Chapter fourteen (Ako na lang part2)
“Sometimes I try to hide what I feel inside.”
-David Archuleta
Mich’s POV
Naglakad kami ni Diana sa hallway pero di kami nag uusap. Meyo awkward nga eh.
“Ano na Diana?” sabi ko at napatigil kami sa paglalakad.
“Yun nga, Mich. May gusto k aba kay Liam?” ang straight to the point naman to magtanong!
“Wala.” Parang nagulat si Diana sa sinabi ko. Eh, totoo naman eh! Hanggang kaibigan lang talaga si Liam para sakin.
“Diana, ni minsan di ko naisip na magkagusto kay Liam. Kaya, kung ano man ang sinabi ni Avan sayo, wag mo na lang pansinin. Okay?” nag smile ako sa kanya at umalis na. baka madami pa kasing sabihin at mas lalong lumalala yung sitwasyon eh.
NEXT DAY
Avan’s POV
Pumasok na ko sa classroom at nakita ko si Mich na nag-iisa. Ngayon na yung chance ko para sabihin ko sa kanya na gusto ko siya makadate sa prom. Nilapitan ko siya at tumingin siya sakin.
“Mich”
“Hmm?” sabi niya nang mahinahon. Ang ganda niya. Kahit medyo magulo yung buhok niya, sobrang ganda niya. Di na niya kailangan ng makeup o mag-ayos, natural ang ganda niya. Sa totoo lang nga di ko alam kung bakit ang sama ko sa kanya dati eh. Ang bait bait niya, maganda siya sa labas at sa loob. Natulala ata ako dahil kumaway siya sa mukha ko at natawa siya. Ngumiti lang ako sa kanya. Ang ganda niya talaga.
“Tungkol sa prom” di ko alam kung bakit ba ko kinakabahan. Madami na akong naging syota, madami na din akong niyaya mag-date, pero iba si Mich eh. Yung tipong di mo kayang lokohin.
“Ano meron?” sabi niya na puno nang pagtataka. Sabihin mo na kasi AVAN!!
“er, yun nga, kung may date ka na sa prom?” kinamot ko yung batok ko, kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit!
Mich’s POV
Tinatanong ni Avan kung may date na ba ko sa prom. Nagulat naman ako sa tanong niya.
“Wala. Bakit?”
“Eh kasi—“
“Uy Mich!” sabay singit ni Liam sa usapan naming ni Avan. Nu ba yan!
“Bakit?” tiningnan ko si Avan, mukhang napipikon siya dahil sumingit si Liam samin.
“May prom date ka na ba?”
“Wala. Bakit?”
“Pwde bang—“
“Can you be my date to the senior prom?!” hala?!
Jade’s POV
Nakaupo ako habang nagrereview sa math test namin. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan gagamitin yung math sa totoong buhay. Pwde naman kasing addition, subtraction, multiplication, at division lang ang ituturo eh.bakit may mga planes, congruents, at mga letter pa na sinama?! Di naman accounting o engineering yung kukunin kong course eh. Nagulat ako ng may biglang sumigaw.
“Can you be my date to the senior prom?!” napatingin ako kay Avan. Nakaluhod siya kay Mich. Halos lahat ng kaklase ko nagsisigawan at “Say yes!!” at nag ayieeee! Aaminin ko, kinilig ako dun ah. Sana sagutin ni Mich.
Avan’s POV
Inunahan ko na si Liam. Wala akong pake kahit madami ang nakarinig o anong isipin nila. Gusto ko lang kasi malaman ni Mich yung totoo. Gusto ko siya, kailangan nyang malaman na inaasar ko lang siya dahil gusto ko siya. Nagpapansin ako sa kanya. Gusto ko na nga aminin sa kanya lahat ng nararamdaman ko sa kanya eh. Tiningnan ko lang siya sa mata. Gulat na gulat siya nung time na yun. Di naman kasi na palagi akong torpe diba?
“SAGUTIN MO NA! PAKIPOT KA PA EH” sigaw ni Louis at naghiyawan lahat ng mga kaklase ko.
Napangiti si Mich sakin. “Sige na nga” tas naghiyawan pa ng mas malakas lahat ng kaklase ko.
“Yes!” ang saya ng pakiramdam. Ngiting ngiti ako kasi daig ko pa yung nalato sa lotto. Tumayo na ko at dapat yayakapin ko na siya ng biglang dumating si Ma’am.
Ay, panira ng moment. Bwisit!
Mich’s POV
Hindi ko din alam kung bakit ko sinagot si Avan. Siguro dahil hindi ko alam kung pano ko siya tatangihan dahil andaming taong nakarinig? O siguro dahil nagkakagusto na ko sa isang taong kinaiinisan ko? Basta, ang alam ko lang ay kailangan ko ng maghanda para sa prom namin.
Jade’s POV
Hahha! Buti naman at nag yes si Mich!! Bagay na bagay sila.
Double updates :) vote and comment. next chapter ay aaminin na si Avan sa nararamdaman niya kay Mich at yun na din yung prom :) xx
BINABASA MO ANG
Better than words (Tagalog love story Kathniel)
FanficHighschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang gusto mo maging. pero hindi nila sinasabi na dito mo rin malalaman kung ano ang meaning "love" "Action speaks louder than words."