“I’m in love now.”
-Ed Sheeran
Mich’s POV
Mamaya na yung prom namin. Siyempre may nabili na kong gown para sa prom. Color pink at tube siya (Yung sinuot ni Kathryn sa debut niya) di ko alam kung ano gagawin ko sa buhok ko. Siguro ikukulot ko na lang. onting makeup lang yung lalagay ko. Ayoko namang maging coloring book yung mukha ko. Lipstick, blush on, eye shadow at mascara. Okay na siguro yan. Kinulot ko na yung buhok ko at sinuot ko na yung gown. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Ang cute ko! Haha. Kapal.
Bumaba na ko at napangiti sakin si mama.
“Dalaga na anak ko!” tuwang tuwa si mama at nginitian ko na lang siya. Niyakap niya ko at may kumatok sa pintuan. Binuksan ko at si Avan pala.
Shit.
Ang gwapo niya. Naka tuxedo siya at tinaas niya yung buhok niya. Parang naka-quiff. Basta, hairstyle ni Zayn Malik. May dala din siyang red rose. Tiningnan niya ko mulang ulo hanggang paa at ngumiti sakin. Napangiti naman ako dito.
“Ang ganda”
“Thank you” napangiti ako
“Nung gown” ay, panira naman ng moment. Inirapan ko na lang siya at tumawa siya.
“Good evening po Mrs. De Vega”
“Evening din. Ingatan mo anak ko ah? Bagay kayo!”
“Ma?!” nagulat ako
“Opo naman.” Tumawa si Avan at sumakay kami sa sasakyan.
“Marunong ka magdrive?”
“Hindi naman obvious dba?” sabi niya habang iniistart niya yung sasakyan. Inirapan ko na lang siya at binigay nya sakin yung rose.
“Oh”
“Thank you.” Nagsmile lang siya sakin at pumunta na kami ng school.
Nakarating na kami at pumasok na kami sa school hall. May malaking banter na nakalagay “The Last Dance” Nakita ko si Jade na blue yung suot niyang gown at naka bun yung buhok niya. Nginitian ko siya at lalapit na sana ko ng hinatak ni Avan yung kamay ko at pumunta sa mga barkada niya. Epal naman si kuya.
“Brad!” sabi ni Avan kay Louis. Naka tuxedo din si Louis at umiinom ng punch. Ngumiti siya samin
“Eto na pala ang dalawang mag lovebirds” sabay tawa siya. Nagsmirk si Avan at tumawa. Inirapan ko na lang siya.
“Upo kayo oh”
AFTER 35 MINUTES
Mga ilang minuto na ang nakakalipas at nakatulala ako. Kausap ni Avan ang mga kaibigan niya at walang ibang topic kung hindi pintasan ang mga tao dito.
“Tingnan mo si Chelsea oh. Kapal ng make up” sabi nung isang kaibigan ni Avan
“Tsk, trying hard. Di naman maganda” sabi ni Avan sabay tawa nila
“May I have your attention please?” sabi ni Diana sa microphone.
“We will now be playing a few slow songs so that may chance kayong magslow dance ng gf/bf, crush o promdate nyo! Enjoy na rest of the prom!” sabi ni Diana at sabay pinatugtog yung kantang “Kiss me” ni Ed Sheeran.
“Settle down with me,
Cuddle me up, cuddle me in.
Lie down with me,and hold me in
Your arms.”
Napatingin sakin si Avan at bigla na lang ako hinila sa dance floor. Ang daming mga couples at prom date na nagsoslow dance. Nilagaay ni Avan yung kamay niya sa bewang ko at nilagay ko din naman yung mga kamay ko sa shoulder niya. Nakatingin lang kami sa isa’t isa.
“And my hearts against my chest,
Lips press to my neck;
I’m falling for your eyes, but they don’t know me yet,
And with this feelin’ I’ll forget, I’m in love now.”
Nakatingin ako sa mga mata niya. Ang ganda pala ng mata niya. Maamo at brownish something. Dumating na yung chorus nung kanta at nagulat ako ng palapit ng papalapit si Avan sa mukha ko.
“Kiss me like you wanna be loved,
You wanna be loved,You wanna be loved.
This feels like falling in love,
Falling in love, falling in love.”
Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinalikan yung pisngi ko. Nanlaki yung mga mata ko at namula ako ng onti. Tumingin sakin si Avan at ngumiti siya.
“Sabi sakin ni mama dati, pag may hinalikan daw akong babae sa pisngi at may kasamang kanta, ibig sabihin ay mahal ko na daw yun.” Nagulat ako sa sinabi niya.
“Settle down with me,
And I’ll be your safety, and you’ll be my lady.
I was made to keep your body warm,
And as cold as the wind blows, so hold me in your arms.”
Nakatingin lang sakin ng diretso si Avan.
“Alam mo Mich, ang swerte ng magiging boyfriend mo. Mas daig pa niya ang nanalo sa lotto. Mich, sana kasi ako na lang ang gusto mo. Aaminin ko, inaasar kita dahil gusto kita.” What the?!
“And my hearts against my chest,
Lips press to my neck;
I’m falling for your eyes, but they don’t know me yet,
And with this feelin’ I’ll forget, I’m in love now.”
“Ay, mali. Mahal pala, mahal kita Mich. At wala akong pake kahit di mo ko gusto. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita.”
Vote and comment! Xx :)
BINABASA MO ANG
Better than words (Tagalog love story Kathniel)
FanficHighschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang gusto mo maging. pero hindi nila sinasabi na dito mo rin malalaman kung ano ang meaning "love" "Action speaks louder than words."