"I promised one day that I'd bring you back a star... I caught one and it burned a hole in my hand."
Mich's POV
10:00pm na pero andito pa din ako sa school library na nag iisa at may tinatapos ang isang term paper tungkol sa mga taong may kinalaman sa literature. From William Shakespeare to Edgar Allan Poe. Halos mabaliw na ko at the same time matakot kasi ako na lang ang natira dito. Yung librarian naman ay umalis na pero nagmakaawa akong wag muna isara yung library kaya naman binigay niya sakin yung susi at sabi ako na lang ang mag lock.
"Edgar Allan Poe is—-" naputol ako sa pagsusulat. At, Oo nagsusulat ako kasi maarte yung prof namin. Napatigil ako sa pagsusulat dahil may narinig akong may nagbukas sa pintuan. Please, God... sana naman walang masamang mangyari sakin ngayon..
"Sino yan?" Wow Mich walang sasagot sayo kasi kapag may gustong pumatay sayo o pag sa horror movies, usually hindi sasagot ang killer sayo.
"Alam mo... Kung nasa isang horror movie ka; ikaw ang unang mamamatay!" agad akong nagulat ng may bumulong sa tenga ko. Agad naman ako lumingon at nakahinga ng maluwag ng nalaman ko na si Liam lang pala yun.
"Anong ginagawa mo dito?" parehas namin sinabi kaya natawa kami. Agad naman siyang naging seryoso uli.
"Seryoso ako Mich... gabi na tas ikaw lang mag-isa dito. Baka mamaya may mangyaring masama sayo!" halatang halata na concern na concern siya kaya naman ay niyakap ko siya.
"Sorry." Yun lang nasabi ko. Hinalikan niya yung noo ko at tumingin siya sa mga mata ko.
"Kapag kailangan mo uli pumunta sa library o kahit saan pag gabi, sabihan mo ko ah? Sasamahan kita." Ngumiti siya sakin at napangiti na din ako dahil dito. Umupo ako at umupo din siya sa tabi ko.
"Ba't nga pala dito ka gumagawa ng Term paper? Pwede naman sa kwarto niyo dun sa boarding ah?"
"Eh si Eleanor kasi nanonood ng movie sa laptop niya tas nawawala pa yung headphones niya kaya naman ang ingay ingay. Horror movie pa naman pinapanood nun."
"Ah" tahimik lang si Liam na nagpapasalamat ako kasi hindi ako makakagawa pag maingay yung mga nasa paligid ko. Andun lang siya naglalaro ng games sa phone niya.
Tiningnan ko yung orasan; 11:30pm na pala. Napatingin ako kay Liam na natutulog na. ngumiti ako at ginising siya.
"Baby, gising..." agad siyang nagising at tumayo.
"Bakit anong nangyari?!" hala? Protective mode kagad 'to. Natawa ako at nagblush siya.
"11:30 na. tara na?"
"Tapos ka na ba?"
"Oo" tinulungan niya kong ligpitin yung mga gamit ko at lumabas na kami dun sa library pagkatapos naming i-lock yung pintuan.
Nakarating na kami sa boarding house ko at nagpaalam na sakin si Liam.
"Heyy" bati ko El nung nakarating na ko sa room namin. Sinarado ko na yung pinto at umupo sa kama ko.
"Tapos mo na yung term paper?" sabi niya habang nag t-type sa laptop niya.
"Oo. Thank God!" tumawa si El at sinarado na niya yung laptop.
"Mich..."
"Yep?" sabi ko habang nasa pintuan na ko ng cr namin.
"wala wala." Nag fake smile siya at humiga na. huh, weird naman. Di ko na pinansin at pumasok na ko sa cr
NEXT MORNING
"Psst! Gising na!" inuuga ko si El kasi 10 minutes na lang at malalate na siya sa klase niya.
BINABASA MO ANG
Better than words (Tagalog love story Kathniel)
Fiksi PenggemarHighschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang gusto mo maging. pero hindi nila sinasabi na dito mo rin malalaman kung ano ang meaning "love" "Action speaks louder than words."