Mich’s POV
Sabay kaming pumasok ni Jade. May napansin ako dito sa babaeng ito. Parang ang saya saya habang ako, gulong gulo pa rin sa nangyari kahapon.
“Uy, bakit parang ang saya saya mo? Angyare?” sabi ko Jade na nakangiti pa rin at nagblush.
“Si ano kasi eh” sabi niya at ngumiti ulit. Luh?! Baliw lang?
“Si?”
“Si J-James. Magkatext kami buong araw kahapon. At tingnan mo oh” sabi niya sabay kuha sa phone niya. “Nag goodmorning text siya sakin kanina!!” habang nagbublush ang loka loka. Tumawa na lang ako sa kanya. Ang cute kasing tingnan ni Jade kapag kinikilig eh. Parang batang nakakkuha ng premyo.
“Weh? Kilig ka naman?” sabi ko sa kanya ng pabiro. Ngumiti lang siya at nilagay na lang niya yung phone niya sa bag niya. At sabay kaming pumunta sa gym. First class kasi ang p.e. naming. Hmm, ano kaya gagawin naming? Exercise? Volleyball, basketball? Hmm, sana wag volleyball! Di ako marunong eh T.T Pati din basketball. Hala!
Jade’s POV
Buong gabi kami magkatext ni James. At oo, kinilig ako. Nag-usap kami ng random stuff. Tungkol sa likes at dislikes niya… kinilig ako nung nag- goodmorning text siya sakin…
Nilagay naming ni Mich ang bags naming sa bleachers at umupo dun since andun na halos lahat ng kaklase naming. Iniintay na lang siguro naming si Ms. Panganiban. Nakita ko si James na nakatingin sakin at nagsmile siya. Nagblush naman ako at ngumiti din bago ko kausapin si Mich. Pero hindi dapat ako kiligin. Magkaibigan lang siguro kami. Ugh, tsk, Dapat ko lang tandaan ay wag mag-assume. Ayoko masaktan… dumating na si Ma’am at binate kami. Binate din naming siya at pinaupo kami lahat sa bleachers. Hawak hawak niya ang bola ng basketball at ang alam ko ay magbabasketball o magtuturo siya tungkol sa basketball. *sigh*
Mich’s POV
Nag start magdiscuss si ms. Tungkol sa basketball. Nag-demonstrate siya ng mga techniques sa paglalaro ng basketball. Sunod sunod ay pinagpapartner kami ni Ms. Para sa task namin.
“Okay class! Please pick a partner and you will perform your task by pairs! Your task is the chest pass! It’s a very easy task that I’m sure all of the boys know how to do it. Is that right, boys?”
“Yes Ma”am” sabi lahat ng mga lalaki samin.
“Okay this is a boy, girl partner. Wala na akong masyadong oras para maexplain pa sa inyo. Kaya boys! Please teach your partner on how to do the chest pass.” Sabi ni Ms. Hmm, sino kaya magiging partner ko? Si Liam na lang kaya? Pumunta ako kay Liam na nagsmile.
“Ano Mich? Partner tayo?” sabi niya na nakangiti. Tumango na lang ako, nagsmile siya ulit tapos tumayo na siya at kumuha ng bola ng basketball.
“Alam mo ba kung pano mag chest pass, Mich?” sabi niya sakin.
“Hindi nga ako marunong mag-dribble ng bola eh. Chest pass pa kaya?” Totoo yung sinabi ko. Di ako marunong mag dribble ng bola. Hindi kasi ako sporty. Medyo girly kasi ako eh. Ang alam ko lang na sport ay ang badminton! Tumawa si Liam ng malakas. Mukhang tuwang tuwa siya sa narinig niya at napangiti ako dahil dito.
“Seryoso? Pati magdribble di alam? Tsk, tsk. Haha. Ganito lang yan oh.” Sabi ni Liam na papalapit sakin. Pumunta siya sa likod ko at parang hinug na niya ako from behind kasi kinuha niya yung dalawa kong kamay at pinahawak sakin yung bola. Maya maya ay tinapat niya ito sa dibdib ko at sabi “Yan ang chest pass. Kaya nga from the word ‘chest’ dba?” sabi niya. Habang ineexplain niya ay nasa likod ko pa rin siya at nararamdaman ko yung hininga niya na tumatama sa leeg ko. At dahil dun, ay nagkaroon ako ng goosbumps. Nang matapos na siyang mag-explain ay umalis na siya sa likod ko at pumunta sa harap ko.
“Alam mo na kung ano gagawin mo?” sabi ni Liam na nakangiti. Oh my. That smile! <3 teka, ano bang sinasabi ko? Di pwde to! Si Diana, friend ko, girlfriend niya.
“O-Oo” wag kang mag-stutter!!
“Okay. So practice na tayo?”
“S-Sige” what the?! Geh, stutter pa!
Jade’s POV
Nakaupo lang ako sa bleachers since wala nang available na bola kaya kailangnan daw muna kami mag-intay ni James. And yes, si James yung ka-partner ko. Tinaas ko yung buhok ko in a high ponytail at may napansin ako. Si Avan. Nakatingin kila Liam at Mich. Nakwento na ni Mich sakin si Avan. Yun daw lagi siyang inaasar. Hmm, nakita ko na papunta siya sa iba pa niyang kaibigan. Yung kaibigan naman niyang yun napatingin kila Liam at tinapik si Avan. Yung kamay naman ni Avan parang nakafist na. what the? Bakit kaya? May gusto kaya siya kay Mich? Nagseselos? :O
Avan’s POV
Habang kapartner ko si Chelsea ay napatingin ako kila Liam. Hindi ko alam kung bakit pero parang kumulo yung dugo ko nang nagtatawanan sila at parang hinug niya si Mich. Pumunta ako kay Louis na nag-iisa. Siguro wala siyang kapartner.
“Pre, tingnan mo si Liam. Nanlalandi nang iba eh may girlfriend” sabi ko habang naiirita. Bestfriend ko si Liam, pero naaasar ako sa mga pinaggagawa niya kay Mich. Hindi ko din alam kung bakit ako naaasar.
“Weh? Dahil ba ‘to kay Diana? O nagseselos ka?” sabi ni Louis na pang-asar yung tono.
“Ewan.”
“Ewan? So di mo sure kung nagseselos ka?” sabay tawa yung gago.
“Pre, okay lang yan. Normal lang magselos.” Sabi ni Louis sabay tapik sakin. Humigpit yung kamao ko nung tumawa si Mich. Enjoy na enjoy. Eh bakit kasi ganito yung nararamdaman ko eh.
Mich’s POV
At nang dahil kay Liam, naka-perfect kami! Umupo na kami sa bleachers at sunod naman si Jade at James.
“Goodluck Jade!” sabi ko sa kanya. Ngumti siya sakin at ginawa na nila ni James yung task.
“Uy, Liam. Parang tumahimik ka ah. Angyare?” sabi ko sa kanya.
“W-Wala.” Para siyang kinakabahan na ewan eh. Parang ang laki ng problema niya.
Tumango na lang ako at nakita ko si Avan na nakatingin samin. Ang sama nang tingin niya. Parang ewan. Nu nanaman trip nun?!
Louis’ POV
Kaibigan ko sila Liam at Avan. At alam ko kung pano magselos silang dalawa. Sure akong nagseselos yan si Avan. Ayaw lang niyang aminin sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Better than words (Tagalog love story Kathniel)
FanfictionHighschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang gusto mo maging. pero hindi nila sinasabi na dito mo rin malalaman kung ano ang meaning "love" "Action speaks louder than words."