Chapter 22 (Why Try)

18.9K 233 64
                                    

"Pagod na pagod na ako. Pagod na sa kakakunwari na wala akong pake..."

Liam's POV

Pumunta ako kila Louis. Umupo ako sa harapan niya at nakita ko na kasabay niya si Claire.

"Kawawa naman si Mich." Bulong ko sa sarili ko. Pero mukhang narinig ni Louis yun.

"Alam mo naman si Avan... Medyo madaling magpalit ng mga babae..." napailing si Louis.

"Alam mo Liam, kung ako sayo ay gawin mo lahat para magustuhan ka ni Mich." Bulong sakin ni Louis. Tinaas ko yung isang kilay ko.

"Kala ko ba team Avan and Mich ka??" tumawa siya.

"Oo, pero naaawa ako kay Mich eh. Kaibigan ko si Avan pero mali yung ginagawa niya. Sana lamang sabihin niya kay Mich na ayaw na niya sa kanya o bumalik yung feelings niya kay Claire."

"May point ka."

"Listen, wala akong kinakampihan sa inyo ni Avan. Para sakin lamang ay gumawa ka din ng move kay Mich kasi ikaw ang masasaktan sa huli. Martyr ka din kasi eh. Parang tanga lang." inirapan ko si Louis. Tama din naman si Louis eh... Ang tanong; may pag asa ba ako kay Mich?

Mich's POV

Uwian na. Palabas na ko ng school ng may tumawag sakin.

"Mich!" lumingon ako at akala ko si Avan. Si Liam pala...

"Oh bakit?"

"Hatid na kita?" ang cute kasi nahihiya si Liam. Medyo nagblush pa nga eh. Ang cute lang tingnan.

"Sige." Ngumiti siya na parang batang nakakuha ng malaking teddy bear. Pumunta kami sa school parking lot at binuksan niya yung pintuan ng sasakyan niya. Sumakay ako sa passengers seat. Maya maya sumakay na din si Liam na nag seatbelt din kagad. Pinaandar na niya yung sasakyan at nag drive na siya.

"Marunong ka pala magdrive?"

"Oo... tinuruan ako ng Papa ko last year. Pag 18th birthday ko daw reregaluhan daw niya ko ng sasakyan." Ngumiti siya at napangiti ako.

"Asan ba papa mo?"

"Nasa Australia. Chef siya dun sa isang five star hotel."

"Ah."

"Ikaw? Ano gusto mo paglaki mo." Sabi niya sakin.

"Siguro maging isang chef? Hindi ko pa sure eh. Ikaw Liam?"

"Siguro maging isang magaling na writer? Haha, ang boring no? pero gusto ko yung parang magsusulat sa isang magazine. Editor in chief?"

"Uy hindi boring yun ah." Nginitian ko siya.

"Kung yun yung gusto mo, dapat gawin mo. Sundin mo."

"Kahit na nasasaktan ka na?" napatingin ako sa kanya. Kahit nasasaktan na ko susundin ko pa din ba?

"Oo, Liam. Kahit masakit kailangang tiisin para lang makuha natin yung gusto natin." Hindi na nagsalita si Liam. Nakarating na kami sa bahay ko at bumaba na ko.

"Salamat ah?" ngumiti siya.

"Ah Mich?"

"Bakit?"

"Pwede ba kita sunduin bukas?" ngumiti ako at tumango. Pumasok na ko sa bahay at pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako at humiga. Kinuha ko yung phone ko. Hindi nagtetext o tumatawag si Avan. Tumulo yung isang luha na agad ko namang pinunasan. Ugh, bakit ka ba ganyan Avan?? Biglang nag ring yung phone ko na agad ko namang sinagot.

"Hello?"

"Hi." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Si Avan tumawag. Napangiti ako dahil dito.

"Uhm..." awkward.

"Busy ka ba mamayang gabi??" napangiti uli ako.

"Hindi."

"Sige susunduin kita diyan mamaya ah? 7pm." YES

"Sige!" tumawa siya at binabaan na niya ako.

Dali dali akong pumunta sa closet para pumili ng susuotin ko. Naligo muna ako at tsaka nag bihis. Pink dress siya. Hanggang tuhod ko siya pero sleeveless. Nag suot ako ng bracelet at hikaw. Naka pink flats ako at kinuha ko yung pink kong purse. Hmmm, ikukulot o ipupusod? Kinuha ko na lang yung curling iron ko at kinulot ko na yung buhok ko. Tumingin ako sa orasan. 6:40 na. Dali dali akong bumaba. Wala si Mama ngayon kasi may pinuntahan sa Makati. Bukas pa yung uwi niya. Biglang may kumatok. Huminga muna ako ng malalim at binuksan yung pinto. Si Avan may dalang bouquet of roses at naka blazer siyang black at white yung panloob niya. Naka black pants and shoes niya. Okay hindi na ako magsisinungaling. Ang gwapo niya ah. Binigay niya sakin yung bouquet at nag thank you ako.

"Ah, iwan mo na lang kaya yung bouquet?" tumango ako at nilapag yun sa coffee table. Lumabas na kami sa bahay at sumakay na dun sa sasakyan niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang iniistart na niya yung engine sa sasakyan.

"Secret." Ngumiti siya sakin at nag drive na.

Mga 20 minutes siyang nag drive hanggang sa nakarating kami sa parang restaurant. Hindi siya yung normal na restaurant. Kailangang mo pala may reservation dun para makakain.

"Table for Mich and Avan." Sabi ni Avan

"Follow me sir." Sabi nung babae. Sinundan namin siya. Grabe yung mga kumakain dun. Mukhang mga sosyal. May malaking chandelier na nakasabit dun sa parang lobby nung restaurant.

"Here's your table sir. Please make yourself comfortable and wait for someone to take your orders. Enjoy the rest of the night." Umalis na yung babae at umupo kami dun sa booth. May menu ng nakalagay dun at tiningnan ko. Ang mamahal ng mga presyo. Nakalimutan ko pala na mayaman si Avan.

"Ano gusto mo Mich—-" napatigil si Avan sa pagsasalita.

"Avan?" lumingon ako at biglang kumulo yung dugo ko.

"Hi Claire." Ngumiti sakin si Claire. Tinaas ko lang yung kilay ko.

GALING GALING.


SONG FOR THIS CHAPTER IS "WHY TRY" BY ARIANA GRANDE. VOTE AND COMMENT! ANO YUNG OPINION NINYO KAY AVAN?? TAMA BA ANG GINAGAWA NIYA O HINDI? COMMENT Xxx

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon