Chapter 5 (Blush/Anong number mo?)

130K 767 72
                                    

Mich’s POV

Kung bakit si Avan pa yung nakita ko dito sa classroom. Sa dinami daming lalaki na kaklase ko, bakit si Avan pa? kinabahan ako at the same time puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil baka laitin at asarin nanaman ako nito. At galit dahil sa ginawa niya sakin kanina at sa mga nakakalipas na araw.

Inalis ko na lang yung tingin ko sa kanya at kunwari nagbabasa ako.

“M-Mich?” sabi ni Avan na parang ninenerbyos na ewan. Di ko naman Makita yung itsura niya dahil kunwari nagbabasa ako ng libro pero sa totoo lang ay pinaplano ko na kung pano ko papatayin si Avan gamit ‘tong libro.

“hmm?” sabi ko ng mahinang boses.

“Galit ka?” sabi niya. Ay hindi kuya?! Hindi!! Ako magagalit sayo?! Wahaha! Badtrip ka, sana mahulog ka sa bintana mamaya.

Hindi na lang ako kumibo at kunwari di ko siya naririnig. Naramdaman ko na lumuhod siya. Ano nanaman ginagawa nitong lalaking to?!
“Uy, sorry ah? Kung galit ka sakin. Sorry talaga.” Nagulat ako sa sinabi niya. Mukha naming sincere yung boses niya. Tumango na lang ako sa kanya pero nakatingin pa rin ako sa libro. Ayoko siyang tingnan. Baka mapatay ko lang eh. Tumayo na siya at nung akala kong iiwan na niya ko, ay may ginawa siyang sobrang unexpected. Kinurot niya yung cheeks ko at dahil dun, napatingin ako sa kanya.  Yung mukha niya parang nag smile siya sakin, pero hindi smirk at hindi din pang-asar. Parang genuine smile niya yun. Naramdaman ko din naman na uminit yung cheeks ko. Oh no! wag mong sabihin na nagblush ako?! :O

“Sorry ulit ah?” sabi ni Avan na nagsmile at umalis na sa classroom. What the, hindi ko, I just…….. Anong nangyari?!? :O

Jade’s POV

Uwian na nun. As usal, kasama ko si Mich. Pero parang wala siya sa sarili niya?

“Uy Mich! Okay ka lang?” tanong ko sa kanya na para talagang wala sa sarili.

“H-huh? Ah-ah oo n-naman. B-bakit?” bakit kaya siya nag stustutter? Hmmm, maya maya nakita ko si Liam, Diana at James na papunta samin. Oh wait, James? Nakita ko si Diana na niyakap si Mich at si Liam na nginitian ako at may sinaabi kay Mich. Si James naman naakatingin sakin. What the—

“Ugh. Jade?” Tanong ni James.
“Oh?”

“Ano cellphone number mo?” sabi ni James saabay kuha ng ballpen. Nagulat ako dahit dito at feeling ko nagblush ako. Shit, Jade! Wag kang magpahalata!

“Ah. 092-“

“Wiat nawawalan ng tinta.” Sabi ni James na parang natataranta. Kumuha siya ng marker at sabi. “Game, 092?”

Natawa ako dahil sa mga pinaggagawa niya. “Permanent marker yan ah. Asan phone mo?” tanong ko sa kanya habang natatawa.

“Lowbat eh. Okay lang kahit permanent. Para hindi agad mabura.” Sabi niya na may kasamang smile. Natawa na lang ako sa kanya at sinabi ko ang buong cellphone number ko.

“Sige. Text na lang kita mamaya ah?” sabi niya habang umalis na siya kasama sila Liam. Er, medyo Jade xD yes, kinikilig ako dahil kinuha niya yung cellphone number ko. Medyo KV <3

Mich’s POV

Umuwi na ko at pumunta kagad sa kwarto ko. Kumuha ako ng t-shirt at short at pinalitan ko na yung suot ko. Pagkatapos kong magpalit ay humiga ako habang kinuha ko yung remote para manood ng t.v. Wala naman magandang palabas kaya pinatay ko na at kinuha ko na lang yung bag ko para simulant na yung homework sa English. Pero hindi pa rin ako maka-concentrate dahil sa nangyari kanina. Simula sa pang-aasar ni Avan hanggang sa pagkurot niya sa cheeks ko. Ewan ko ba kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Kinikilig ba ko? Hindi ah! Weh Jade?

“Tumahimik ka nga!” sinabi ko sa sarili ko. What the?! Nababaliw na ata ako eh. -_- kinakausap yung sarili. Mukhang ewan lang… tsk, bakit ba hindi maalis sa utak ko si Avan?? Ayoko na talaga. Since wala na kong magawa, ay inisipan ko na lang na matulog. Oo nagugutom ako, pero parang wala akong gana. Tsk, ang gulo L hayaan ko na nga lang nga. Hindi na lang ako magpapaapekto kay Avan… hindi na kaya niya akong guguluhin?

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon