No, I won't give up..."
Avan's POV
"Eh sino ba kasi yung tatanga tanga at nag plano na pagselosin si Mich?!" sigaw ni Claire tas tiningnan ko lang siya ng masama.
"Eh sino ba kasi yung taong pumunta samin kagabi at sumingit sa date namin?!" yan sumigaw na din tuloy ako.
"So kasalanan ko pa?! For your information Sir Avan, ikaw ang nagsabi na umupo ako sa tabi mo at sumabay sa dinner date ninyo ni Mich! Alam mo, kung mahal mo yung tao hindi mo dapat pinagseselosin kasi mapapalayo yan ng damdamin niya sayo." BA'T BA ANG HILIG SUMIGAW NG MGA BABAE?!
"SO KASALANAN KO PA?!" Mas lumapit sakin si Claire at tiningnan niya ko diretso sa mata.
"Oo, Avan. Kasalanan mo."
"Eh bakit—-"
"Alam mo, I'm going back to the States tomorrow. This isn't what I imagine when you said you wanted to talk to me. Akala ko, may sasabihin ka sakin na 'mag ingat ka' o 'mamimiss kita, Claire.' Hindi yung sisisihin mo ko dahil galit sayo si Mich." Nag pout siya. Medyo na guilty tuloy ako.
"Tsk, Claire naman. Sorry na..."
"Avan, hanggang ngayon di mo pa din alam kung pano mag sorry sa isang babae." Tumawa ako at niyakap siya.
"Claire pano na yun?" kumawala si Claire sa yakap ko at ngumiti siya pero fake. Pano ko nalaman na fake? Hindi nag show yung dimples niya. Pag totoo yung smile ni Claire, lumalabas yung dimples niya. Pero pag fake, hindi lumalabas.
"Mahal mo talaga siya, noh?" tumango ako. Tumawa na lang siya.
"Avan, pano kung sabihin ko sayo na hanggang ngayon mahal pa din kita?" nanlaki yung mga mata ko.
"Ano?!" lumapit uli si Mich sakin.
"Avan, mahal pa din kita. Kung hindi naman ako pumunta sa Canada hindi naman tayo maghihiwalay, diba? Bakit ba kasi ayaw mo ng Long Distance Relationship ha?!" nagulat ako sa mga pinagsasabi niya.
-FLASHBACK-
"Avan, please ayoko..." nagmamakaawa sakin si Claire. Umiiyak na siya ngayon. Gusto ko siyang icomfort pero hindi ko magawa, kailangan kong maging matatag. Kunwari wala na akong pake sa kanya.
"Claire, ayoko na. Tama na. hindi ko kaya yung LDR."
"Avan!! Kala ko ba hindi mo ko—-"
"Ano?! Iiwan?! Eh sino ba yung pupunta sa Canada para dun mag aral, ha?! Alam mo, yan yung problema sayo eh. Hindi mo ko kayang ipaglaban!" sumigaw ako at pinunasan muna ni Claire yung mga luha niya.
"Avan ano ba! Ano yung mga pinagsasabi mo?! Okay ka sa parents ko! Si Daddy nga mismo ang nagsasabi na lagi kang pumunta sa bahay diba?! Tas si Mommy, gusto ka laging nandun kasi ang galing mo daw magluto at tinutulungan mo siya! Avan——"
"Hindi Claire. Sorry, pero ayoko na. Ingat ka na lang." Tumalikod na ko sa kanya at umalis na. parang ang bigat ng pakiramdam ko pero alam ko na mas okay to.
-END OF FLASHBACK-
"Claire, nakapag move on na ko. Iba na mahal ko. Sorry, pero mahal ko na si Mich." Sinabi ko sa kanya ng mahinahon.
"Pero—-"
"Claire, walang pero. Kung nasaktan kita dati, sorry talaga."
"But why did you let me go?!" napatulala ako. Bakit ko ba siya pinakawalan? Ang unang babaeng minahal ko, pinakawalan ko. Hindi ko alam ano yung isasagot ko kay Claire kasi ang totoo, hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Better than words (Tagalog love story Kathniel)
FanfictionHighschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang gusto mo maging. pero hindi nila sinasabi na dito mo rin malalaman kung ano ang meaning "love" "Action speaks louder than words."