Aviel
"Anak I'm really really sorry sa lahat ng nagawa ko sayo lalo na ang pagtaboy ko sayo. M-masyado lang a-ako natakot n-na baka iwan a-ako ng p-pamilya ko" Hinawakan pa nito ang kamay ko pero hindi ko ito pinapansin.
"A-anak please p-patawarin mo ako. Give me a c-chance para makabawi sayo s-sa lahat ng pagkukulang ko, Aviel anak" Inalis ko ang kamay nito sakin at tinapos ng mabilis ang pagkain ko.
"Tapos na kayo? Uuwi na po ako" Malamig kong sabi dito. Umalis na ako at naririnig kong tinatawag pa ako nito pero hindi ko ito pinansin.
Kanina nung tinawag niya ako nagsisi ako ng lumingon pa ako sa kanya pero bago pa ito makalapit sakin agad na akong naglakad papasok sa jollibee at umorder na agad. Pero laking gulat ko na umupo ito sa harap ko at nagsimula ng humingi ng tawad.
Bakit niya pa ako kinausap dahil sa pagkakaalam ko ayaw niya akong kinakausap dahil nandidiri siya sakin. Palagi niya akong itinataboy sa tuwing humihingi ako ng tulong kapag sinasaktan ako nila tita Marytayne.
Uuwi na lang ako hindi ko tuloy na-enjoy ang pagkain ko. Hayss sa susunod na nga lang. Sabi sakin noon ni Calista sakin umorder daw ako sa phone ehh hindi nga ako marunong magpipindot sa phone baka masira pa, pagtetext at pagtawag lang alam ko.
Papara na sana ako ng jeep kaso may yumakap sa likod ko. Yakap na matagal ko ng gustong maranasan sa magulang ko.
"Anak mag-usap tayo please" Pinaharap niya ako at kita kong namumula ang mata at ilong niya sa kakaiyak. Samantalang dati kahit umiyak at lumuhod ako hindi nila ako pinapansin.
"Wala na po tayong dapat pag-usapan" Aalis na sana kaso humigpit lalo ang yakap niya, naririnig ko pa ang hikbi niya.
"Diba ito naman po ang gusto niyo ang hindi ako makita? Aalis na po ako, huwag na po kayong mag-aksaya ng panahon sakin" Pilit kong tinggal ang yakap niya at saktong may humintong jeep kaya sumakay na ako agad.
Nakita kong napaluhod ito habang yumuyug-yog ang balikat. Iniwas ko na lang ang paningin ko dahil nasasaktan din ako pero ayoko muna siya maka-usal o makita dahil bumabalik sakin lahat ng masasakit na alaala ko sa kaniya.
"Baby, diba I told you na umorder ka na lang thru phone. Delikado ka sa labas baka makuha ka na naman sakin at hindi k--" Niyakap ko na agad si Calista, nagiging praning na naman.
Kakapasok ko pa lang ng bahay ganito na agad ang bungad niya sakin.
"Hindi naman kasi ako marunong magpipindot sa phone kaya pumunta na lang ako sa jollibee" Mahinahon kong sambit.
"Do you want me to buy that Jollibee para hindi kana mahirapan?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.
"Nahh, whether you like it or not I will gonna buy it now" Agad naman itong tumawag sa phone niya at may kinausap.
"Is this the manager?"
"I'm want to buy that Jollibee now. If you refuse I'm gonna kill you and your family got that?"
"Starting tomorrow my wife will be your VIP customer. Siya ang lagi niyong aasikasuhin dahil kung hindi pasasabugin ko kayong lahat"
"Aviel Keith Banzon my wife's name. Remember that" At pinatay na ang phone habang ako nakatulala lang sa kaniya. Napagitla ako ng yumakap siya sa leeg ko.
"Baby wala rito ang mga bata. Solong-solo natin ang isa't isa ngayon. Siguro naman pwede na natin ituloy ang naudlot kahapon? Hmm baby" Napalunok ako ng matindi dahil nag-iinit na ako.
Wala kasi dito ang dalawang bata. Si Saff kasama nila Mommy Cel habang si Rayne kasama ni Dada Marvin dahil ipapa-DNA niya ito ngayon. Umiiyak pa kanina si Saff dahil gustong sumama kay Rayne. Kinakabahan ako lalo na kapag hindi ko tunay na anak si Rayne baka lalong tumindi ang panglalandi niya kay Rayne.
BINABASA MO ANG
Devil's Obsession
RomanceCalista Mavine Lawson and Aviel Keith Acosta story. (Obsessive series#1)