CHAPTER TWO

910 37 26
                                    

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

'·..➭  chapter two
⇉  who's who?

"Good evening, Your Highness." Bati ni Mr. Baltimoré kay Jass pagkatapos nilang dumating sa napag-usapan nilang restaurant para magkita at mag-usap patungkol sa katauhan ni Jass na hindi pa rin maalis sa utak ng dalaga.

Si Jass at Achexen ay parehas na dumating ng sobrang late. Halos thirty minutes nang naghihintay ang mga Baltimoré sa dalawa.

Of course, kung ibang tao lang itong nais makipagkita sa mga Baltimoré at pinaghintay sila ng ganito kahabang oras, paniguradong malamig na bangkay ang babalik sa kanilang tahanan pagnagkataon pero dahil si Jass at Achexen ito, may tiwala ang ulo ng GOH na darating sila kahit gaano man ito ka-late.

Hindi naman nabigo si Mr. Baltimoré dahil dumating ang dalawang tao na hinihintay nila.

Si Walter na nakaupo sa tabi ng kaniyang ama, sa left side si Mr. Baltimoré, napako ang mata ni Walter sa kamay ni Jass na may benda, gano'n din sa kamay ni Achexen na may nakikita pang dugo banda sa kaniyang palad na pinagtaka ng batang Baltimoré.

It's been three months simula nang nakita ni Walter si Jass sa personal pagkatapos dumaan ng new year.

At ang makitang may benda ang kamay ni Jass sa loob ng mag iisang taon nilang pagkakakilala sa isa't isa, ngayon lang ito nangyari.

Totoo, dahil simula no'ng mapadpad si Walter sa buhay ni Jass, tumigil ito sa pakikipag-away sa kung saan para sa kapakanan ni Walter dahil kung hindi, may posibiladad na si Walter ang balikan ng mga nakaka-away ni Jass.

"Pasensya na sa pagiging iresponsable sa oras, Tito. Nagkataon lang na may na-agrabyado kanina kaya kinausap ko lang ng maayos." Sa wakas ay sagot ni Jass sa bati ni Mr. Baltimoré kanina.

Ngumiti naman ang ulo ng GOH at inaya ang dalawa na umupo sa kanilang silya.

"Have a sit," Offer ni Mr. Baltimoré kaya umupo si Achexen at Jass gaya ng yaya ni Mr. Baltimoré.

Bale, ang ayos ng kanilang upo ay simple lang. Naka-upo silang apat sa bilog na mesa kung saan si Mr. Baltimoré ay nakaupo sa kanan ni Walter habang si LiXin ay nakatayo sa kaliwa ni Mr. Baltimoré.

Si Jass at Achexen naman ay magkatabi, kaharap ang mag-ama, may ilang upuan na pagitan sa kanilang lima.

Ang restaurant na kinauupuan nila ay pag mamay-ari ng company nila Blacksin, ang right hand man ni Jass sa Anonymous Gang at dahil importanteng tao ang nasa loob, bayad ang buong restaurant ni Mr. Baltimoré para iwas sa mga mata sa paligid nila.

"Thank you." Pasalamat ni Jass pagkatapos nilang umupo.

Bago pa man magsalita si Mr. Baltimoré, tumikhim si Walter ng mahina na siyang dahilan upang mapunta ang atensyon nilang lahat sa kaniya.

"What happened to your hands?" Seryosong tanong ni Walter na nagpataas sa kilay ni Achexen.

Ngumiti lang si Jass sa tanong ng kaniyang boyfriend. "Bakit? Gusto mo rin lagyan ng benda ang kamay mo?" Nakangiting biro na sagot ni Jass na kinatawa ni Mr. Baltimoré maging si LiXin.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon