Chapter 12 (Confession)

90.8K 731 82
                                    

“Love betrayes us”

-Snow White and the Huntsman

Mich’s POV

Umupo ako sa upuan ko at nilagay ko yung dalawa kong kamay sa ulo ko. I hate Avan. Hindi ko alam kung bakit niya kailangan gawin yun; hindi ba niya alam na sinisira niya yung relasyon nina Liam at Diana at ang pagkakaibigan naming ni Diana?! Inalis ko yung dalawa kong kamay sa ulo ko dahil may narinig akong pumasok sa classroom. Si Louis pala. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sakin diretso. Feeling close ang peg!

“Mich” mukhang concern naman to.

“Bakit?!”

“G-Gusto ko lang mag-sorry.” Napakamot siya sa ulo niya.

“Huh?! Alam mo Louis para kang sira! Wala ka namang ginawang masama eh.”

“Nagsosorry ako para kay Avan. Alam---“

“Wow. Buti ka pa marunong. Thanks but no thanks. Sabihin mo sa kaibigan mo, na siya dapat mag-sorry sakin at dapat bawiin niya lahat ng sinabi niya kay Diana! Wala kaming ginagawang masama ni Liam. The heck! Dapat di ko na lang siya naging-“ tinakpan ni Louis yung bibig ko gamit yung kamay niya at bigla niya itong inalis. Inirapan ko na lang.

“Ang manhid mo!!!” nagulat ako kasi biglang sumigaw si Louis na parang bata. Isip bata kasi eh.

“huh?!”

“Gusto ka ni Avan okay?! Nagseselos siya pag kausap mo si Liam! Tanga!” mukhang napipikon sakin si Louis, wait, gusto ako ni Avan?!

“Anong pinagsasabi mo?! Ayaw-“

“Ano?! Ayaw niyo sa isa’t isa?! Kapag inaasar ka ng isang lalaki tapos bigla siyang magiging sweet sayo, gusto ka nun!!” biglang tumayo naman si Louis at umalis sa classroom. Gusto ako ni Avan?!? O.o

Avan’s POV

Sakit ng sampal sakin ni Mich. The heck?! Nakita ko si Diana na umalis sa canteen at iniwan si Liam mag-isa. Tumayo ako at umupo sa harapan ni Liam. Nag smirk ako sa kanya at tiningnan niya ko ng sobrang sama.

“Ano sinabi mo kay Diana?!” mukhang sasabog na to. Tumawa ako at mas lalo ata siyang nagalit sakin.

“Ako? Sinabi ko yung totoo. Na gusto mo si Mich at pumunta si Mich sa bahay niyo nung Saturday.”

“Eh gaga ka pala eh! Birthday ni mama nun! Kaibigan ni mama yung mama ni Mich kaya inimbita niya yung mama ni Mich! Badtrip ka Avan!” tumayo si Liam at nagdabog bago umalis.

Napa pokerfaced ako sa narinig ko. Oo nga pala, birthday nung mama ni Liam nung Sabado. Pero hindi ko pa rin babawiin yung mga sinabi k okay Diana kasi alam kong totoo na may feelings na si Liam kay Mich.

Mich’s POV

Lumabas muna ako sa classroom since may thirty minutes pa bago magbell. Nakita ko si Liam na naglalakad sa hallway na mukhang galit nag alit. Pinuntahan ko siya at tumingin sakin.

“Okay ka lang?”

“Mukha ba kong okay?!’ ngayon lang ako nasigawan ni Liam. Nagulat ako pero naging soft yung expression ni Liam sakin.

“S-sorry si Avan kasi eh. Gusto tuloy makipagbreak sakin ni Diana.” Nagulat ako sa sinabi ni Liam.

“Liam. Sorry! Kasalan ko kung-“

“Huh? Hindi ah. Lahat naman ng sinabi ni Avan totoo eh. Mich?” tumingin siya sakin ng diretso.

“Oh?” kinakabahan ako.

“Gusto kita.” The heck?!?

“Ha?!” napasigaw ako  at madaming tumingin samin pero wala akong pake. What the?!?

“Liam? Okay-“

“Totoo yung mga pinagsasabi ko. Gusto kita.” Sabi ni Liam na mukhang desperado

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon