"All you had to do was stay."
Mich's POV
"Hi Mich."
"Ba't ka nandito?" Tanong ko kay Liam nan aka red checkered shirt at black pants. Umupo siya dun sa isa pang swing sa tabi ko.
"Uh..." kinamot niya yung batok niya bago siya magsalita.
"Mich, kasi ano... si Avan." Tiningnan niya ko at bigla akong nagpanic.
"Bakit ano nangyari?!" tumayo ako.
"Mich upo ka. Walang nangyaring masama kay Avan."
Umupo ako.
"Eh ano meron? Wag mong sabihin hindi siya makakapunta?!"
"Mich kasi... may gustong ibigay sayo si Avan." May inabot siya saking papel.
"Ano to?"
"Basahin mo, Mich." Dahil nacurious ako ay binasa ko. Handwriting yun ni Avan.
Hey, Mich. Uhm una sa lahat hindi ko alam kung pano ko to sisimulan. Mich wag mong isipin na may mali sayo. Lahat sayo sobrang okay. Maganda, tahimik, simple, mabait, at maalaga. Mich, sobrang swerte ng magiging bf mo. Mich, siguro kilala mo si Claire? Ahm, Mich siya yung ex ko. Mich, si Claire ang first love ko. Diba nga sabi nila 'first love never dies.'? Nung una, hindi ako naniniwala dun... pero ngayon? Naniniwala na ko. Mich, mahal ko pa din si Claire ngayon. Pero hindi ibig sabihin na hindi kita minahal. Mich, sana malaman mo na minahal talaga kita. Mahal kita, pero mas mahal ko si Claire. I'm sorry, pero kung ano man meron tayo, ayoko na. Pasensya na. Sorry talaga. Andyan naman si Liam eh. Siya na bahala muna sayo, ah? Siguro ten years from now, magkikita uli tayo sa isang maliit na coffee shop. Parehas uli tayong single... tas pwede uli natin subukan.. bigyan pa natin ng isang pagkakataon na maging tayo. I'm sorry.
-Avan Xxx
P.S.
Pakisabi kay Liam na salamat. At sorry uli, Mich.
Hindi ko namalayan yung mga luha na tumutulo. Wala akong pake sa mga tumitingin sakin.
"Shh... andito lang ako. Shhh. Okay lang yan." Sabi ni Liam habang nakayap ako sa kanya. Wala akong pake sa sitwasyon. Ang alam ko lang ay pinaasa at niloko ako ni Avan.
Claire's POV
"Hi."
"What are you doing here?" tanong ko kay Avan. Theres a part of me na natutuwa and may isang part na nagtataka.
"Claire, tama ka."
"Huh?"
"Claire... pano kung gusto ko pa uli ng isang pagkakataon? Pano kung—-"
"Mahal mo pa ko?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at niyakap ko siya.
"But long distance—-"
"Kaya ko. Sabi ni mama na pagkatapos kong maghigh school ay papadala daw niya ko sa daddy ko. Nasa Canada na nagwowork kaya pwede daw ako dun tumira at mag aral ng college." Nagsmile ako sa kanya.
"Pano si Mich?" hindi ko maiwasan na hindi ma guilty.
"Si Liam na bahala" ngumiti siya sakin at niyakap ko uli siya.
"Wag mo na uli ako iiwan please."
"Hindi na Claire. Mahal kita."
"I love you too, Avan. Always have and always will."
"Baduy" bulong niya sa sarili niya at binatukan ko siya.
"Sakit nun ah." Dinilaan ko lang siya
"I love you, Claire." Niyakap niya ko.
————————
MONDAY.
Mich's POV
BRINGGGG BRINGGG BRINGGGG
Pinatay ko na yung alarm clock ko at naligo at nagbihis. Bumaba na ko at bigla akong sinalubong ni mama.
Niyakap ko siya.
"Nak, okay ka lang?" nakita ko yung pag aalala niya. Hindi ako okay.
"Opo ma." Nag fake smile ako.
"Naku, namiss kita! Eto pinaghanda kita ng breakfast. Kain na."
"Ugh, di po kakain."
"Pero papasok ka. Baka magutom ka."
"Ma, dun na lang po ako sa school kakain. Sige, baka malate po ako." Lumabas na ko at nag jeep papuntang school. Pumasok na ko at una kong nakita ay si Avan. Napatingin din siya sakin. Pinipigil ko yung luha ko at pumunta na ko dun sa upuan ko. Malas nga lang kasi nasa harapan ko yung upuan ni Avan. Asan ba sila Jade?
"MICH!!" Sigaw ni Louis. Nag fake smile ako sa kanya at kinuha ko yung World History book. Kunwari nagbabasa ako pero sa totoo lang iniiwasan kong tumingin kay Avan.
May umupo sa tabi ko.
"Mich?" nakita ko na si Louis. Naging concern at serious yung mood niya bigla.
"Bakit?" medyo naging raspy yung boses ko dahil sa umiyak ako kagabi. Simula nung nabasa ko yung sulat ni Avan, gabi gabi ako umiiyak.
"Mich..."
"Okay lang ako."
"Hindi ka okay." Oo alam ko na hindi ako okay pero kailangan kong maging okay para hindi ako umiyak.
"Louis naman..."
"Kung okay ka ba't ka nagbabasa ng World History eh first subjet natin P.E.?" kulit neto. Napalingon si Avan samin. Nakikinig ba siya??
"May quiz tayo dito diba?"
"Oo."
"Eh ano masama na magbasa kasi may quiz tayo dito?" tiningnan ako ni Louis na parang sira ulo.
"Mich, baliktad yung libro!" napatingin ako sa libro na nasa desk ko. Badtrip, baliktad nga. Sinara ko nay un at lumabas kagad sa classroom. Naglalakad ako papuntang c.r. ng may humawak sa braso ko. Napalingon ako at nagulat.
"Mich." Si Louis...
"Bakit?" wag kang iiyak... wag kang iiyak...
"Mich, usap tayo." Natawa ako sa sinabi ni Louis hanggang sa tumulo yung mga luha ko.
"Bipolar ka ba?"
"huh?..."
"Louis masaya ka kanina tas ngayon malungkot ka na naging seryoso. May tama ka ba?"
"Uhm... oo?" natawa na lang ako at pinunasan ko na yung mga luha ko.
"Mich alam kong—-"
"Masakit? Haha, eh alam mo naman pala eh. Louis, please. Wala ako sa mood para makipagbiruan sayo." Asan na ba si Jade? Mukhang nasaktan ko si Louis.
"Eh hindi naman kita sinundan para makipagbiruan sayo eh. Mich, mahal mo si Avan. Ba't hindi mo ipaglaban?"
"Louis, hindi pwede. Diba kapag mahal mo yung tao—-"
"Papakawalan mo? Tanga! Kung mahal mo yung tao, ipaglaban mo. Diba sinabi na ni Liam yan sayo." Asan na ba din yun?
"Eh pano kung... ayaw na niya talaga?" sinabi ko sa mahinang tono.
"Edi ayaw na niya. The point is, ginawa mo lahat lahat para lang bumalik si Avan sayo. Kung ayaw niya, edi ayaw. Mahirap pilitin ang taong ayaw naman talaga. Pero mas mahirap kung papalagpasin mo yung chance na subukan mo uli na mahalin ka ni Avan." May point siya.
"Try mo Mich. Habang may oras pa." bigla na lang umalis si Louis. Alam kong tama si Louis, pero ipaglalaban ko ba yung nararamdaman ko para kay Avan?
.
.
.
.
.
Oo... ipaglalaban ko hanggang sa kaya ko.
Vote and Comment! Xxx
BINABASA MO ANG
Better than words (Tagalog love story Kathniel)
FanfictionHighschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang gusto mo maging. pero hindi nila sinasabi na dito mo rin malalaman kung ano ang meaning "love" "Action speaks louder than words."