Chapter 34 (Only one)

5.1K 81 44
                                    


"It's inevitable everything that's good comes to an end."

Mich's POV

No hindi pwede. Yung buhok, yung mata, yung boses...

Siya nga. Ang taong sobra kong minahal dati ay nandito ulit. Bakit ka pa bumalik? Masaya na ko eh, pero bakit? Bakit ka pa bumalik at bakit biglang bumalik ang sakit na nararamdaman ko dati nung mas pinili mo siya kaysa sa akin? Ba't kung kelan na ko naka move on, dun ka biglang papasok uli sa buhay ko? Bumalik ka ba para saktan uli ako o para humingi ng sorry dahil sa lahat ng ginawa mo sakin dati?

"Mich, siya si Avan. Siya yung new student." Sabi nung assistant at iniwan na niya kami sa loob ng principal's office. Wait, di ako makapagsalita. Nagtitigan lang kami.

"Uh, hi." Siya unang nagsalita at dun na lang ako naglakas ng loob para magsalita na din. Yung boses na yun... napaka familiar. Namiss ko yun... namiss ko lahat.

"Tara, i-tour na kita ah." Di ko na siya binigyan pa ng minute para makapag reply kasi bigla kong binuksan yung pinto at lumabas sa office.

"So saan mo gusto magsimula?" Tanong ko sa kanya habang hinawi ko yung bangs ko. Ngumiti siya sakin at nag shrug lang ng shoulders.

"Saan ka ba madalas tumatambay? Dun na lang muna tayo magsimula." No please wag kang mag smile. Yan yung isa sa mga rason kung bakit ako nahulog sayo.

"Okay." Timid na sagot ko at sabay punta dun sa field ng school namin. Halos walang tao dito dahil yung mga iba nasa cafeteria o may mga klase. Onti lang ang mga nandon kaya naman umupo ako malapit sa may puno. Umupo din si Avan at tumingin siya sakin habang diretso lang yung tingin ko sa dalawang lalaki na naglalaro ng soccer.

"So dito ko madalas tumambay pag free period?" Tumango ako at ngumiti siya.

"Di ka pa din nagbabago." Napatingin ako sa kanya at na curious sa sinabi niya.

"Huh?" tumawa siya.

"In a good way, Mich. Diba dati ang hilig mo pumunta sa mga park at umupo sa ilalim ng mga puno? Sabi mo narerelax ka. Naalala mo yung mga time na dinadala kita sa mga park at nagpipicnic tayo sa ilalim ng puno? Tapos after nun, kukunin ko yung gitara tas kakanta tayo ng mga corny love songs." Stop please. Masyadong masakit. Wag mo nang ibalik yung mga memories na yun. Napailing siya ng onti pero nakangiti pa din.

"Okay aaminin ko medyo namiss ko yun. Si Claire kasi ayaw niya ng mga ganung bagay eh."

"Avan..." stop na please. Biglang nagf'flashback lahat eh. Pati yung sakit na nararamdaman ko. Tumingin siya sakin.

"Mich di mo ba naiisip kung---"

"Mich!" Naputol siya sa salita dahil papunta si Liam saamin. Halatang galit siya at nagseselos.

"Liam." Bati ni Avan sabay tayo. Parehas silang magkaharap sa isa't isa.

"Hey." Tango ni Liam sabay upo sa tabi ko.

"Uhm... ako kasi yung mag-t'tour sa kanya." Biglang humigpit yung kamao ni Liam pero nag fake smile siya kay Avan.

"Talaga?" may halong inis sa boses niya kaya naman hinawakan ko yung kamay niya at medyo nag relax siya ng onti.

Nakita ko yung reaction ni Avan kaya naman ay binitawan ko na yung kamay ni Liam.

"Next time mo na lang ako i-tour." Sabi ni Avan sabay alis. Tatayo na sana ako para pigilan siya pero hinawakan ni Liam yung kamay ko. Tumingin ako sa kanya at hinalikan niya yung forehead ko.

"Sorry ah? Sa kanina. Di ko alam kung bakit ako nainis eh." Nag pout siya at tumawa naman ako. Matitiis ko ba to pag mukha siyang aso pag nag-p'pout?

"Oo na." nag clap siya at niyakap ako sabay tawa.

LOUIS' POV

"You're the one I want to want me.

And if you want me oh you got me."

I was singing at the top of my lungs ng may biglang kumalabit sakin. Oh si Avan pala

"What?" feel na feel ko na yung kanta eh.

"Bakit parang nasasaktan pa rin ako? Bakit parang ang hirap na ang sakit? Ako yung bumitaw pero bakit parang ako pa yung mas nasasaktan?" Woah okay di ko ineexpect na magdadrama siya sakin.

"Uhm dahil mahal mo pa siya?" Sabi ko ng patanong. Bigla naman siyang umiling.

"Hindi pare. Mahal ko si Claire."

"Avan kung mahal mo talaga si Claire, di sana di ka na affected kay Mich. Ganito lang yan ah. Kasi kung di mo na siya mahal, bakit mo tinatanong kung sila na ba ni Liam? Bakit ka nagdadrama sakin tungkol kay Mich? Bakit parang nagseselos ka sa kanilang dalawa? Kung di mo na siya mahal, dapat di ka na affected sa kanya. Gets?" I said at napatulala siya sakin. Ha, genius ako.

"Louis..." sabi niya at tiningnan ko siya.

"Yep?" Huminga muna siya ng malalim bago niya sabihin ang mga salita na alam kong ikakagulo ng relasyon nila Liam at ni Mich.

"Mahal ko pa din siya..."

------

Halaaaaaaaaa... so sino na? Team Avan o Team Liam?Btw feel free to ask me questions okay? Katulad ng fav food, fav movie, firstlove... etc HAHAHA pero yeah feel free to ask me questions J


Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon