Chapter 16 (So Close)

96.4K 824 91
                                    

“So close… and still so far”

Liam’s POV

Wala akong partner nung prom namin. Di ako kinakausap ni Diana. Ewan ko ba dun.kapag nilalapitan ko siya, iiwasan niya ko. Parang tanga lang. umupo ako kila James since galit pa din ako kay Avan. Di muna ako sumasabay kila Avan at Louis. Baka mapatay ko lang siya. Tutal siya din naman yung rason kung bakit kami ganito ni Diana dba? Hanggang sa inannounce ni Diana na tutugtog ang mga slow songs para sa mga may promdate. Tsk, okay lang yan. Pagkain na lang yung date ko dito sa prom na to. Tinitingnan ko lang yung mga may promdate na pumunta sa dance floor. Wala naman akong pake. Hanggang sa nakita ko sila Avan at Mich. Bigla akong nalungkot at nagselos dahil dun. Hindi naman kasi ako dapat ganito eh.  Alam mo yung feeling na, parang onting onti na lang makukuha mo na yung gusto mo? Tapos, kung kelan andyan na, biglang may nangyari kaya napalayo ka ng onti? Di dapat ganito yung nararamdaman ko kay Mich, pero iba siya. Nakita ko din na hinalikan ni Avan si Mich sa pisngi. Nasaktan ako dahil dun. Ang masaklap na part? Hindi nagalit si Mich. Nagblush pa nga eh. Nasasaktan ako nun. Ang sakit sakit kasi eh.

Mich’s POV

Natulala ako sa sinabi ni Avan. Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko nung time na yun.  Umubo si Avan para mawala yung awkwardness.

“uhm”

“Di, okay lang. di kita pipilitin. Kaya ko naman maghintay eh.” Sabay smile siya. Oh my, that smile is.

“Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo?”

“Oo nga. Kaya din kitang hintayin hanggang sa mahalin mo na din ako.” Seryosong seryoso siya nung sinasabi niya sakin yan. Oh my. Napatulala ako sa mga pinagsasabi niya. Napangiti lang siya sakin.

“Since kelan pa?”

“Huh?”

“Since kelan mo pa ko nagustuhan?” tanong ko sa kanya.

Avan’s POV

“since kelan mo pa ko nagustuhan?” tanong sakin ni Mich. Naalala ko nung first day. Nung una kong beses na nakita si Mich.

-Flasback-

Pinaupo ako ni Ma’am dun sa likod ng isang babae na di ko alam kung ano yung pangalan niya. So yun, as ususal introduce yourself. Hanggang sa may nagsabi

“I’m Mich De Vega, 16yrs old” Mich pala pangalan niya. Hmm, sa unang tingin di naman siya ganun ka ganda. Simple siya. Pero siya yung tipong di mo kayang lokohin. Napatingin siya sakin at nagkatitigan kami. Inalis ko naman yung tingin ko sa kanya. Gusto siyang kausapin pero di ko alam kung pano ko sisimulan. Mukhang mabait naman eh.

RECESS

Kasama ko kumain ang mga barkada ko, hanggang sa napansin ko na si Mich kumakain kasama yung isa niyang kaibigan. Di ko namalayan na natitigan ko siya ng matagal dahil bigla akong inasar ni Louis.

“Ganda ng view, pare” napangiti ako dito at inalis ko na yung tingin ko sa kanya. May something kasi sa babaeng yan eh. Di ko lang alam kung ano. Basta, ang alam ko lang ay may nararamdaman ako para sa kanya.

-End of flashback-

“Basta ang alam ko lang ay nagustuhan kita kagad”

“Eh sira ulo ka pala eh. Kung gusto mo ko dapat sinabi mo sakin o ligawan mo ko. Bakit ba ang sama mo sakin dati?”

Mich’s POV

Tinanong ko si Avan kung bakit ang sama niya sakin dati. Weird yung lalaking yun.

“Ewan. Siguro dahil gusto ko lagi na nasa akin yung atensiyon mo. Para kasing ang sungit mo eh. Ginawa ko yun para mapansin mo ko. Promise di ko sinasadya na sabihan ka ng mga masasakit kong salita. Pero, wala eh. Di ko alam kung pano ko makukuha atensyon mo kaya yun inasar kita.”

“Sigurado ka bang gusto mo talaga ko??” di kasi ako makapaniwala eh.

“Oo nga ang kulit naman neto. Gusto mo isigaw ko pa ngayon na gusto kita eh.”

“Pero bakit gusto mo ko? Ano bang nakita mo sakin?”

Tumawa naman si Avan. Sabi na nga ba eh. Niloloko lang ata ako nito.

“Gusto mo talaga malaman?” sabi niya habang nakasmile. Tumango na lang ako. Natapos na yung kanta at ang susunod na kanta ay yung “I’ll be”

“Gusto ko yung smile mo. Mas gumaganda ka pag nakasmile ka. Yung mga mata mo, gusto ko yung pagkabrown kahit never kong nagustuhan yung kulay na yun. Yung ugali mo, sobrang bait. Naalala ko dati yung time na nasa labas ka ng school tas may nakita kang pulubi at nanghihingi ng pera. Binigyan mo siya ng pera at ng pagkain.” Nagulat ako kasi nakita nya pala yun.

“Yung pagiging cheerful mo at matulungin sa kapwa. Concern ka. Ang ganda mo, ang bait at ang talino. Nasa iyo na ang lahat.”

Teka teka. Kanta yung last part ah?!

Ngumiti ako sa kanya at napangiti lang din si Avan.

“Ano Mich? Gusto mo explain ko pa lahat lahat ng gusto ko sayo?”

“Alam mo ang corny mo” sinabi ko ng seryoso at ngumiti din. “Corny pero sweet” ngumiti siya sakin.

“Mahal kita Mich. Sana bigyan mo ko ng chance para malaman mo kung gano kuta mahal at seryoso ako sayo.” Seryosong seryoso si Avan nung sinasabi niya sakin yan. Di ko alam kung ano mararamdaman ko. Pero, lahat naman ng tao nagta-take ng risk pag dating sa love diba?

Sumunod na kanta ay yung “So Close”

“You’re in my arms. And all the world is gone.

The msic is only playing for us two.

So close together whenever I’m with you.”

Mich, di kita minamadali. Gusto ko lang malaman mo na mahal talaga kita at seryoso ako.” Nararamdaman ko na bumilis yung tibok ng puso ko sa mga pinagsasabi ni Avan.

“Avan—“ di ko natuloy yung sinabi ko kasi sumingit si Liam samin.

“Pwde bang isayaw ka Mich?” seryoso si Liam sa pagkasabi niya. Nagulat si Avan at tumango na lang siya na ikinagulat ko din.

Dumating na yung ending sa kanta.

“So close… and still so far”

Sunod na kanta ay yung “Moving closer” nagfake smile ako kay Liam at ngumiti siya sakin.

Wala akong nararamdaman na spark kay Liam. Kailangan kong sabihin kay Avan ang nararamdaman ko sa kanya.

Bwisit kasi tong taong to eh. May moment na nga kami ni Avan eh!! -_- sinira mo pa. great timing!!! Note. Sarcasm.

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon