“You make me smile please stay for a while now…”
-Colbie Cailat
Mich’s POV
Nakalipas na ang dalawang araw nang mangyari ang ginawa sakin ni Avan. Di pa rin ako makamoveon dahil dun. Aaminin ko, gwapo si Avan, pero di ko alam kung gusto ko siya. Naguguluhan na nga ako sa mga pinaggagawa niya eh. May topak ata yung lalaking yun. Pagkatapos nung incident nay un ay hindi niya ko masyadong pinapansin, medyo inaasar pa din niya ko, pero di na tulad ng dati. Ang gulo niyang lalaki eh. On the bright side, FRIDAY NA!! :D last subject naming ay Math at buti na lang absent yung teacher naming kaya free time!! Pumunta ako sa upuan ni Jade at nag-usap kami ng kung ano ano. Kwinento ko din yung nangyari sa mga nakalipas na araw. Pero sana di ko na lang sinabi kasi di ko ineexpect yung reaction niya.
“Bakit ka niya kinurot sa cheek?” sabi niya na parang gulat na gulat at gusting gusto niya malaman.
“Malay ko dun sa kanya.” Sabi ko na naiirita yung boses ko.
“Diba pag kinurot ka sa cheeks ibig sabihin nacucutean, o di kaya may gusto siya sayo!” sabi naman ni Jade na mukhang tuwang tuwa. Inirapan ko na lang siya. Bigla naman sumingit si Louis sa usapan namin. Si Louis ay parang class clown samin, kaibigan din siya nila Liam at ni Avan. Mabait naman tong si Louis eh, mapang-asar lang nga. Pero yung pang-aasar niya ay yung tipong matatawa ka din sa pang-aasar niya.
“MICH!!!” ang lakas naman ng boses nitong lalaking to! Nasa tabi ko na nga eh, kailangan pang sumigaw?!
“Bakit?” sabi ko tas tinitingnan ko lang siya na parang ewan. Napansin ko lang na parang lahat ng kaibigan ni Liam ay may mga topak.
“May scissors ka ba? Peram naman oh!” sabi niya habang kiniliti ako ni Louis sa bewang ko. Ngumiti naman ako at bigla akong tumayo sabay punta sa upuan ko. Nakita ko si Louis na sinusundan ako. Umupo ako at sabay bigay ko sa kanya ng gunting.
“THANKS! BALIK KO NA LANG SAYO MAMAYA!” sabi niya na sobrang lakas na halos lahat ng mga kaklase ko ay tumingin na samin. Nginitian ko na lang siya at umalis na siya. Inayos ko muna gamit ko bago ako bumalik kay Jade. May bigla naman umupo sa tabi ko, kala ko naman si Liam. Nung pagtingin ko ay si Avan pala.
“May kailangan ka?” sabi ko sa kanya na parang walang gana yung boses ko.
“Galit ka ba?” sabi niya sakin na parang sincere yung boses niya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya at mukhang concern na nag-aalala siya. Nag-shrug na lang ako habang inaayos ko pa rin yung bag ko.
“uy.” Sabi niya habang kiniliti ako sa bewang.
“Ano ba?!” sabi ko na naiinis. Tiningnan ko siya at nag-smirk siya sakin. Sabi na nga ba eh. Aasarin lang ako nitong sira ulong to.
“Ngingiti na yan” sabi niya na parang kausap niya isang batang maliit. Nakasmile siya habang sinasabi niya yun at ako naman si gaga, pinipigilan kong ngumiti. Kinuha ko uli yung bag ko at kunwari inaayos ko kahit maayos na maayos na talaga.
“Uy ngingiti na siya. Uy. Hala, hala ngumingiti na siya. Ngingiti na si Mich” sabi niya sabay tawa. Di ko naman napigilian at ngumiti din ako sa kanya. Tiningan ko siya habang natatawa.
“Oh diba? Nakangiti na siya oh.” Sabi niya sabay ngiti. Pinalo ko naman siya ng pabiro at dinilaan.
“Isip bat aka.” Sabi niya sabay kiliti uli sa side ng bewang ko. Pinalo ko uli siya sabay tayo.
“weh? Mas isip bata ka.” Sabi ko sabay papunta kay Jade. Naririnig ko pa rin tawa ni Avan. Ang lakas pala ng tawa nun. Tiningnan naman ako ni Jade na parang kinikilig.
“Ang cute niyong tingnan ni Avan!” sabi niya habang kinikilig. Luh?
“Ewan ko sayo. Yan napapala mo pag nood ka ng nood ng love stories” sabi ko sa kanya sabay tawa naman siya. Bigla naman nag bell at yes!! Uwian na! yey!! Sabay kami ni Jade na umuwi at nagpaalam na kami sa isa’t isa habang pumasok na ko sa bahay namin. Mga 3 blocks lang yung layo namin sa bahay ni Jade kaya minsan nandun ako sa kanila. Nakita ko si Mama na nagluluto at nginitian ako. Only child lang ako habang si Papa ay nasa London na nagtatrabaho bilang executive sa isang malaking kompanya dun. Umupo ako sa sala habang binigyan ako ni mama ng 2 slice ng pizza. Yes! Kanina pa ko nagcacrave sa pizza eh.
“Ay oo nga pala ‘nak kilala mo naman si Sophia diba?” si Tita Sophia ay ang childhood bestfriend ni mama. Di ko siya masyadong nakikita pero alam kong close na close ni mama si Tita Sophia.
“ah. Oo ma, bakit?” sabi ko sabay kagat sa pizza.
“Birthday niya kasi bukas kaya pupunta tayo sa bahay nila! Wag kang mag-alala may anak yun. Kaya sure akong di ka OP! baka mamaya magkagustuhan pa kayo sa isa’t isa.” Sabi ni mama na mukhang tuwang tuwa. Luh?
“si mama naman eh! Sige na nga po” sabi ko sabay smile.
“YES! Sige mga 5pm tayo pupunta dun bukas ah? Magsuot ka ng dress!”
“okay” sabi ko sabay kagat sa pizza.
Hmm, sino kaya anak ni Tita Sophia?
The next day…
4:30PM nanun suot ko ay isang pink lace na dress na bumabagsak hanggang sa taas ng tuhod ko. Nagsuot din ako ng pink heels, at kinulot ko buhok ko. Nag makeup din ako. Naglagay ako ng blush on, mascara at lipstick. Ayoko ng eyeliner eh. Bumaba na ko at nagdrive na si mama papunta sa bahay ni Tita Sophia. Mansion pala bahay ni Tita eh! Pinapasok kami nung guard na nakabantay sa labas ng gate at pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Pagpasok na pagpasok naming ni mama ay agad kong napansin ang malaking chandelier na nakasabit sa taas. Ang ganda naman dito! Para kang prinsesa kapag tumira ko doon! umupo muna kami ni mama at maya maya ay dumating na si tita Sophia. Sabay kami tumayo ni mama at niyakap naman ni mama si Tita Sophia. Niyakap ko din si Tita Sophia sabay bati ko sa kanya ng Happy birthday.
“Nako! Ang bait naming bata ito. Thank you Mich! Oh tara, dun tayo sa garden at dun nakahanda ang mga pagkain!” sabi ni tita Sophia na mukhang tuwang tuwa. Sinundan namin ni mama si Tita Sophia at nakarating kami sa garden. Ang ganda dun. Para siyang backyard at may katabi pang infinity pool! Sa right side ay ang infinity pool habang nasa left side naman ang parang dining set sa garden. Sa gitna naman, ay parang may bridge na maliit na patungo sa isa pa atang garden na madaming mga bulaklak at mga halaman. Mukhang mahilig si Tita sa mga bulaklak. Umupo na kami sa garden set na may nakahanda nang mga pagkain. Sa harapan ko ay sina Tita Sophia at si mama. So medyo, loner ako dito.
“Ay mich! Intayin mo lang yung anak ko ah? Naliligo pa eh. Mabagal pa naman nun maligo.” Sabi ni tita Sophia na parang naiirita. Nginitian ko na lang siya at kumuha ako ng spaghetti at nang mash potato. Kumuha na din si tita Sophia ng steak, mash potatoes, at salad. Habang si mama naman ay kumuha ng salad at nang tempura.
“Oh andyan na pala ang anak ko!” sabi ni tita Sophia. Tumalikod ako at nagulat ako sa nakita ko. What the?!?
3 votes at 2 comments for the next chapter po :) thank you po sa mga nagbabasa Xx
BINABASA MO ANG
Better than words (Tagalog love story Kathniel)
FanfictionHighschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang gusto mo maging. pero hindi nila sinasabi na dito mo rin malalaman kung ano ang meaning "love" "Action speaks louder than words."