Chapter 11 (I need you)

96.6K 872 81
                                    

“I’m sorry if I say ‘I need you’”

-One Direction

Avan’s POV

Nagulat ako nang sabihin ni Mich na magkasama sila ni Liam. Nang dahil dito ay nasuntok ko yung pader kaya namula yung mga kamao ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Di ko siya gusto pero bakit ganito yung nararamdaman ko? May naisip akong plano na alam kong ikakasira ng relasyon ni Mich kay Diana pero yan lang ang naisip ko. Kinuha ko yung cellphone ko at diniall ang number ni Diana.

“Hello” sabi ni Diana na mukhang kakagising lang.

“Diana, may nabalitaan ako.” Sinabi ko na magkasama sina Mich at Liam at nasa bahay nina Liam si Mich. Nagsmirk ako at binabaan ko si Diana. Wala akong nararamdaman na guilt kasi ganito talaga ako. At bakit ako magiguilty? Totoo naman yung sinasabi ko ah? Humiga na lang ako at pinikit yung mga mata ko. Simula ngayon, magiging masama uli ako kay Mich.

Mich’s POV

Monday nanaman -_- ang bilis talaga ng araw pag sabado at linggo. Sana nga may isang araw na nasa pagitan ng Saturday at Sunday eh. As usual, ginawa ko yung dati kong ruitine pag papasok ako. Naglakad na ko papuntang school at pumunta sa classroom namin. Nakita ko si Liam at nagsmile siya sakin.

“Uy” sabi ko sa kanya habang umuupo ako. Napansin ko si Avan ay napapatingin samin at parang nakikinig. Hinayaan ko na lang siya.

“Uy, Mich.” Sabi ni Liam with a smile. Tas yun, nagkwentuhan kami hanggang sa sumingit si Avan.

“Saya natin ngayon ah. Nu meron?” sabi ni Avan pero seryosong seryoso yung boses niya. Nu nangyayari dito sa lalaking to?
“Nu nanaman Avan?” sabi ko sabay irap sa kanya.

“Wala. Pre, alam ba ni Diana na pumunta si Mich sa bahay mo?” what the?! Nagsmirk lang si Avan sabay upo na silya nya. Tiningnan ko si Liam na parang nalungkot. Pumasok na si Ma’am at nagdiscuss na ng lesson.

RECESS

Absent si Jade kaya ayun, sumabay muna ako kay Liam. Iniintay ni Liam si Diana habang ako napapatingin kay Avan na nakatingin samin ng masama. Problema nung lalaking yun?! Biglang may umupo sa harap ko at si Diana yun. Nag fake smile siya sakin. Pano ko nalaman? Eh halatang fake eh! Di lamang nag-effort mag mukhang totoo yung smile niya. Hindi ko na lang pinansin hanggang sa nagsalita siya.

“Mich, asan ka nung Saturday?” sabi niya habang uminom ng tubig. Tiningnan ko siya nang pagtataka hanggang sa napansin kong nakantingin sakin si Avan na nagsmirk. Si Avan!! Tumayo ako bigla at pumunta ako sa table nila Avan. Andami niyang kasama, siguro mga 8 pero wala akong pake sa kanila. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa table habang napatingin sakin yung kaibigan niya.

“HI Mich!” sabi ni Louis pero di ko siya pinansin.

“Nu kelangan mo?” sabi ni Avan sabay smirk.

“alam mo sana di na lang kita nakilala. I hate you! Bakit mo pa-“ bago ako makapagsalita ay sumingit sa usapan yung isa niyang kaibigan na di ko naman kakilala.

“Brad, ang ingay ng syota mo. Halikan mo nga para tumahimik.” What the?!

“Ano?!” sabi ko dun sa lalaki pero tinawanan lang niya ko.

“Yoko pre. Baka mahawaan ako ng kapangitan eh.” Tumawa sila at ako naman sinampal si Avan.wala akong pake kahit may makakita sakin. Umalis ako sa canteen at pumunta sa classroom. Bwisit sa buhay ko si Avan!!! >.<

Liam’s POV

Nakita ko yung ginawa ni Mich kay Avan. Susundan ko sana si Mich nang biglang hinawakan ni Diana yung kamay ko.

“Liam, okay ba tayo?” nagulat ako sa tanong niya.

“O-oo naman. Wait lang-“

“Susundan mo si Mich? Para namang mas importante si Mich kaysa sakin ah.” Yung tono niya pabiro pero malungkot.

“Diana, okay-“

“Hindi Liam. Di ako okay. Mahal mo pa ba ako?” nagulat ako sa tanong niya.

“Diana. Kailangan kita. I need you.”

“Iba ang mahal sa mahalaga Liam” nag fake smile siya at alam kong paiyak na siya. Ano bang sinabi ni Avan sa kanya?!

“Pumunta ka na lang sakin pag mahal mo pa ko ah?” fake smile sabay tayo siya. Pero bago siya umalis ay may sinabi siya “Sorry kung kailangan kita. Mahal kasi kita eh.” Fake smile uli at umalis na siya. Nagulat ako. Di ko alam kung ano gagawin ko. Ugh, Liam! Sino ba talaga?!?

Vote and comment :) Xx

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon