"I wanna make you feel wanted..."
Mich's POV
Mas lalong uminit yung dugo ko ng ngumiti si Avan kay Claire.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Pasensya, kinakain ako ng selos eh.
"Ah, kasama ko yung mga kaibigan ko. Tas nakita ko kayo so yun. Wala naman sigurong masama kung pupunta ako dito para kamustahin kayo diba?" ngumiti uli siya sakin at tumingin na lang ako kay Avan.
"Sabay ka kaya samin."
"Ano?" medyo napasigaw ako kaya may mga tumingin samin. Nag smirk sakin si Avan.
"Sige!" kapal din ng mukha. Worst part pa ay tumabi siya kay Avan.
"So Claire ano gusto mo? Treat ko sayo." Ngumiti si Claire sa kanya.
"Aww, thanks babe." Babe?!?! Nanlaki yung mata ni Avan pati na din kay Claire. Mukhang di niya sinasadya? Bigla na lang tumawa si Claire.
"Sorry. Dati kasi... you know what? Nevermind na lang. Just forget what I said." Nag fake smile ako sakanya at umorder na.
"Uhm I'll have the salad with the water and shrimp combo." Wow di tumingin si Claire sa menu. Mukhang lagi siyang kumakain dito.
"I'll have the lobster with the salad please." Sabi ni Avan na hindi din tumingin sa menu. Wth, ako lang ba yung hindi pa nakakakain dito?! Tumingin sakin yung waiter.
"Uhm the Carbonara with bacons and shrimp." Sinulat din nung waiter yung order ko at umalis na.
"So lagi ka kumakain dito?" tanong ko.
"Oo" sabay silang sumagot. Humigpit yung kamao ko. Nag fake smile ako at ngumiti si Claire habang tumawa si Avan.
"Dito ko kasi dinala si Claire nung first ARAY!" Sinipa ni Claire yung paa ni Avan at tiningnan siya.
"First na ano??" cold yung tono ko nung tinanong ko yun.
"Nung first date namin." Sabi ni Avan. Napapaluha na ko pero pinipigil ko lang.
"Avan—-" sabi ni Claire.
"Ah oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo, Mich. Naging kami ni Claire pero nag break kami dahil umalis siya papunta sa ibang bansa. Kakabalik lang niya pero aalis din siya next week? Mahal na mahal ko nga to eh. Kung hindi siya umalis edi sana hanggang ngayon—-" di na niya natapos yung sasabihin niya dahil tumayo ako at umalis na dun sa restaurant. Wala akong pake kung tinatawag nila ako kasi nakalayo na ko sa restaurant. Mga limang minuto na kong naglalakad ng naramdaman ko na may sumusunod sakin. Lumingon ako pero wala naman. Medyo malamig din kasi gabi na. naglakad uli ako at may narinig akong yapak ng mga paa. Nang dahil dun medyo binilisan ko yung lakad ko tas may biglang humila sakin dun sa isang eskinita. Sinandal ako dun sa pader at tinakpan yung bibig ko.
"Shh, Mich wag kang maingay." Medyo familiar yung boses niya.
May nakita ako lalaki na pang may hinahanap na tao. Nakaalis na siya at tinanggal naman nung humila sakin yung kamay niya sa bibig ko.
"Okay ka lang?" concern yung boses niya.
"Liam?" nagulat ako. Paano??
"Sorry, pero nakita kita naglalakad mag isa tas may sumusunod sayo. Mukhang hindi maganda yung kutob ko kaya sinundan din kita. Nagtago muna ako dito para hilahin kita palayo dun sa lalaking yun. Mukhang masama yung balak sayo eh. Okay ka lang ba? Giniginaw ka?" tinanggal niya yung jacket niya at nilagay niya dun sa shoulders ko. Hindi ko mapigilang umiyak at niyakap ko si Liam. Mukhang nagulat siya pero unting unti din niya akong niyakap.
"Shh, Mich okay lang yan. Nandito lang ako. Hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama." Napangiti ako dahil dun at pinunasan ko na yung luha ko.
"Liam, anong oras na?" Kinuha niya yung phone niya.
"9pm."
"Shocks, gabi na."
"Hatid na kita gusto mo?" Tumango ako. Sumakay kami dun sa sasakyan niya. Tahimik lang kami nung nasa sasakyan. Nakarating kami dun sa tapat ng bahay ko.
"Sige—-"
"Liam please wag mo muna akong iwan." Hindi ko alam pero natatakot pa din ako hanggang ngayon. Tumango si Liam at pumasok na kami. Umakyat kami dun sa kwarto ko. Naupo dun si Liam sa parang sofa na nasa gilid ng kama ko.
Naluluha pa din ako hanggang ngayon pano kung may nangyari sakin? At bakit kailangang sabihin ni Avan yun sakin? Doble doble yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Pumunta muna ako sa cr at nagpalit na. lumabas na ko sa cr at nakita ko si Liam nakatulala.
"Hey." Sabi ko at ngumiti siya sakin.
"Nice. Hello kitty pyjamas" namula ako at tumawa siya. Humiga ako sa kama ko. Umubo siya para mawala yung awkwardness. Tumayo na siya.
"Ah sige—-"
"Liam please!"
Liam's POV
Nakita ko na sa mga mata ni Mich na medyo natatakot pa din siya. May halong takot, galit, at lungkot. Umupo ako sa tabi niya. Nakahiga siya at may tumulong luha sa mga mata niya. Nag smile ako sa kanya.
"Sige tulog ka lang. nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
"Hindi ako makatulog, Liam." Naiiyak pa din siya. Hmm, nakaisip ako ng isang idea.
"Mich, ipikit mo lang yung mga mata mo. Andito lang ako." Pinunasan muna niya yung mga luha niya at pinikit na din niya yung mata niya.
(IPLAY NINYO YUNG KANTANG "WANTED BOYCE AVENUE. NASA TAAS. KUNWARI YUN YUNG BOSES NI LIAM!! <3)
"You know I'd fall apart without you
I don't know how you do what you do
Cause everything that don't make sense with me
Make sense when I'm with you."
Kinantahan ko na lang siya. Mukhang medyo kumalma siya simula nung kumanta ako. Nakarating na ko dun sa chorus;
"Cause I wanna wrap you up
Wanna kiss your lips I wanna make you feel wanted
And I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever and never let you forget it.
Yeah, I wanna make you feel wanted."
Natapos ko nang kantahin. Mukhang tulog na si Mich. Ngumiti ako at pinagmasdan muna siya. Grabe ang ganda niya. Sira ulo lang ang taong sasaktan siya.
"Sana kasi akin ka na lang eh. Hinding hindi kita sasaktan. Lagi kitang aalagaan at ipapadama ko sayo kung gaano ka kaganda at kung gaano kita kamahal, Mich." Tumayo na ko at umupo dun sa sofa. Ayoko iwanan si Mich. Humiga ako dun sa sofa at natulog na.
OMG Liam <3 hahahaha Ano comments ninyo tungkol kay LIAM?? Tingin niyo ba dapat bigyan ng chance ni Mich si Liam? COMMENT YOUR OPINIONS GUYS!! Xxx
BINABASA MO ANG
Better than words (Tagalog love story Kathniel)
FanfictionHighschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang gusto mo maging. pero hindi nila sinasabi na dito mo rin malalaman kung ano ang meaning "love" "Action speaks louder than words."