Chapter 21 (Just a little bit of your heart)

21K 284 149
                                    

“I care. Even if I don’t want to. I will always care.”

Mich’s POV

Biglang tumawa si Liam pero halatang fake.

“Eh hindi mo ko mahal eh.” Bigla akong na guilty kasi yung Itsura ni Liam nung sinabi niya yun. Parang bata na nagmamakaawa. Nagmamakaawang mahalin? Nagmamakaawang magpaliwanag? Nagmamakaawang na bigyan siya ng chance?

“Hindi kaya ng puso ko eh. Gustong gusto ko na ikaw na lang. Dapat ikaw na lang. Eh tanga yung puso ko eh. Tatanga tanga. Bakit ba kasi tayo nagmamahal sa isang taong hindi naman tayo mahal? At bakit hindi natin kayang mahalin yung mga taong nagmamahal satin?” Wala na. Nag emote na ko kay Liam.

Matagal tagal bago naka sagot si Liam.

“Mich, mahal ka ni Avan.”

“Eh bakit parang---“ ngumiti sakin si Liam.

“Mich, nagmamahal tayo para masaktan. Kailangang natin masaktan para malaman natin kung ano yung tama at mali. Kailangang natin maramdaman yun para malaman natin kung mahal ba talaga natin yung taong yun. nakakatawa nga eh. Sinasaktan ko yung sarili kong mahalin ka. At araw araw tinatanong ko kung bakit ba ko nasasaktan kapag nakikita kong kasama mo si Avan. Ngayon alam ko na. Mahal kita eh.” Napapatulala ako sa mga sinasabi ni Liam.

“Sabi nila; kung mahal mo talaga ang tao, pakawalan mo. Pero para sakin? Kung mahal mo talaga siya, ipaglaban mo. Dapat gawin mo ang lahat lahat para lang maging kayo. Kung may karelasyon, edi maghintay. Wala na akong pake kung sinasabi nila sakin na martyr ako sa kahihintay sayo. So di ko pakakawalan ang taong mahal ko.” Tumingin siya sakin at nagsmile.

“Kaya sorry, mahal kita eh.”

Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Lahat ng mga pinagsasabi ni Liam ay yun yung mga gusto kong marinig. Bigla siyang tumayo at nginitian uli ako.

“Ah, hinahanap kasi ako nila Louis ngayon…” napakamot siya sa ulo niya at ngumiti ako.

“Dali na punta ka na.” ngumiti siya at tumango.

“Mich, lagi akong nandito para sayo. Maghihintay ako Mich.” At bigla na lang siya umalis.

Sinasabi ng isip ko na “try mo namang bigyan ng chance si Liam!” eh ang sinasabi ng puso ko? “Sabi ni Liam, mahal ka ni Avan. Pagkatiwalaan mo si Avan! Mahal ka niya talaga, Mich.”

Ugh, sino ba talaga ang pipiliin ko?

Short chapter, pero hey! Atleast nakapag update diba? So sino ba dapat pipiliin ni Mich? Liam o Avan? Comment na!! Xxx

ewan ko ba pero dito ko binuhos yung damdami ko eh. Medyo Broken. haha 

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon