Welcome To Underworld Society

424 27 6
                                    

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter twelve
⇉ underworld society arc

N A H A T  A D E L A I D E I N

Kinaumagahan, hindi ko pa rin ramdam ang sarili ko. Literal talaga na kahit natulog na ako't lahat ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang nangyari kagabi.

Iska Lior, huh?

Never ko nakita ang mukha ng taong 'yan, kung may time siguro ay itatanong ko sa Suzerain para makita ko.

Bumangon ako sa kama at nag-unat. Hindi ako puwedeng malibang ngayon. Ito na ang araw na aalis kami patungong UnderWorld Society. Kailangang prepared ako sa lahat.

Pagkatapos kong mag-unat, kinuha ko ang may katamtamang itim na backpack na nakalagay sa cabinet ng kwarto ko. Cabinet na punong-puno ng backpack.

Nilabas ko ang kakailanganin kong damit sa loob ng dalawang araw. Actually, for four days itong dala ko dahil baka mamaya makulangan ako. Kakaiba ang syudad na 'yon, walang mall sa lugar na 'yon kahit syudad. Walang shopping place roon kaya mas mabuting secured na lahat.

Pag naglagay ka kasi ng tindihan sa lugar na 'yon, paniguradong gulo ang bebenta sa 'yo hindi ang binibenta mo mismo. Well, gano'n ang U.S dati, hindi ko lang alam ngayon na lumipas na ang dalawang taon. Sana lang ay may character development na ang mga tao roon kahit konti lang.

Naglagay ako ng t-shirt, hoodies, pantulog at undergarments. Wala akong skincare kaya ang tanging nilagay ko lang ay contacts ko at solution nito. Nilagay ko rin sa loob ang dalawang jacket ko na black tsaka 'yong isa na white na Nike ang brand. Actually, same lang sila. Pinagkaiba lang ay kulay.

Pinasok ko rin sa bag ang isang pares ng slippers ko na plain white lang din para pag tinamad ako sa sapatos, edi tsenelas na lang habang nasa labas kami.

Mabilis lang ang process ng pag-prepare ko sa lahat ng mga dalhin ko. Hindi rin kalaunan ay naligo ako at nagbihis. Maaga pa ngayon, mabuti na nga lang at tapos na ang breakfast kasama ang mga tao sa palasyo. Wala ang Duchess at Duke ngayon dahil nasa labas sila ng bansa which is sobrang favorable sa alis namin dahil wala kaming magiging problema. Si Jewel naman ay may pasok kaya wala sa hapagkainan. Tatlo lang kami kanina, si Aizen, ang Suzerain at ako. So far, sobrang peaceful dahil walang mabunganga sa amin.

Tinanong lang ako ng Suzerain kung handa na ba ang lahat ng kakailanganin namin at sinagot ko lang ito na ayos na lahat. Gano'n din si Aizen, sinabi lang ng Suzerain na wala talagang problema sa kaniya tungkol sa card niyang nawawala kaya hindi kailangan ni Aizen pumunta sa UnderWorld Society para roon which is inaasahan ko naman talaga.

Akala ko nga ay hindi tutuloy si Aizen dahil sa sinabi ng Suzerain pero buo na talaga ang desisyon niya kaya natawa na lang ako at ang Suzerain.

Nagbiro pa ang Suzerain na nandito naman ako sa tabi ni Aizen kaya walang dapat ikabahala ang Suzerain sa safety ni Aizen. Kilala na rin ng Suzerain ang AG at kung may oras daw ang AG ay dumalaw naman sila sa palasyo. Well, muntikan na akong mabilaukan doon. Kitang-kita ko sa utak ko kung paanong reactions ang makikita ko sa mga mukha nila pag nalaman nilang iniimbitahan sila ng Suzerain.

Hahahahaha.

Wala rin dito sa tabi ko ang tatlo dahil si Terri at Elaine ay nandoon kay Aizen. Walang lady-in-waiting ang lalaki. Siguro ay meron ang iba pero si Aizen ay ang butler niya lang ang meron siya.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon