit. Here are the results" Umupo na kami at kinuha ko ang envelope sa kanya. Binuksan ko na ito at....

Negative. Kung ganon hindi siya sakin. Nalungkot ako ng sobra dahil tinuring kona anak ko si Rayne.

"Baby, don't worry tanggap ko si Rayne. She's safe here from her mother" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Calista is right and Rayne is a nice girl kaya tanggap din namin siya" Napaluha ako sa saya dahil don.

"Such a cry baby" Natatawang sabi ni Calista sakin.

"But one of my mens said na may nakikita silang kotse na pabalik-balik dito. Meron silang picture ng driver baka kilala mo ito Keith" Binigay sakin ni Dada ang isa pang envelope na puro pictures.

Pagkita ko sa pictures. Nanlaki ang mata ko na si Amara ito pero bakit ang payat na niya? Kahit naman takot ako sa kanya may care pa din ako.

"Pinagtataka ko, bakit hindi niya kinukuha si Keith--I mean sinusundan ka niya Keith kahit saan, pero hindi siya gumagawa ng hakbang just to have you. She just followed you everytime" Tama si Dada. Sa tuwing umaalis ako palagi kong napapansin na may sumusunod.

Bakit kaya? May iba kaya siyang plano?

"Dada I'm sure nag-iisip na ng paraan ang babaeng yon para makuha ang asawa ko sakin ulit" Singit naman ni Calista. Pero hindi ehh, parang may mali sa kanya.

Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon