Chapter 40 (Fool For You)

3K 41 22
                                    


"Cause I'm a fool for you and the things you do."

Liam's POV

Bakit ganun? Ginawa ko ang lahat lahat para sa kanya, pero bakit hindi pa din sapat? Sinubukan kong tawagan si Louis pero di siya sumasagot.

Hindi ko deserve yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Mabuti naman akong tao ah? Pero bakit ganun? Bakit ba hindi niya kong mahalin katulad ng pagmamahal na binibigay niya kay Avan? At bakit gusto ko mag sorry kay Mich dahil nasaktan ko siya? Am I wrong for saying the things that I wanted to say for a long time? Hindi ko naman naiisip na ganto pala kasakit pag nagmahal ka ng buo buo. Yung tipong pati kaluluwa mo binigay mo na sa kanya. Pero dapat pala magtira ka din para sa sarili mo. Para pag iniwan ka nila, hindi ka sobrang masasaktan.

El's POV

"And we're done!!" sigaw ni Louis kaya pinindot nung librarian yung bell.

"Sorry" sabi ng mahina ni Louis at tumawa ako. Tiningnan ko yung oras at 7:30 na pala.

"Uy thank you ah? And sorry kasi nagsisimula na siguro yung party sa bahay mo at wala ka. Malalate ka pa." sabi ko sa kanya habang sinarado yung laptop at pinasok sa backpack ko.

"Sus, okay lang yun. so, pwede ka na ba pumunta sa party ko or?" sabi niya na parang nagmamakaawa sa mommy nilang pumyag na bilhin yung favourite candy nila.

"Yep." Sabi ko at ngumiti siya.

"So tara?" yaya niya sakin at tumayo ako.

Sabay kami lumabas sa library at nagtungo sa kotse niya.

"Seatbelt El." Remind sakin ni Louis habang iniistart yung engine nung sasakyan. Tumango ako at nagseatbelt

"10 minute drive lang to. So wag ka mainip ah?" sabi niya habang nagd'drive.

"Ba't naman ako maiinip? Sa totoo nga, nageenjoy ako pag kasama kita eh." Pag amin ko sa kanya kaya naman napatingin siya sakin na para bang gulat na gulat

"Talaga??" mukhang di siya makapaniwala kaya naman natawa na lang ako.

"Eyes on the road, huy" sabi ko kaya naman binalik niya yung tingin niya sa kalsada. Nakita ko din yung ngiti na pilit niyang pinipigil.

"Okay we're here!" sabi niya habang pinapark sa side ng kalsada yung kotse niya. Grabe sobrang daming tao pati sa labas may mga nagsasayawan at nag iinuman. Tiningnan ko si Louis na nakafocus sa tingin sa isang lalaki na tila bang pinuputol yung mga roses na nakatanim sa garden nila.

"My mom is gonna kill me." sabi niya kaya naman natawa na lang ako.

Bumaba kami na kami sa kotse at binatukan ni Louis yung lalaking pinuputol yung mga roses.

"Off limits yan" sabi niya kaya naman tumango na lang yung lalaki bago umupo sa grass.

"Damn, lasing na sila." Sabi niya sabay hila sa kamay ko papasok sa bahay nila.

Louis' POV

Okay, I tried my best para maging isang gentleman kay El pero pano ko yun gagawin kung halos lahat ng tao dito sa bahay ko nagwawala? May mga iba umakyat sa dining table namin at sumayaw habang yung iba naman naisipang magbato ng mga pagkain sa kitchen.

"I'm so dead" sabi ko sa sarili ko.

"Heads up!!" warn sakin ng isang varisity player pero bigla na lang ako natamaan ng isang soccer ball kaya napaupo ako sa sahig.

"Sorry!" mabilis niya saking sinabi habang kinuha yung bola at pumunta sa garden namin.

"Okay ka lang?" nakita ko si El na tinutulungan akong itayo

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon