The Sky Is Dark, The Rain Is About To Fall

583 29 5
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter thirteen
⇉ underworld society arc

N A H A T A D E L A I D E I N

Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako sa lalaki na tinawag ni JinLing na "kuya" habang si Achexen at ang dalawang Veroca ay nanonood lang sa nagaganap.

Sinuri ko ito mula ulo hanggang paa pero hindi naman maalala kung saan ko ba nakita ito. Ang lalaki ay tumawa ng sobrang normal sa reaction ni Jinling na akala mo ay nakakita ng multo.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng Co-Leader ko. Animo'y hindi makapaniwala na nandito ang panibagong tao sa harap niya.

"What's with that look, Blacksin? Hindi ako sinama ni Drake sa hukay. Mukha kang nakakita ng multo." Sabi nito kay Jinling.

Si Jinling na may gulat pa rin sa mukha, nagpakawala ito ng buntonghininga at ngumiti sa lalaki. Bumalik na rin sa normal ang vibes ni Jinling. Kalmado na ito ulit.

"I apologize for being so disrespectful, Kuya. It has been years since we last spoke. How are things going for you and the other guys?" Pangungumusta ni Jinling pabalik.

Ngumiti lang ang lalaki at sumagot tsaka ito lumingon sa gawi ko.

"Walang pinagbago, Blacksin. Kung saan kami pinulot ni Drake ay doon din kami bumalik," lumingon ito sa gawi ko at hindi na nakangiti. "Mukhang clueless pa rin talaga itong bagong ulo ng gang. Mabuti na lang at may ibubuga kundi baka huminlay na kasama ni Drake." Hindi ko mawari kung insulto ba ang sinasabi nito sa akin o sadyang ganito lang ang pananalita nito.

Dahil sa sinabi niya ay bigla na lang lumapit sa gawi ko si Elias at Rocaine. Si Elias ay wala man lang kahit maliit na ngiti sa labi niya. Blanko ang mukha nito at ano mang oras ay alam kong magkakasakitan sila ng lalaki.

Si Achexen ay hindi natibag. Seryoso lang itong nakatitig sa lalaki. Si Blacksin ay may ngiti pa rin sa labi pero hindi gaya kanina na may galak pa rito.

"At sino itong dalawang ito? Bagong member ng gang? Mababango, ah? Amoy salapi. Ibang-iba na ang member ngayon dahil mukhang pinaputukan lang sa gilid ay baka tumakbo pa na galit. Sino ba itong dalawa, Blacksin?" Hirit nito muli.

Ngumiti lang ako, walang intensyong gumawa ng gulo. Malayo ang gap ng edad namin. Kung titignan ito ay mukhang mas matanda pa siya kay Achilles. May balbas ito at matangkad talaga siya. Maputi rin at may peklat sa pisngi pero hindi naman nasira ang mukha nito.

Ako na ang sumagot. "Hindi sila member ng gang, sir. Kasama ko lang sila sa lakad na ito. Puwede ko bang malaman ang pangalan mo? Ang sagwa na kinakausap mo ako sa hindi ko gustong tono pero hindi man lang kita kilala." Sabi ko ng may ngiti sa labi.

Dahil dito, natawa na lang ito sa akin. Ang tawa na sobrang nakakalito. Hindi siya nakaka-insultong tawa. Tawa ito ng taong matagal nang may dinadamdam na sakit. Ramdam na ramdam ko ang emosyon sa tawa nito.

Lumingon ito kay Jinling. Si Jin ay ngumiti lang sa akin.

I see.

"Jass, this man right here was the Right Hand Man of Drake. He's Michael Saldivar." Maiksing pakilala ni Jinling dito.

Ako naman, medyo nag-loading pa sa akin ang narinig ko. Sa sobrang lutang ko ay inalok ko ito ng shakehands at nagpakilala rin.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon